Part 1: Bad First Impression

6K 183 3
                                    

ISANG matipid na "come in" lang ang narinig ni Dan matapos niyang kumatok sa pinto ng opisina ng bago niyang boss. She was nervous as hell. Ito kasi ang unang araw niya bilang executive assistant ni Hunter Gatchalian, ang executive vice president para sa online marketing at advertising ng Accelerated Ventures Advertising o AVA. Medyo nanginig pa nga ang kamay niya nang lumapat ang kanang kamay sa seradura ng pinto. So she inhaled heavily and tried to shake away the nervousness as she step inside the huge office.

"I didn't expect you this early," wika ng lalaking nakaupo sa harap ng malapad na mesa. Siguradong narinig nito ang maingay na pagkakasara niya sa pinto kaya hindi na nito kinailangan pang lumingon para masigurong naroon na nga siya sa loob. She could only blame her nervousness for that. Mabuti na lang at nagpatuloy lang ang kanyang boss sa pagtatype sa laptop na nasa harap nito. "Ang akala ko ay matagal pa ang orientation na ibibigay sa'yo ng HR," tukoy nito sa human resource department.

Dan wanted to say something impressive. Pero hindi naman niya mahanap ang sariling boses. Bago pa man siya nag-apply sa AVA ay niresearch na niya ang background ng kompanya. What she found out about AVA was very impressive. Isa ito sa mga pinakakilalang marketing at advertising firms sa bansa. At sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang bigla siyang na-insecure. Napakaganda naman ng timing niya para makaramdam ng ganoon. Kung kailan unang araw niya sa trabaho at kailangan niyang magpaimpress sa boss niya.

"I'm sure naipakita na sa'yo ng HR ang desk mo sa labas. Lahat ng kakailanganin mo ay nandoon na," pagpapatuloy ng kanyang boss na abala pa rin sa ginagawa.

"Y-yes, Sir," sa wakas ay nagawa din niyang magsalita. Kahit pa parang boses palaka ang kinalabasan niyon, at least ay nagawa niya. Pero agad ding binawi ni Dan ang pagpapasalamat nang unti-unting lumingon sa direksiyon niya ang kanyang boss.

Nang araw na matanggap siya sa trabaho ay sinearch agad niya sa Internet si Hunter Gatchalian. Nabasa niya ang maikling profile nito sa company website at may mga nakita na siyang litrato nito sa Internet. In those pictures, he looked like the perfect image of a childish playboy. Pero parang ibang-iba ang itsura nito ngayon sa mga litratong nakita niya. Hindi niya iyon napansin agad kanina kasi nga busy pa siya sa pagiging kabado at insecure. But now that she was focusing her attention on him, she noticed that the Hunter Gatchalian in front of her looked like he had not slept. Medyo magulo ang may kahabaan nitong buhok at ang suot nitong button-down shirt ay gusot-gusot at mukhang basta na lang itinupi sa may siko.

"You're a woman." His voice sounded a little hoarse. Hindi niya alam kung iyon ba ang natural nitong boses o dahil iyon sa puyat o pag-inom ng kape.

Hindi din nakaligtas kay Dan ang tila nag-aakusang tono nito. So what if she was a woman? "I... yeah, I am." Damn it! That sounded stupid.

"You're a woman," muling wika ni Hunter. Sa pagkakataong iyon ay mas halata na ang pag-aakusa sa boses nito. Na para bang napakalaking kasalanan ang pagiging babae niya.

Hindi tuloy maiwasang tumaas ng mga kilay ni Dan. She didn't work in a corporate setting before. Dati siyang staff ng isang lokal na pulitiko. Pero kahit pa ganoon ay alam niyang hindi normal ang iniaakto ng Hunter Gatchalian na ito. Anong klaseng tao 'yung parang gusto nang pumatay ng tao dahil lang babae siya?

"How the hell did that happen?" pagalit nang tanong ng kanyang boss.

Hindi niya nagustuhan ang iniaakto nito. Kaya naman mabilis na nawala ang lahat ng kaba at insecurity na nararamdaman ni Dan kanina. Agad na nangibabaw ang kanyang angking katarayan lalo na nang lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Hunter. "I'm pretty sure I was born this way. This is all natural, Sir," sarkastikong sagot niya habang itinuturo ang sarili.

