SIMULA nang iwan ni Hunter si Dan matapos ang naging komprontasyon sa opisina nito ay hindi na ito muling bumalik. Hindi naman iyon problema dahil ahead of schedule sila. Pero hindi inaasahan ni Dan na hindi din ito papasok sa susunod na araw.
"Good morning."
Wala sa sariling napaangat ang tingin ni Dan sa nagsalita. It was Hunter's brother Drei. Nakangiti ito ng malapad habang nakasandal sa gilid ng mesa niya.
"Good morning, Sir Drei," pilit ang ngiting bati niya.
Kumunot naman ang noo ni Drei saka umayos ng tayo. Pagkatapos ay pinakatitigan siya. Gusto na ngang mailang ni Dan nang bigla na lang itong ngumisi at naupo sa visitor's chair na nasa tapat ng desk niya.
"May kailangan ka ba, Sir?" hindi na nakatiis na tanong niya nang hindi pa rin ito nagsasalita.
"None that I can think of," tanging sagot ni Drei saka nagpatuloy sa matamang pagtitig sa kanya.
Wala sa mood makipaglokohan si Dan kaya ibinalik na lang niya ang atensiyon sa trabaho. Kinalimutan na lamang niyang isa sa mga boss si Drei. Basta wala siya sa mood. At dahil sa apat na kuya niya ay mahaba-habang panahon na din siyang nakapagpractice kung paano maging magaling sa pambabalewala sa mga pambubuyo ng mga ito. Kaya kahit pa titigan siya maghapon ni Drei ay wala itong mapapala sa kanya.
Hindi na alam ni Dan kung gaano katagal na sandali ang lumipas bago siya nakarinig ng pagtawa. Pagtingin niya kay Drei ay tila tuwang-tuwang pinapanood pa rin siya nito. "Damn, you're good," komento pa ni Drei.
Tumaas ang kilay ni Dan na tinapatan naman nito ng matamis na ngiti. Then he leaned forward. Ngayon lang niya ito napagmasdan ng husto. Guwapo din pala ito. Drei was the perfect picture of a carefree kind of guy. Pero narealize ni Dan na mas gusto niya 'yung mga medyo snobbish na may pagkabadboy ng konti. Agad na lumitaw sa kanyang balintataw ang guwapong mukha ni Hunter. Yup, ganoong-ganoon nga ang mga tipo niyang lalaki.
Drei cleared his throat. "Hindi ka ba nahirapan sa pagpasok? Medyo traffic kaninang umaga dahil may rally."
Parang tumaas pa ng ilang levels ang kilay ni Dan sa tanong nito. "Hindi naman, Sir."
"That's good to know. So—"
"Teka lang, Sir," itinaas pa ni Dan ang isang kamay para patigilin ito. "Alam kong busy ka at hindi ka lang nagpunta dito para tanungin ako tungkol sa traffic. So what's this really about?"
Natawa nanaman si Drei. "You're really good." Hinimas-himas pa nito ang baba. "So, ano'ng meron sa inyo ni Kuya Hunter?"
"Bakit mo naman naisip na may kung anuman sa amin?"
"Tulad nga ng sabi mo, I'm a busy person so I didn't come here to ask you that if I wasn't sure."
Napangiti na lang din si Dan. "Sa totoo lang, Sir Drei, hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong mo."
"Okay, how about this?" Sumeryoso at umayos ng upo si Drei bago nagpatuloy. "Do you like him?"
Dan wanted to deny it but she realized that she couldn't. Kaya naman isang maiksi pero puno ng katotohanang "Yes" lang ang isinagot niya.
"Then what the hell is my brother doing sulking at my place?"
"Ha?"
Gulat na pinanood ni Dan ang pagbabago ng anyo ni Drei. Bigla ay para itong naging bata na nagsusumbong sa nanay nito. "Bigla na lang siyang nagpunta sa condo ko kagabi at nagyaya ng inuman."
"Ano naman ang kinalaman ko diyan?" kunwa ay mataray na tanong ni Dan pero ang totoo ay curious talaga siya kung ano ang nangyari.
"Sabihin na lang natin na kilala ko na si Kuya Hunter. At saka madaldal 'yun kapag lasing. He actually said a lot of things about you."
Parang medyo kinabahan si Dan doon. "Ano-ano ang mga sinabi niya?"
Nagkibit ng balikat si Drei. "Madami, hindi ko na nga naintindihan 'yung iba. Ang hindi ko lang makalimutan ay 'yung dialogue niyang ganito," tumikhim ito saka ginaya ang pagsasalita ni Hunter. "I don't know what her problem is. I asked her to lie but that woman just won't do it."
Napapalunok na pilit itinago ni Dan ang reaksiyon. But the truth was that she was anxious to know more. "Ano pa ang sinabi ni Hunter?"
"Hunter? So you call him Hunter now?" may himig pagbibirong tanong ni Drei pero agad din itong sumeryoso. Hindi tuloy nakaimik si Dan. "Dan, I'm not gonna pressure you into telling me anything. Alam kong hindi ako dapat na nakikialam. But he's my brother and I care about him. But I can also see that he cares about you a lot. Kung anuman ang nangyari sa inyo, I really hope you can meet him half way. Ni minsan ay hindi ko pa nakitang uminom si Kuya Hunter dahil sa isang babae. Ngayon pa lang. Dahil sa'yo." Iyon lang at iniwan na siya nito.
***
Hmm... medyo nabibilisan talaga ako sa mga nangyayari. Or maybe hindi na lang ako sanay sa ganitong pacing? Noon kasi talagang mabilis ang pacing ng mga kwento ng PHR diba? Una sa lahat ay limited lang ang word count, kaya dapat direct to the point lagi. But still, this story is my first "two-book length" novel. So mas mahaba ito kumpara sa regular PHR novel noon. Pangalawa, I remember noong time na ito eh hirap na hirap akong pahabain ang mga kwento ko hahaha! Funny how everything has changed now.
![](https://img.wattpad.com/cover/253542691-288-k617214.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...