MAGHAPONG iritable si Hunter. Nagsimula iyon sa naging sagutan nila ni Dan kaninang umaga. At nagtuloy-tuloy pa hanggang sa buong araw na hindi na niya ito nakita. She just kept on updating him through e-mail. Pero kahit pa gusto sana niya itong tawagan muli para magpunta doon sa kanyang opisina ay wala naman siyang maisip na mabigat na dahilan para papuntahin ito doon. Kapag ginawa niya iyon ay baka magbackfire nanaman sa kanya ang lahat.
"Wow! I never thought I would ever say this to you. But you look like hell," tuloy-tuloy na wika ng kapatid niyang si Drei matapos pumasok sa kanyang opisina na para bang pag-aari nito iyon.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" nakasimangot na tanong ni Hunter na sinagot lang ni Drei ng isang ngisi. Pagkatapos ay lumapit ito sa pinto saka muling binuksan at kumatok doon bago muling isinara. "Ha-ha, very funny," sarkastikong sagot niya habang nakatingin ng masama sa kapatid. As usual, wrong timing nanaman ang pangungulit nito sa kanya.
Tatawa-tawang naupo na si Drei sa visitor's chair saka pinakatitigan siya ng mabuti. "You really look like hell."
"Hindi ko alam na alam mo pala ang itsura ng hell."
"Hindi ko nga alam, pero sa itsura mo ngayon, I think I have a good idea."
"Speaking of hell, what the hell are you doing here, anyway?"
Tumawa ng malakas si Drei saka humalukipkip. "Wala naman, I just wanted to come here and see for myself."
"See for yourself?"
"Yeah, hindi mo ba alam?"
Nauubusan ng pasensiyang nagpakawala ng isang malalim na hininga si Hunter. Then he gave his brother a bored look. "For God's sake, Drei, just get to the point."
Lalo lang nilakasan ni Drei ang tawa dahil doon. "Everyone in the office has been talking about you and your foul mood. Sa totoo lang ay hindi ako agad na naniwala. I've never known you to lose your temper that easily. Kahit pa noong madalas kang i-provoke ni Gena ay nagagawa mong manatiling level headed. And even during those times when you were deliberately driving away your assistants, palagi ka lang seryoso at istrikto pero hindi ganyan na halos maglabas na ng patalim ang mga mata mo."
"Is that the only reason why you came here?" iritadong tanong ni Hunter.
"It's a good reason," nakangiti paring sagot ni Drei.
"Get the hell out of here, Drei. Busy ako."
Ang akala ni Hunter ay hindi nito pakikinggan ang kanyang sinabi. But Drei surprised him when he stood up and walked toward the door without any complains. Ngunit bago pa ito tuluyang makalabas ay bumaling ito sa kanya. "You know sometimes all you need to do is give a simple apology. Subukan mo lang. It might do you good."
HANGGANG sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin makalimutan ni Hunter ang mga sinabi ni Drei. Nang sabihin nito ang mga iyon ay hindi niya na-appreciate ang pagbibigay nito ng mga words of wisdom. He was younger than him, after all. Ano ba ang alam nito tungkol sa mga ganitong bagay. But given that it's been days and Dan was still ignoring him, he thought it probably wouldn't hurt much if he followed Drei's advice. Kung babalikan kasi niya ang pinagsimulan ng lahat, siya naman talaga ang may kasalanan. Unti-unti na niyang nami-miss iyong mga asaran nila kahit pa nagtatrabaho. He missed the easy and laidback rapport that they used to have.
Sometimes all you need to do it give a simple apology. Muli nanaman niyang naisip ang mga sinabi ni Drei sa eksaktong pagkakataon na narinig niya ang mahinang pagkatok sa pinto ng kanyang opisina.
"Come in," seryosong wika ni Hunter.
"Sir, here are the contracts that you asked me to modify," agad na wika ni Dan pagkapasok pa lang nito. Ni hindi pa nga ito nakakalapit sa kanyang desk ay nakahanda na agad ang mga folders na ipapatong na lang nito sa mesa. "Heto naman ang update doon sa meeting na ginanap noon isang linggo. We already started with the preliminaries. It's all there in the file."
"Thank you, Dan."
"Just doing my job," pormal na sagot ni Dan saka tumalikod.
He didn't want her to go just yet but he didn't know how else to make her stay. So he found himself saying, "Naglunch ka na ba?"
"Hindi pa," halata ang pagtataka sa boses ni Dan at makikita iyon sa ekspresyon ng mukha nito nang bahagya itong lumingon sa kanya. "Pero paalis na din ako para maglunch kasabay si Leigh."
"Okay, enjoy your lunch."
"KAILANGAN kong bumalik agad. Madami pa akong kailangang tapusin," wika ni Dan nang matapos silang kumain ni Leigh.
"Ha?" napasilip si Leigh sa suot na relo. "Pero may thirty minutes pa bago matapos ang lunch break mo ah."
"Alam ko. Pero isinasakrispisyo ko na ang ang thirty minutes na 'yon para matapos ko agad ang lahat ng kailangan kong tapusin ngayong araw. Ayoko kasing mag-overtime."
"Bakit? May lakad ka?"
"Wala naman."
"Eh bakit ayaw mong mag-overtime? 'Di ba dati parang gusto mo pang makipagkompetensiya kay Sir Hunter bilang pinakahuling umaalis ng opisina?"
Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ni Dan doon saka nagsimula nang tumayo.
"Uy, teka lang, masyado ka namang sensitive. Para nabanggit ko lang ang pangalan ni Sir Hunter masyado ka nang nagmamadaling umalis."
"Leigh..." may halong babalang tiningnan niya ang kaibigan.
"Fine, hindi na ako magpapasimple pa sa pagtatanong. I'm just going to ask it directly. Ano ang problema niyo ni Sir Hunter?"
"Leigh, naman—"
"Dan, 'wag ka nang magkaila, masyado ka kayang obvious. Halos lahat kami sa office ay napapansin na ang pag-iiba mo ng aura."
"Seryoso ako, Leigh. Tigilan mo na 'yan."
Narinig ni Dan ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga. "Alam mo nakita ko na si Sir Hunter na seryoso, naiinis, at nauubusan ng pasensiya. Pero ni minsan ay hindi ko pa siya nakikitang ganyan."
"Ano'ng ibig mong sabihing ganyan?" Kahit na naiinis si Dan kay Hunter ay hindi pa rin niya mapigilan ang sariling magtanong tungkol dito.
"I've never seen him look so frustrated and desperate."
Parang mali yata ang sinabi ni Leigh. "Oh please, Hunter doesn't become frustrated. He's frustrating, yes. But frustrated?" umiling-iling pa si Dan. "I don't think so. At saka anong desperate ang pinagsasabi mo? Parehong tao ba ang tinutukoy natin? Hunter doesn't become desperate either."
"Hunter talaga ha?"
"Ano?"
"First name basis na pala kayo ni Sir Hunter?"
"Hindi, mas madali lang siyang tawagin sa pangalan niya kapag ganitong wala ako sa mood. Halika na, nakaharang na tayo sa daan." Itinuro pa ni Dan ang ilang mga customers na palabas din mula sa restaurant na iyon. Napilitan tuloy itong sumunod na lamang kahit na halatang gusto pa nitong magtanong.

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...