Part 15: Cat Fight, Anyone?

1.6K 107 6
                                    

ABALA si Dan sa trabaho nang bigla siyang mapa-hatsing. Bigla kasing pumailanlang sa paligid ang matapang na amoy ng pabango. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya ang isang sopistikadang babae sa tapat ng kanyang desk. It took her a minute before she recognized the woman. It was Gena.

"I'm here to see Hunter," mataray at nakataas ang noong pahayag ng babae. Nakasuot ito ng shades kahit na nasa loob na ng building.

Dan wasn't sure how to handle her. Wala namang instruction si Hunter tungkol sa pagbisita ni Gena doon. So she just did what she thought he would want. "I'm sorry, but hes's busy right now," sagot niya sa pormal na tinig.

Marahil ay hindi iyon inaasahan ni Gena kaya yumuko ito at ibinaba ang suot na salamin. Sandaling nakita ni Dan ang pagkagulat sa mukha nito na agad ding napalitan ng rekognisyon. "Well, I should have known." Tuluyan na nitong inalis ang suot na shades. "So, ikaw pala ang bagong assistant ni Hunter." Then Gena gave out a mischievous smile.

Hindi iyon nagustuhan ni Dan. At kung hindi lang lumabas si Hunter ay baka nasagot na niya ang babae. Speaking of Gena, mabilis na lumapit ito sa nakasimangot niyang boss.

"Hunter, I didn't know na may kapalit na pala ako," maarteng wika ng babae.

Nagtama ang mga mata nila ni Hunter. Hindi mabasa ni Dan kung ano tumatakbo sa isip nito nang mga sandaling iyon. But she was ready to go along with him no matter what he decided to do.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Gena?" Nakatingin parin si Hunter sa kanya nang sa wakas ay magsalita ito.

"Wala naman, gusto lang kitang bisitahin."

"Kung hindi naman pala importante ang ipinunta mo dito ay mabuti pang umalis ka na. Busy kami ngayon."

"Busy doing what? Nang dumating ako dito ay wala naman siyang ginagawa," itinuro pa siya ng malditang Gena na iyon.

Nagpanting ang mga tenga ni Dan sa narinig. "Excuse me?" hindi niya napigilang sumingit.

"Gena," may himig babalang tawag ni Hunter dito.

"Oh, come on, Hunter. Don't tell me you don't see the signs?"

"Signs?" muling singit ni Dan sa mga ito. Hindi na talaga niya nagugustuhan ang mga ipinahihiwatig ng babaeng ito.

"Oo, signs," nakataas ang kilay na bumaling kay Dan si Gena. "Unfortunately, I can see all the signs in you. I know exactly what kind of woman you are. You're a classic social climber."

Biglang uminit ang ulo ni Dan sa narinig. Ngunit sa halip na sumagot agad ay bumaling muna siya kay Hunter upang tingnan ang reaksiyon nito. Hindi na siya nagulat nang makita ang naghahamon na tingin nito na para bang hinihintay nito kung paano niya sasagutin iyon. Dahil doon ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na sagutin si Gena. "Hindi ko alam na may signs pala ang pagiging social climber. Paano mo nalaman yun? Was it because it takes one to know one?"

Halatang nagulat ang babae sa pagsagot niya. Namumula ang mukhang bumaling ito kay Hunter. "Hunter, are you just gonna let her talk to me like that?"

Nagkibit ng balikat si Hunter. "She can damn well talk to anybody however she wants," iritadong sagot nito na lihim na ikinatuwa ni Dan. "Kung anuman ang gusto mong sabihin, pwede bang sabihin mo na? We still have a lot of work to do. Isa itong opisina at hindi pasyalan."

Bigla namang sumeryoso si Gena. "Alright, why don't we go inside your office?"

Pero sa halip na bumalik si Hunter sa opisina nito ay lalo pa itong lumapit sa desk ni Dan. Pagkatapos ay nakahalukipkip na sumandal doon. "Bakit kailangan pang magpunta sa opisina ko? Just say it right here."

"No, it's personal."

"Then I'm sorry I don't have time to talk about personal matters. Tulad ng sabi ko kanina, this is a workplace. You know your way out, right?" Hindi na nito hinintay na sumagot si Gena bago bumaling sa kanya. "Dan, let's go to my office."

Tahimik na sumunod na si Dan dito habang pinipigilan ang sariling tapunan ng tingin si Gena.

***


Hi, guys! Please remember that I wrote this story many years ago. Noong hindi pa ako "woke." LOL! Charot lang. I mean to say, ito yung mga time na nakakahon pa ang mga ideas ko. Yung time na ang conflict lang na alam ko ay third party, and a crazy third party at that. hahaha! Sa totoo lang, natatawa ako habang binabasa ko ito. It's just so... so old school. Like, you know, with the crazy ex-gf wrecking havoc on the leads. hahaha! But anyway, I still love Dan and Hunter. And this story will forever remind me of that point in my writing career when I'm just so naive, yet still hopeful and enthusiastic about writing.

- Kensi

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon