Part 10: You're not that hot

1.8K 88 2
                                    

PAGPASOK ni Dan sa opisina ni Hunter nang hapong iyon ay nagulantang siya sa galit na boses ng huli.

"Damn it, Drei, hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari." Sandaling tumahimik ito. "Yes, I'm aware of that. Alam kong ilang buwan na ang nakalilipas mula nang mai-leak ang mga iyon," dugtong nito bago muling tumahimik at saka napamura ng mahina. "I'm still doing some damage control. 'Wag mo nang isipin iyon. I'll figure something out. I-a-update ko kayo sa meeting bukas." Then he turned to her. Sa kanya tuloy napunta ang buong pwersa ng galit na titig nito.

For a moment, Dan stood there frozen. Nakita na niyang seryoso at naiirita ang kanyang boss. Pero ngayon lang niya ito nakitang galit. 'Yung totoong galit talaga. Nakakatakot pala itong magalit at hindi iyon dahil mukha itong nagtransform sa isang nakakatakot na anyo. Sa katunayan ay blanko lang ang ekspresyon ng mukha nito. But there was an angry flicker in his eyes that looked so intense. Nararamdaman din niya iyon sa aura nito.

"Dan, kanina ka pa ba diyan? Ano ang mga narinig mo?""

"Ahm," wala sa sariling napaatras siya nang tumayo ito at nagsimulang lumapit sa kanya.

"Were you eavesdropping?"

That snapped her to reality. "What? Of course not!"

Hunter's lips curled into a dangerous grin. "Sigurado ka? You were not spying on me?"

"Spying?" Noon na tuluyang nawala ang tensiyon sa kanyang katawan. Mahinang natawa si Dan. "You flatter yourself too much, Sir."

Ito naman ang tila naguluhan sa kanyang sinabi. "Anong...?" Then she watched the tension leave his face. "Ano ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko, Dan?" Mas normal na sa pandinig ang boses nito ngayon.

"Why would I spy on you?" nakataas ang kilay na tanong ni Dan. Pagkatapos ay iiling-iling na bumulong siya, "Come on, you're hot but you're not that hot."

"You think I'm hot?"

Biglang natutop ni Dan ang kanyang bibig. Did she just say that out loud? "I..." napalunok siya nang makahulugang ngumiti si Hunter. "I didn't say that," kaila niya. Hiyang-hiya ang pakiramdam niya. But Hunter just gave her a knowing look. Pero nunca na umamin siyang sinabi nga niya iyon. "Sir, ha, wala akong sinasabing ganyan. 'Wag kang mag-imbento," itinuro pa niya ito kahit na pakiramdam niya ay hahaba ang ilong niya anumang oras.

"Sabi mo eh." Nagkibit ng mga balikat si Hunter pero halata namang hindi ito naniniwala. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"

Noon naalala ni Dan ang tungkol sa hawak na folder. "Ibibigay ko lang ito sa'yo," iniabot niya iyon dito. "Sabi mo rush ito, 'di ba?"

"Thanks."

Tumango siya. "Okay, babalik na ako sa desk ko," aniya bago tumalikod patungo sa pinto.

"Wait, Dan." Nilingon ni Dan si Hunter pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi ng pinto. "I want to ask you again. Ano ang mga narinig mo kanina?"

Nandoon na muli ang tila pinipigil na galit sa mukha ni Hunter pero nakikita ni Dan na hindi naman iyon para sa kanya. Still, she couldn't help but feel a little uncomfortable under his predatory gaze. "Kanina noong may kausap ka sa telepono?" Tumango ito. "I didn't hear much except for the cursing and swearing. You have a very colorful vocabulary, by the way. 'Yung iba nga doon ay ngayon ko lang narinig. That's saying something dahil may apat akong mga kuya at malawak din ang bokabularyo nila."

"Siguro hindi lang sila nagsasalita ng ganoon kapag nandiyan ka."

"Siguro," nagkibit siya ng mga balikat. "May kaaway ka ba?" Dan knew that she wasn't in the position to ask but she asked it anyway.

Hindi iyon sinagot ni Hunter. He just leaned on the desk and looked directly at her. "Can I trust you, Dan?"

"Oo naman, bakit ganyan ka magtanong?"

"I want to trust you."

"Alam mo tinatakot mo ako sa mga sinasabi mong 'yan, Sir."

"Can I take you out later?"

Hindi inaasahan ni Dan ang tanong na iyon kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. "Out?"

"Gusto sana kitang kausapin." Tumikhim ito. "Sa labas."

She paused for a while to study his face. Pero wala naman siyang nakita doon. "Okay," dahan-dahang sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha nito. Isang tango lang ang ibinigay nito bilang tanda na nagustuhan nito ang sagot niya.

"In the mean time, I want you to put together a small party. Gusto kong magkaroon ng intimate gathering kasama ang ilang potential clients at investors ng bago kong project."

Agad na naramdaman ni Dan ang pagshi-shift ng usapang iyon patungo sa trabaho. Kaya mabilis na inilabas niya ang ball pen mula sa bulsa at saka iniumang iyon sa hawak na notepad upang magsimulang magsulat. "For how many?"

"Fifty to eighty guests. I'll email you a list of priority guests later. Preferably, around Makati lang."

"Do you have a preference for the venue?"

"I want a resto bar."

Biglang natigil sa pagsusulat si Dan at tinitigan ang kanyang boss. Hindi niya itinago ang pagkagulat at pagtataka sa ibinigay nitong sagot. "Resto bar?"

"Yes, I want a bar," then Hunter continued to give her more instructions about the party.

Tahimik na isinulat ni Dan ang lahat ng gusto nitong mangyari para sa party na iyon. And just when she thought she could easily do everything he instructed, Hunter dropped the bomb. "I want it all ready by next week?"

"Next week?"

"Yes, schedule the party on Friday next week."

Seryoso ba ito? Hindi ba nito alam kung gaano dapat katagal na pinaghahandaan ang isang party? Kahit pa sabihing maliit na party lang iyon. At isa pa, kung next week na iyon, ibig sabihin ay kailangan na niyang magpadala ng mga imbitasyon at magkompirma ng attendance sa lalong madaling panahon.

"But, Sir—"

"Hindi mo kaya?" naghahamon na ang tinging tanong ni Hunter.

Dan always hated it when Hunter challenged her like that. Sigurado kasi siyang hindi niya magagawang magbackout sa ganoon. Actually, iyon ang isa sa mga weakness niya. Hindi niya kayang tumanggi sa kahit na anong challenge. At naiinis siya dahil nahulaan agad ni Hunter ang tungkol sa ugali niyang iyon. And her damned boss was using it to his advantage. "I'll start on it immediately."

"Great."

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon