KUNG kanina ay ikinatuwa ni Hunter ang mabilisang pagkakahanap ni Dan ng sofa, ngayon ay hindi na. Hindi niya kasi nagustuhan ang itsura ng apat na lalaking nagdeliver niyon. They looked too sophisticated to be mere delivery boys. At kung makipag-usap ang mga ito kay Dan ay parang may familiarity sila sa isa't isa. Idagdag pa na kamukha ng isa sa mga iyon 'yung lalaking sumundo kay Dan noong party nila.
"Dan, can I talk to you for a sec?" tawag ni Hunter dito pagkatapos nilang ma-clear out ang space kung saan ilalagay ang sofa.
"Bakit, Sir? Ayaw mo bang dito ilagay ang sofa?"
"Hindi 'yan ang gusto kong pag-usapan."
"Okay, do you need anything else?"
Umiling siya. "Gusto ko lang itanong kung ano ang pangalan ng furniture shop na pinagbilhan mo."
"Actually—" hindi na natapos ni Dan ang sasabihin dahil pumasok na ang apat na lalaki buhat ang isang malaking sofa.
It was exactly the kind of sofa that he wanted. Hindi niya alam kung paanong nahanap ni Dan iyon at naipadeliver ng ganoon kabilis.
"Could you hold the door wider, Dani-bunny?"
Napakunot ang noo ni Hunter nang marinig ang pet name na itinawag kay Dan ng isa sa mga lalaking nagbubuhat. At lalo pang nalukot ang kanyang mukha nang nakangiting sinunod naman ito ni Dan.
"Dani-bunny?" hindi na napigilan ni Hunter ang magtanong.
Napabaling sa kanya si Dan. Then she gestured a hand towards him. "Si Sir Hunter nga pala, boss ko. Siya ang may-ari ng opisinang ito at siya din ang gagamit ng sofa."
Nagtaka si Hunter kung bakit ganoon ang pagpapakilala ni Dan sa kanya. Actually, bakit nga ba kailangan pa siya nitong ipakilala in the first place? Hindi niya nagustuhan iyon pero hindi na lang niya isinatinig. Sa halip ay nagkomento siya, "Parang kamukha nung nasa dulo 'yung sumundo sa'yo noon sa party."
"Siya nga ang sumundo sa akin," nakangiting kumpirma ni Dan na lalo lang nagpasira sa kanyang mood.
"'Yang boyfriend mo ba ang may-ari ng furniture shop?"
"Uy! Ingat naman!" malakas na sabi ni Dan nang muntik nang mabitiwan ng mga lalaking nagbubuhat ang sofa. Then she turned her attention on him. "Ano'ng sinabi mo?"
For a moment, Hunter felt a little uncomfortable. Pero agad din niya iyong binalewala. "I was asking if your boyfriend—" Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil bigla na lang nagsitawanan ang mga lalaking nagbubuhat ng sofa. Nagtatanong ang mga matang bumaling siya sa mga ito.
"Komedyante pala ang boss mo," wika ng lalaking sumundo kay Dan.
"Sorry hindi ko agad nalinaw sa'yo," kapagkuwan ay wika ni Dan. "Mga kuya ko sila." Nakangiting itinuro nito ang apat na lalaki. "And that's actually my sofa."
Hunter thought of being embarrassed by that wrong assumption. But it was just a fleeting thought. Mas naiinis siya dahil obviously ay siya lang ang clueless sa nangyayari sa paligid. Ayaw na ayaw pa naman niya ng ganoon. He always preferred knowing all the facts.
"Nice to meet you," nakangiting iniabot ng isa sa mga ito ang kamay. "Ako si Greg." Madilim ang mukhang tinanggap iyon ni Hunter pero hindi siya nagsalita.
"I'm Lance," itinaas naman ng isa ang kamay nito.
"Neal," tumango lang ang isa pa.
"Ako si Cole, pare. Nagkita na tayo noong sinundo ko si Dan." Malapad ang ngiting lumapit ito kay Hunter at saka siya tinapik sa balikat.
He wasn't sure what to say to them so he just turned his attention to Dan. Ngumiti ito saka nagpaliwanag. "Wala talaga akong mahanap na furniture shop na willing magdeliver agad ngayong hapon. Kaya tinawagan ko na lang sila kuya para dalhin dito ang sofa sa dati kong apartment."
"That's really your sofa?" Sa wakas ay nagawang itanong ni Hunter.
Tumango si Dan. "Don't worry, plano ko na talagang ibenta 'yan. Naka-stock lang 'yan sa garahe sa bahay."
"So, okay na ba ito dito?" singit ng isa sa mga kuya nito.
"Okay na 'yan, Kuya Neal."
"Great, so pwede na kaming umalis," masayang wika naman ng nagpakilalang Greg.
"Kain muna tayo, nagutom ako sa pagbubuhat eh," suhestiyon naman ni Lance.
"Dan, 'yung sinabi mo ha?"
"Oo na, Kuya Cole, ipagluluto ko kayo mamaya."
Hunter didn't spare them another glance. Sa halip ay itinutok niya ang mga mata kay Dan na tila tuwang-tuwa sa nagawa nitong accomplishment. Ngumiti pa ito sa kanya saka nagkibit ng mga balikat. "Madali lang naman kausap ang mga kuya ko basta may pagkaing involved."
Sandaling pinakatitigan pa niya si Dan bago walang salitang tumalikod. Lalo lang siyang nawala sa mood at nadagdagan pa iyon ng pagkayamot.
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...