"I thought your name was Dan," walang kangiti-ngiting wika nito.

Lalo lang nainis si Dan sa narinig. Hindi man lang ba nito binasa ang kanyang resume? "Dan is my nickname. My name is Danika Lagman. It's in my resume," then she paused before saying, "Sir."

"Right," tila lalo namang kumunot ang noo nito at saka bumaling sa sangkaterbang papel sa ibabaw ng mesa nito. "Hindi ko nabasa ang resume mo. I must have misplaced it. Anyway, wala din naman akong oras para basahin iyon. Kaya si Papa na ang nag-interview sa'yo. I assumed he would know the kind of assistant I need." Sinabi nito ang huling pangungusap na iyon na may pagkadisgusto habang umiiling.

Sinubukan ni Dan na huwag iyong pansinin. Sa halip ay binalikan niya sa isip ang mga sinabi ng HR personnel na nag-orient sa kanya. Ayon dito ay masyado daw abala ang kanyang boss na si Hunter para interviewhin siya kaya ang nag-interview sa kanya ay ang ama nitong presidente ng kompanya na si Raul. Medyo naguluhan pa nga siya dahil mas may oras pa ang presidente kesa sa bise presidente. Pero ayon muli sa madaldal na HR personnel ay naidelegate na daw kasi ang mga trabaho ng nakatatandang Gatchalian dahil malapit na itong magretiro.

"I'm calling HR. Sinabi ko namang ayoko ng babaeng assistant. But look what they gave me," itinuro pa siya nito at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. And he did that with a disgusted look on his face.

Dan was insulted at that. Kaya hindi na niya napigilan ang sarili na humakbang palapit sa mesa nito at nagsalita sa galit na tinig. "What's that supposed to mean?"

"It means, thank you for your time but we won't need your services anymore."

Hawak na ni Hunter ang telepono nang magsalita siya. "Ano? Are you firing me? You can't do that," Dan said with a reprimanding voice. Hindi siya papayag na basta na lang siyang tratuhin nito ng ganoon. Sandaling tila nagulat si Hunter sa kanyang ginawa. Binitiwan nito ang telepono at saka pinakatitigan siya na para bang sinusukat kung hanggang saan ang tapang niya. Sumandal pa ito sa kinauupuan na parang hawak nito ang lahat ng oras sa mundo. She knew that she should be intimidated but she wasn't.

"And who are you to tell me what I can and cannot do?" Dan was taken aback when she noticed that Hunter's voice didn't sound that disgusted anymore. Mas mahihimigan na doon ang paghahamon sa kanya.

Siguro ay may pag-asa pa namang maisalba ang sitwasyong ito. "I'm sorry, Sir," paghingi niya ng paumanhin ngunit hindi niya magawang i-project iyon sa kanyang mukha. She just wished that her new boss won't notice it.

"You don't look sorry enough to me."

Naikuyom ni Dan ang kamay na nasa gilid niya. This won't work. Hindi niya kayang maging boss ang isang tulad ng Hunter na ito. Isasatinig na sana niya iyon nang biglang ngumiti ang kanyang boss. Yun bang may pagkamisteryosong ngiti na parang may pinaplano itong hindi maganda.

"Very well, I will e-mail you a new set of tasks. Disregard the one on your desk." Nakita na ni Dan ang tinutukoy nitong listahan nang ituro sa kanya ng HR ang kanyang magiging desk sa labas. "Nang gawin ko ang listahang 'yon ay hindi ko alam na babae ka pala. Just go over the list and come back here if you have questions." Iyon lang at binalikan na ni Hunter ang computer.

"That's it? You're not gonna fire me anymore?" may pagdududang tanong ni Dan.

Her boss looked at her mockingly and said, "Do you want me to change my mind?"

Kahit na naguguluhan pa rin ay umiling na lang si Dan. "N-no, of course not."

And then Hunter dismissed her by simply ignoring her. Dan felt awkward being dismissed like that. Idagdag pa na kinailangan niyang kagatin ang dila para pigilan ang sariling magsalita ng hindi maganda. So much for trying to make a good first impression on her new boss.


***

Don't forget to like and share this to your friends! ❤

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon