Part 6: Meet Dorky Hunter

2.1K 106 1
                                    

PAUWI na sana si Dan nang tumawag si Hunter sa kanyang direct line. Pinapapunta siya nito sa opisina nito. Sa tono ng pagsasalita ng kanyang boss ay nahulaan niyang nakita na nito ang mga damit na dinala niya. With a smile, she walked towards Hunter's office and went inside without knocking. Alam naman nitong papunta siya doon.

"What the hell is this?"

Itinutok niya ang paningin sa hawak nitong mga damit pero agad din iyong bumalik sa malapad nitong dibdib. Aw, shit! She was not prepared for this.

She was still busy freaking out when she heard him clear his throat. "So?"

"Ahm, ano nga uli 'yung itinatanong mo, Sir?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay humalukipkip pa ito. Lalo lang tuloy naging mas kapansin-pansin ang mga itinatago nitong muscle. "Staring is rude."

That was enough to bring her back to reality. "Right, I'm sorry." Pinilit ni Dan ang sariling salubungin ang mga mata nito kahit na alam niyang namumula na siya ngayon sa kahihiyan.

"So, saan mo nakuha ang mga ito?"

"Sa closet mo, saan pa nga ba?"Alam niyang napaka-unprofessional ng sagot niya. But her boss was half naked in front of her, damn it! Mas unprofessional naman 'yun, 'di ba?

"These are my shirt and slacks all right. Ang hindi ko maintindihan ay kung saan nanggaling ito." Itinaas nito ang isang panglalaking scarf na may weird na prints. "At ito?" Itinuro naman nito ang men's vest na wala na sa uso.

The evil side of Dan was now silently laughing with mischief. "Oh, the first one is a pashmina scarf and that," pigil ang ngiting itinuro niya ang vest. "Is a cashmere vest."

"Saan mo nakuha ang mga ito?" Kung makatingin ito sa mga damit ay parang nakakadiring bagay ang mga iyon. Lihim nanaman siyang nagbunyi.

"Nakita ko 'yan sa mga kahon na nandoon sa closet mo, Sir. Mukha ngang hindi mo pa nagagamit kasi nakabalot pa." And then she carefully added, "I think they were gifts from your mother." Nakita kasi niya na may card pa ang mga iyon.

Minasahe nito ang sentido. "And there's a good reason why they were still wrapped. Iyon ay dahil hindi ako nagsusuot ng mga ganitong damit."

"Magaganda naman ang mga 'yan. Bakit hindi mo subukang isuot?" Lalo lang lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Hunter na parang bigla siyang nagsalita ng salitang alien. Kinailangan tuloy niyang kagatin ang ibabang labi para pigilan ang sariling tumawa ng malakas.

"Do I look like someone who would know how to wear these things?"

Nagkibit ng balikat si Dan at saka pinasadahan ito ng tingin. The brute really had a drool-worthy body. "I can teach you how to wear them," nanunuyang suhestiyon niya.

"What?"

"Ang sabi ko, Sir, pwede ko namang ituro sa'yo kung paano isuot ang mga 'yan."

"No!"

"What do you have against the scarf and the vest, anyway?" painosenteng tanong uli ni Dan.

"Are you seriously asking me that?" tila hindi makapaniwalang umiling-iling si Hunter. "It should be illegal for men to be wearing these mediocre clothes!"

Dan couldn't help but laugh at the horrified expression on his face. "Anong mediocre? It's called fashionable, Sir. Hindi mo ba alam na uso ang ganyang mga damit ngayon?"

"Wala akong pakialam kung gawin pang batas ang pagsusuot ng mga damit na 'yan. At sa dinami-dami naman ng lamang damit ng closet ko, bakit 'yan pa ang napili mo?"

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon