"DAN!" Lalo pang binilisan ni Dan ang paglalakad nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Hunter. Parang napakalapit na ng boses nito kaya basta na lang siyang pumasok sa pinakaunang pintong nadaanan.
"Dan, sandali lang." Pahabol na tawag ni Hunter bago pa tuluyang sumara ang pinto.
Shit! Paano ba nila-lock ito? The door didn't have a doorknob or anything. Tanging maliit na electronic lock ang nakita niya sa isang gilid. Kailangan pa yatang magswipe ng card doon para mai-lock ang pinto.
"Dan!"
Bahala na nga! Lumayo na si Dan sa pinto at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Pero maya-maya lang ay naramdaman niyang may humila sa isang kamay niya. "Bitiwan mo ako, Hunter."
"Bakit bigla kang umalis?"
"I didn't think I was still needed there," balewalang sagot ni Dan.
"Of course, you're still needed there. That's the point of the whole situation. Para sa'yo ang—"
"Kung ganoon, salamat," putol niya sa sinasabi ng binata. "Pero hindi naman na siguro kailangang nandoon pa ako para panoorin ang lahat."
"But I thought you would like it. Ang sabi ng mga kuya mo ay gustong-gusto mo daw ang mga ganitong bagay." Napataas na ang kilay ni Dan doon. "Sila pa nga ang nagsetup nito," pagpapatuloy ni Hunter. Mukhang hindi ito aware na nag-iba na ang aura niya. "Kaibigan ng Kuya Cole mo ang may-ari dito."
Nakahalukipkip na pinag-aralan ni Dan si Hunter. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. "Sinasabi mo bang ang mga kuya ko ang mastermind ng lahat ng ito?"
"Well, I wouldn't say mastermind exactly. Pero sila ang tumulong sa akin para buuin ito." He gestured a hand around them. Pagkatapos ay tila nahihiyang ngumiti ang binata.
"Why?"
"What do you mean why?"
"Why would you do something like this?"
"Because..." Humakbang palapit sa kanya si Hunter bago muling nagsalita sa mas malambing na tinig. "Because I want to put an end to this charade. And because I don't want you to be lonely."
"Lonely? Bakit naman ako magiging lonely?" mataray na tanong ni Dan pero sa totoo lang ay unti-unti na siyang natutunaw sa masuyong titig pa lang ni Hunter. The care, the understanding, and the love. Ang akala niya ay hindi na niya makikita pa iyong muli. But it was all there in his eyes.
"May nabasa akong quote dati, it says the loneliest place on Earth is where you can't fully express yourself." Pagkasabi niyon ay pinisil ni Hunter ang kanyang mga kamay. Noon lang napansin ni Dan na hawak na pala nito ang mga iyon.
Nag-iwas ng tingin si Dan dahil hindi na niya kayang salubungin pa ang mabigat na titig nito. "That won't happen to me." Napalunok siya dahil biglang nabasag ang kanyang boses bago pa matapos ang sinasabi.
"Will you stop denying? I never pegged you for a denial queen."
She immediately winced at Hunter's tone. Naalala niyang maikli nga pala ang pasensiya nito sa mga ganitong klaseng usapan. "I wasn't—"
"Nakalimutan mo na yatang alam ko na ang lahat. So let's be honest here, Dan." Mas halata na ngayon ang pagkabagot ni Hunter sa tinatakbo ng usapan nila. "Why do you think I went through all these trouble just to free you from that agreement? Because you asked me to trust you and I did." Mukhang hindi pa sapat para kay Hunter ang mga salitang iyon dahil bigla na lang nitong binitiwan ang kanyang mga kamay upang hawakan naman siya sa balikat. "I believed in you. That's why I tried to do the right thing." Sandaling tumigil ito at tinitigan siya bago tila hirap na hirap na muling nagsalita. "For you. Naiintindihan mo ba kung ano ang gusto kong sabihin dito?"
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
Lãng mạnLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...