Part 31: Girl Talk

1.5K 104 11
                                    

PAGPASOK na pagpasok sa restroom ay tuluyan nang kumawala ang tinitimping damdamin ni Dan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ngayon pa parang gustong sumabog ng dibdib niya. She wanted to stop but she couldn't. Parang ngayon lang lumalabas ang lahat ng sakit, tampo, galit, at pati na yung simpleng inis niya sa sarili dahil sa lahat ng nangyayari. Parang punong-puno na ang pakiramdam niya at gusto nang sumabog niyon. She couldn't keep it all inside of her anymore.

"Dan?" kasabay ng pagtawag ni Leigh ay mga mahihinang katok sa pinto.

"Dan, pakibukas naman ang pinto," may pag-aalalang wika naman ni Devyn.

Noon lang napansin ni Dan na nai-lock pala niya ang main door ng restroom. Nagmamadaling binuksan niya iyon saka muling tumalikod patungo sa lababo. Narinig pa niya ang tahimik na pagpasok ng mga kaibigan bago niya binuksan ang faucet. Hindi na normal ang pag-iinit ng kanyang mga mata kaya hinilamusan niya ang mukha. Wala na siyang pakialam kung masira ang suot niyang make-up na napakatagal niyang ini-apply at inayos kanina para hindi mahalata ang eye bags niya. Speaking of eye bags, naalala nanaman tuloy niya kung paano niya nakuha ang mga iyon. Ngayon lang niya aaminin sa sarili na hindi na healthy itong pinagdadaanan niya. Ilang gabi na siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyong kinasangkutan niya at siyempre pa ay kay Hunter.

"I'm okay," bulong ni Dan sa sarili habang nakatingin sa sariling repleksiyon. Hindi niya alam kung para ba iyon sa mga kaibigan niya o para sa kanya. "I'm okay," ulit niya sa mas malakas na tinig. Mula sa salamin ay nakita niyang ngumiti sina Leigh at Devyn. Bumalik tuloy ang pag-iinit ng kanyang mga mata. "'Wag niyo nga akong ngitian ng ganyan," pananaway niya sa dalawa. Kasunod niyon ay bigla na lang siyang napahikbi. Nakita niya na agad naalarma sina Leigh at Devyn kaya lumapit ang mga ito sa kanya.

"I'm sorry." Si Leigh ang nagsalita.

"Ba—" naputol ang sasabihin ni Dan nang mapahikbi nanaman siya. So much for keeping her emotions in check. "Bakit?"

"We made you cry," sagot ni Devyn.

"H-hindi naman kayo ang—ang may k-kasalanan." Damn these tears! Nakakasira na ito ng dignidad. Sa lahat ng pinagdaanan ni Dan sa mga kuya niya ay ngayon pa yata siya mababansagang cry baby. Ayaw niyang matawag ng ganoon kaya ayaw niyang umiyak. Hindi siya iyakin. Pero ayaw talagang tumigil ng mga pesteng luha niya. "Guys, please, don't." Umiwas siya nang tangkain nina Leigh at Devyn na yakapin siya.

"Alam ko na ngayon kung bakit ka nagustuhan ni Sir Hunter." Parang lalo lang gustong bumuhos ng mga luha ni Dan sa sinabi ni Devyn. "Ang ibig kong sabihin ay alam ko na ngayon kung bakit kayo naging magkasundo ni Sir Hunter."

"B-Bakit?" humihikbing tanong ni Dan.

"Pareho kayong matigas ang ulo."

"You're also both tough."

"I'm not—" hindi nanaman naituloy iyon ni Dan dahil sa paghikbi.

"Yes, you are," giit ni Leigh na sinang-ayunan naman ni Devyn. "Hindi namin alam kung ano talaga ang rason at naiiyak ka ngayon pero sa nakikita kong tindi ng pagpipigil mong tuluyang mapahagulgol ay sigurado akong mabigat iyon."

"Hindi pa ba hagulgol ang tawag dito?" itinuro pa ni Dan ang sarili bago humugot ng malalim na hininga.

"Believe me, wala pa 'yan sa tunay na hagulgol," sagot ni Leigh na tinanguan naman ni Devyn bilang pagsang-ayon.

"I—" humugot muna si Dan ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "I've never cried this way before. Ang ibig kong sabihin ay hindi pa ako umiiyak ng ganito katindi." Napapailing na sinilip niya ang sariling repleksyon sa salamin. "'Yung parang sasabog na ang dibdib ko kapag hindi ko ito inilabas," awtomatikong iniangat niya ang kanang kamay upang haplusin ang dibdib. Nakakaunawang tumango naman ang dalawa saka tipid na ngumiti. "Thanks."

"Ha? Para saan?"

"For being girls," nangingiting sagot ni Dan. "Nasanay kasi ako na tumatakbo sa papa ko at sa mga kuya ko kapag may ganitong nangyayari sa akin. You know how men are."

Napailing si Leigh. "No wonder hindi ka nga sanay na umiiyak."

"Thanks," ulit ni Dan.

"Pero dahil mga babae kami, syempre mag-uusisa kami kung ano ang dahilan ng pag-iyak mo ngayon," wika naman ni Devyn.

Biglang naudlot ang pagngiti ni Dan. "Can we talk about that some other time?" Gusto din naman niyang magkwento pero hindi niya alam kung paano gagawin iyon nang hindi umiiyak.

Bago pa makasagot ang dalawa ay may kumatok naman sa pinto. "Girls, hindi pa ba kayo tapos diyan?" nabosesan niya si Maxine. "Baka pwedeng sumama na lang ako diyan sa loob? Kainis naman, huli na tuloy ako sa balita."

"Kailangan na nating puntahan si Maxine, baka magwala na yon sa labas." Tipid ang ngiting wika ni Dan. Mas magaan na ang pakiramdam niya kahit paano. Pero mukhang walang balak na sumunod sina Leigh at Devyn sa sinabi niya kaya siya na ang naunang lumabas upang puntahan si Maxine.

"BILISAN niyo ang paglalakad," utos ni Dan na pinagtawanan lang nina Leigh, Maxine, at Devyn. "Ano'ng nakakatawa? Overbreak na tayo," nanlalaki pa ang mga matang paalala niya sa mga ito.

"Okay lang 'yun, Dan, ngayon lang naman eh," wika ni Leigh.

"Anong okay lang? It's against company policy."

"Maiintindihan naman ng mga boss natin na nagkaroon tayo ng emergency," dagdag ni Devyn.

"Emergency? Ano ang emergency natin?" naguguluhang tanong ni Dan. Maliban sa pag-iyak niya kanina ay wala nang iba pang nangyari kaya sigurado siyang walang emergency na naganap.

"Basta," inakbayan pa siya ni Maxine habang papasok sila sa building. "Just leave it to us."

Iniiwas ni Dan ang balikat sa pagkakaakbay ni Maxine. "I don't like the sound of that."

"Basta 'wag mo nang isipin yun, may basbas naman kami ni Sir Drei."

"Ano?" napatigil si Dan sa paglalakad at hinarap ang tatlo.

"Ahm, kailangan ko nang mauna kasi baka may gagawin na si Kuya Edwin," tukoy ni Leigh sa office assistant na siyang humahalili dito sa reception desk kapag break time. "Sige, guys, bye." Iyon lang at nagmamadaling iniwan na sila nito.

"Ako din may tatapusin pa," agad na tumalikod naman si Devyn pagkasabi niyon.

Nakahalukipkip na pinagtaasan ng kilay ni Dan ang naiwang si Maxine. "O wag ako ang tingnan mo ng ganyan." Hindi man lang ito apektado sa ginawa niya kaya lalo pa niyang pinagbuti ang pag-i-intimidate dito. Maya-maya pa ay nagbago na ang ekspresyon ng mukha ni Maxine. Bahagyang pinagalaw niya ang ulo at lalo pang binigatan ang pagtitig dito. Iyon ang madalas na napapansin niyang ginagawa ni Hunter at base sa nakikita niyang pagkailang ni Maxine ay effective nga ang taktikang iyon. "Okay, fine," sumusukong nagpakawala ng hininga si Maxine.

Lihim na napangiti si Dan. "So?"

"Ibig lang sabihin ay gusto ka ni Sir Drei. I mean, boto siya sa'yo kaya gusto niyang magkaayos na kayo si Sir Hunter."

"Sinabi niya yan?"

"Hindi," balewalang sagot ni Maxine.

"Then don't assume that's what he meant."

"He actually said a lot more than that."

"Ano?"

"Next time na lang. I gotta go. Nandiyan na ang boss mo." Pagkatapos ay bigla na lang siya nitong nilampasan. Then Dan heard Maxine say, "Good afternoon, Sir Hunter." Agad na nanigas ang buong katawan ni Dan.

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon