NAPAPAILING na tinitigan ni Dan ang sarili sa salamin. Kasalukuyan siyang nasa restroom. And well, she doesn't know exactly what she was doing there. Basta kailangan niyang umalis muna sa kanyang desk. Hindi na kasi niya matagalan itong nangyayari sa kanya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang nahuli ang sarili na nakatingin sa kawalan at nag-iisip ng malalim.
"This is so not you, Dan," pagkausap niya sa sariling repleksiyon. Shit! She's been acting so out of character ever since... "Ever since I met my boss."
"Okay ka lang?"
"Ha?" Si Devyn ang nalingunan ni Dan.
"What happened ever since you met your boss?"
Nanlalaki ang mga matang natutop ni Dan ang bibig. "I..." hindi niya alam na nasasabi na pala niya ang laman ng isip. "It's nothing. Sige, Dev, kailangan ko nang bumalik sa desk ko." Iyon lang at nagmamadaling iniwan na niya ito.
Pero ayaw pa talagang bumalik ni Dan sa kanyang desk. Wala naman siyang gagawin doon kundi ang tumunganga. Hindi pa kasi nag-e-email ng bagong instructions si Hunter at ayaw naman niyang magtanong dito. So she decided to take the long way toward their department. Ibig sabihin ay dadaan pa siya sa reception bago makapasok sa mas mahabang hallway na nasa kabilang panig ng palapag na iyon. Pagkatapos ay iikutan pa niya ang mga opisina ng kapatid ni Hunter na si Drei at ang bakanteng opisina ng ama ng mga ito na si Raul.
"Dan!" malakas na tawag ni Leigh na ikinagulat niya.
Nakakunot ang noong nilingon ito ni Dan. "Bakit ang ingay mo?" nagpalingon-lingon pa siya sa paligid upang masigurong wala silang naistorbo ibang tao.
"Anong maingay? Wala na akong choice, 'no. Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo naman ako pinapansin." Then Leigh gave her a knowing smile.
Hindi magawang salubungin ni Dan ang tingin nito kaya umirap na lamang siya. "Bakit ba?"
"Ibibigay ko sana sa'yo to. Kadarating lang. Urgent daw sabi ng courier."
"Ano 'to?" Tinitigan ni Dan ang iniaabot nitong envelope pero hindi niya iyon tinanggap.
"Ewan," nagkibit balikat si Leigh at saka ipinatong sa kanyang kamay ang package. "Kaaalis lang ni Kuya Edwin para ibigay ang mga naunang dumating na package." Ang kanilang office assistant ang tinutukoy nito. "Baka mamaya pa 'yun matapos kasi iikot pa siya sa mga departments na nasa ibang floor kaya kunin mo na 'to."
"Bakit?"
"Para kay Sir Hunter kasi 'yan."
Awtomatiko ang pagbabago ng mood ni Dan nang marinig ang pangalan ni Hunter. "Okay, ako na ang magdadala." Pagkasabi niyon ay mabilis na tinalikuran na niya si Leigh baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. Nakalayo na siya sa reception area nang maisip niyang usisahin ang envelope. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang naramdaman nang mabasang galing iyon kay Gena. Suddenly, she felt like being unreasonable and irresponsible. Parang gusto kasi niyang itapon na lang iyon regardless of what's inside.
"Dan? What are you doing here?"
Nagulat siya nang marinig ang tinig ni Drei. Noon lang niya napagtantong napatigil na pala siya sa paglalakad doon sa tapat ng opisina nito. "Ahm... I was just passing by, Sir."
"Passing by?" nagdududang tanong ni Drei saka tumingin sa hawak niya.
"O-Oo, naisip ko lang na dito dumaan."
Tumango ito. "Okay."
Dan awkwardly nodded as well. "Sige, Sir Drei, tutuloy na ako." Tumango itong muli kaya nagsimula na siyang maglakad. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lang yata siya nang muli siya nitong tawagin.
![](https://img.wattpad.com/cover/253542691-288-k617214.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomansLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...