Mrs. Marionette Montecillo

4K 77 0
                                    


Mrs. Marionette Montecillo

Ynette's POV

"Umuwi ka pa?!" Singhal ko kay Seymour. Nasa sala ako at nanonood ng tv. Ang palabas ay Little Nanay.

Napakamot si Seymour sa ulo at lumapit sakin. Kakauwi niya lang galing sa mall, may bitbit pa siyang paper bag. Umupo siya sa tabi ko. Tumayo agad ako.

"Maupo ka nga. Bumili akong ice cream."

"Pakialam ko?!" Hinawakan niya naman ako sa braso. "Don't touch me." Iwinaksi ko yung kamay niya.

"Excuse me?"

"Umuwi ka na sa inyo! Nakakabwisit ka!"

Tumaas kilay niya. "This is my home."

Napakamot ako sa ulo. "Oo nga pala."

Napatakip siya sa bibig niya tapos bigla na lang natawa. Napatitig ako sa kanya, pano nakakaloka yung tawa niya. Masculine much. Parang katawan niya. Gah!

Binuksan niya yung paper bag tapos naglabas ng ice cream. "Keith!" Sigaw niya. Mga ilang sandali ang lumipas at lumapit nga si Keith.

"Bakit po, sir?"

"Kuhanan mo ako ng kutsara. Dalawa."

"Wow! Ice cream! Penge ako sir." Tinignan siya ng masama ni Seymour kaya natawa siya ng awkward. "Hehehe joklang." Tapos ayon pumunta siyang kusina at pagbalik ay may dala ng kutsara. "Ito na po." Inabot niya yun kay Seymour pagkatapos ay umalis na.

"Come." Aniya tapos inabutan ako ng kutsara. Inabot ko naman yon tapos umupo sa tabi niya.

Sumandok ako ng napakalaking ice cream. Mangga ang flavor. Sa totoo lang ayoko ng mangga kasi naaalala ko yung artistang babae kinaiinisan ko, mahaba kasi ang baba.  Pero dahil no choice at gusto ko talagang kumain ng ice cream ay iyon na ang kinuha ko. Inisang subo ko pa yon.

"Gah! Brain Freeze!"

Seymour chuckled. "Baka freeze lang? Wala kang brain eh."

Inirapan ko siya. "Iniinis mo ba ako?"

"Hindi." Tapos may binulong bulong pa siya.

"Naiinis pa rin ako sayo."

Tumawa ulit siya. Tapos binitawan yung kutsara at naghubad ng t-shirt! Napatakip tuloy ako sa mukha, pero syempre konting takip lang. Jusko! My virgin-eyes-not-anymore naba-violate na naman.

"Bakit ka naghuhubad?" Yung muscles niya kasi sa katawan. Huhu feeling ko pumipintog. Gusto ko tuloy siyang halayin kaso baka maubos ang alindog ko. Utang na loob, Seymour! Don't do this to me!

"You really hate me, do you?"

"Oo, feeling ko nga mapapatay kita eh." Baka dambahin?

"Then beat me. As much as you want basta patawarin mo lang ako." Seryoso ba siya? Eh nakangisi pa nga siya nan eh.
"There won't be another chance—aw." Sinuntok ko nga. "Wag sa mukha!"

"Sorry naman." Sinuntok ko ulit siya, dun naman sa abs at sa muscles niya.

Tawa lang naman siya ng tawa. Sa sobrang inis ko dinambahan ko siya at pinagsusuntok ng malakas sa tyan.

Hinihingal pa ako ng tumigil samantalang siya parang di nasaktan. "Madaya ka."

Tumawa siya. "Weak ka." Hinawakan niya ako sa bewang, nakapatong pala ako sa kanya at nasa ilalim ko naman siya, nakahiga.

His And Her Circumstances (To Be Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon