"Dan?"
"O?"
"Tinatanggap mo na ba ang sorry ko?"
"Hmm..."
"Ano'ng ibig sabihin ng hmm?"
"Ewan ko."
Hunter chuckled. Napasinghap naman si Dan. Parang lalo kasi siyang nakiliti dahil doon. She immediately shivered down to the tips of her toes.
"Dan?"
"Ano?"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." While he was saying that, his lips were traveling from the side of her neck towards the front and then down some more.
"Anong tanong?"
Hunter chuckled again. Muli ay kinilabutan si Dan hanggang sa mga split ends ng buhok niya kung mayroon man. "You know."
Suddenly, she felt exasperated with this question and answer portion. Inaasahan ba talaga nitong makipagkwentuhan habang ginagawa nito ang mga ginagawa nito sa kanya? Bigla tuloy lumabas ang pagka-bossy ni Dan. Parang may sariling isip na sinapo ng dalawang kamay niya ang mga pisngi ni Hunter at saka pilit na iniangat ang mukha nito upang magkasalubong ang kanilang mga mata. The moment his eyes focused on her face, she immediately felt her face heating up. Lalo pa nang bumabang muli ang tingin nito sa kanyang mga labi.
"What's the matter?" Muntik pa siyang mapatalon nang maramdaman ang masuyong paghaplos ni Hunter sa kanyang likod habang tinatanong iyon. Paano ba naman kasi ay nasa loob na pala ng suot niyang damit ang kamay nito.
Bahagya ipinilig ni Dan ang ulo. "Beauty contest ba 'to? Bakit may question and answer portion pa?"
Natawa si Hunter. "Gusto ko lang namang makasigurong tinatanggap mo na ang sorry ko."
"I'm already letting you kiss me, am I not?" Hunter's lips twitched as he leaned forward. Dahil doon ay bahagyang napaatras si Dan. Sigurado siyang kaunti na lang ay mapapahiga na siya doon sa counter.
"Hindi ako mind reader, Dan, at lalong wala akong alam sa pag-i-interpret ng mga actions ng mga babae. So I prefer straight up answers."
"Fine, oo na, pinapatawad na kita. Now can we just focus on one activity at a time?" Napangiti nanaman si Hunter. Bakit ba ang guwapo nito kapag ngumingiti ng ganyan? 'Yung medyo bad boy lang na ngiti. "At para malinaw, hindi ang question and answer activity and tinutukoy ko." Lalo pang lumapad ang ngiti nito. Tuluyan nang napahiga si Dan sa counter nang muli siya nitong halikan. Hindi niya alam na pwede pa palang maging mas intense ang intense na nilang kissing scene kanina. And suddenly, kissing him back was not enough. She felt like she wanted to touch him too. But her clumsy hands just got clumsier. Hindi niya alam kung paanong nagawa pa niyang tabigin ang kung anumang bagay na nasa gilid niya.
"Careful," bulong ni Hunter kasabay nang mapanuksong pagkagat nito sa naka-expose niyang balat, just below her collar bone. Dan unconsciously jerked her body towards him. Hindi niya alam na may kiliti pala siya doon. Actually, hindi niya alam na napakarami pala niyang kiliti sa katawan. Pero kung nagvovolunteer si Hunter na i-discover ang lahat ng iyon ay sino ba siya para magreklamo? It didn't matter that they were at the middle of his kitchen. And it definitely didn't matter that he was her boss.
Agad na humigpit ang pagkakayakap ni Dan sa leeg ni Hunter bilang protesta nang bigla itong tumigil sa ginagawa. "What the hell?" Hindi lang ito tumigil, pilit na lumalayo pa ito sa kanya. "Tama ba ang naririnig ko?"
"Ano'ng—"
"Listen, parang may tao sa labas."
Parang binato ng sandamakmak na ice tubig si Dan nang marinig ang tunog ng doorbell.
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
Любовные романыLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...