I'll Find Ways

2.9K 65 2
                                    


A/N: I'm sorry kung sobrang tagal na nitong hindi na-a-update. Hahahuhu😭 Tigang na tigang na ang HAHC.😂

Habang nagmamaneho si Nathaniel ay pinapanood ko lamang ang mga nadadaanan naming mga establisyimento. Pero iba ang nakikita ko ng mga oras na 'yon. Nakikita ko ang mukha ni Seymour, oo lahat ng establishments na nadadaanan namin ay may mukha ni Seymour. The hurt that I saw in his face it will be forever in my mind.

"Your foot is bleeding." Untag ni Nathaniel. "And... You are pregnant?"

"Hindi. Nakalulon lang ako ng pakwan." I retorted without looking at him.

Isa pa 'to. Sy Nathaniel Ichiwara was actually my ex. First love. First boyfriend. First kiss. First heartbreak.

Natatandaan ko pa kung paano niya ako ligawan pagkatapos niya akong tawaging ms.booger. Gwapong gwapo talaga ako sa kaniya noon at gandang ganda ako sa sarili nang lagi niya akong nililibre ng pagkain sa canteen pagkatapos ay ihahatid pauwi kahit hanggang eskinita lang. Naging kami naman kasi sinagot ko siya, obviously. Pero iyon pala gagong gago talaga siya at gagang gaga naman ako sa paniniwalang mahal niya rin ako.

Nakita ko kasi siya noon sa jollibee na kumakain at nakikipaglandian kay Dalen. Tangina, 'di ba? Sa gremlin pa ako ipinagpalit. Alam ko namang hindi ako maganda pero pakshit lang, kung mangtu-two time siya dapat doon na sa maganda hindi sa mukhang matanda. Feeling ko tuloy mahilig siya sa mga exotic animal.

"Ikaw pala ang pinakasalan ni Seymour. Busy kasi ako sa kompanya kaya hindi ako nakadalo, at pupunta na akong Japan ngayong week." Untag niya ulit.

Napahikbi ako nang marinig ang pangalan ni Seymour. Gusto kong maiyak kaso hindi ko magawa, walang lumalabas sa mga mata ko, wala akong mapiga. And I can't even cry cause sipon will follow.

Pero ang sakit sa puso. Pakiramdam ko nasagasaan ang puso ko ng pison at nagkadurog durog. Pakiramdam ko nag-bunjee jumping ako nang walang tali tapos nahulog sa labak, nagkalasog lasog ang mga buto.

Ang sakit. Sobrang sakit. Ganun kasakit. Hindi ko madescribe nang maayos ang sakit na nararamdaman ko. Hinimas himas ko ang bandang itaas ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Mas masakit pa kasi siya noong tinraydor ako ni Nanay.

The emotional pain that I felt right now is more hurtful than before. I really don't want to have an emotional wound, I would rather prefer a physical wound instead of that. Kaya kasi iyon magamot ng mga doctor. While emotional wound won't ever disappear. Unless you wait for it to heal.

Pero hanggang kailan ako maghihintay? Isang taon? Sampung taon? Paano kung habang-buhay na 'yung sugat na 'yon, hindi ba?

Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang grocery store. Bumaba siya at makalipas ng sampung minto ay bumalik, may bitbit na siyang malaking plastik.

Umikot siya sa sasakyan, binuksan ang pintuan sa pwesto ko at lumuhod. Naglabas siya sa plastik ng bottled water, betadine, gauze, medical tape at cotton.

Then he started cleaning the wound on my feet, applied some betadine and put a gauze on it. May dinukot ulit siya sa plastik na tsinelas na halatang bagong bili kasi may price tag pa, pinasuot niya sa'kin 'yon.

Nginitian niya pa ako bago tumayo at bumalik sa driver's seat, pagkuwa'y pinaandar niya na muli ang sasakyan.

"Anong balak mo? Saan mo balak pumunta? Anong nangyari sa inyo ni Seymour?" Sunod sunod na tanong niya.

Babarahin ko sana kung close ba kami ang kaso pinigilan ko ang sarili. Nagmagandang loob kasi siyang linisin at gamutin ang sugat ko. Kahit papaano may 2% pa naman akong kabaitan sa katawan ko.

Hindi ako umimik. Nagisip-isip muna ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang rason o mananatiling tahimik. Pero mas nanalo ang bunganga ko kaysa sa utak.

"Magkapatid kami ni Seymour."

"What?!" He screeched.

Kamuntikan pang mabangga ang SUV niya sa isang truck buti at naayos niya agad ang pagmamaneho. Tinignan ko siya ng masama at umayos ng umupo. Sumulyap siya sa'kin saglit at tinuon na muli ang atensyon sa pagmamaneho.

"Are you shitting?"

"No, I'm Marionette Cosias." I said sarcastically that made him sputtered.

"Di nga?" Giit niya.

Tumango ako, "Nabasa ko sa report na pinaimbestiga niya. Nabasa kong..." Lumunok muna ako bago nagsalitang muli. "Nabasa kong magkapatid kami sa ama."

"Holy shit."

"You mean, what the fuck? What the fuck, I married and slept with my older brother." And it's disgusting. Gusto kong idugtong ngunit minabuting huwag na lang.

But the fact that he was my brother hurts more than the disgust I felt for myself. Kasi alam kong hindi brotherly affection ang naramdaman ko sa kaniya. Na-inlove ako sa sarili kong kapatid.

"So...makikipag-divorce ka sa kaniya?"

"Wala akong pera pang-divorce."

"Want me to help you?"

Nagulat ako sa sinabi niya, napatingin pa nga ako sa kaniya, e. Sinisigirong kung nagbibiro lang ba siya o talagang seryoso siya. Kasi tutulungan niya ako, for what? Lahat kasi ng tulong may kapalit.

"For what?" I asked suspiciously.

He slightly chuckled and shrugged his shoulder. "Compensation for what I did before?"

"Alin? 'Yung pinagpalit mo ako sa isang gremlin?" He flinched at my question. "Ka-ano ano mo si Seymour?"

"Bestfriend."

"Keep this a secret to him. Ayoko ng bumalik pa sa kaniya and I need you to help me."

"Okay?"

"Hindi ba sabi mo pupunta kang Japan?" Tumango siya, "Then I'll go with you."

"Ha?!" Bulalas niya.

Naiinis na napakamot ako sa ulo, "Sabi ko sasama ako sa'yo sa Japan. Doon ako manganganak, doon ako titira. Sabi mo tutulungan mo ako, hindi ba? Kakapalan ko na ang mukha ko. Dalhin mo ako sa Japan."

"No shit?!" He asked incredulously.

"Do I look like I'm kidding?!" Naiiritang tanong ko.

Seryoso ako. Seryoso akong lumayo kay Seymour. Dahil kung mananatili ako dito sa Pinas, alam kong mahahanap niya ako. Sa yaman ba naman ng taong 'yun.

Kailangan kong gawin 'to. I need to do this to fucking move on. I can't just wait to heal my wounds. I'll find a way to heal it. Parang BDO lang, I'll find ways.

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon