KINAKABAHAN si Dan habang hinihintay na dumating si Hunter. Malapit na ang nine-thirty pero hindi pa rin siya makapagdesisyon kung paano magpapaalam sa binata. Nilingon niya ang hawak na envelope na naglalaman ng kanyang resignation letter. Kagabi habang pinagpupuyatan niya iyon ay siguradong-sigurado na siya na gusto niyang magresign. Pero ngayon habang hinihintay niya ang pagdating ni Hunter ay saka naman siya nagdadalawang-isip.
"Kaya mo ito, Dan," pagtsi-cheer niya sa sarili.
Muli niyang inilabas ang resignation letter at binasa iyon. Alam niyang maayos na maayos na iyon pero gusto pa rin niyang i-check. "Yup, I can do this."
Maya-maya pa ay narinig na ni Dan ang paggalaw ng mga office chairs na tanda ng pagdating ni Hunter. Kung dati ay excited siya kapag naririnig iyon, ngayon ay parang gusto niyang hilingin na sana ay wag na iyong marinig pa. Kinakabahan kasi talaga siya at hindi siya sanay na nakakaramdam ng ganoon. Yun nga ang ipinagtataka ni Dan kasi simula nang magtrabaho siya sa AVA ay napakaraming bagong bagay ang nararanasan niya. At saka ilang buwan pa lang naman siya doon pero pakiramdam niya ay masyado na siyang attached sa kompanya at sa mga tao doon. Actually, sa isang partikular na tao lang naman siya sobrang attached. And that specific person was now standing in front of her desk.
"Let's talk in my office, Dan." Bigla ay gustong magreklamo ni Dan dahil napaka-cool tingnan ng kanyang boss samantalang siya ay kanina pa pinagpapawisan ng malamig. "Dan?"
"Y-yes, Sir, I'll be right there," she stammered.
Iyon lang at nagpatuloy na si Hunter sa paglalakad. Dali-daling sumunod naman si Dan dito. Pero nakakaisang tapak pa lang siya sa loob ng opisina ay agad na naibulalas niya, "I'm resigning, Sir."
Kitang-kita ni Dan nang matigilan si Hunter. Noon niya narealize na pigil niya ang hininga habang pinapanood ang dahan-dahang paglingon nito sa kanya. Parang slow motion na pinanood ni Dan ang paglapag ni Hunter ng mga dala sa mesa nito. Pagkatapos ay tahimik na naglakad ito palapit sa kanya. Nakakabingi ang lakas ng pagtibok ng puso niya habang hinihintay itong makalapit. Lalo pa siyang natensiyon dahil titig na titig ito sa kanya. Hindi kasi niya maintindihan ang ibig sabihin ng titig nitong iyon. Idagdag pa na hindi pa rin ito sumasagot mula nang ianunsiyo niya ang kanyang pagreresign.
Tumigil si Hunter sa mismong tapat niya. Hindi pa rin nagsasalita. Instead, he moved his right hand toward her left side. Nahigit ni Dan ang hininga dahil nagkalapit ang kanilang mga katawan. They weren't touching but she could feel the heat coming from his body. And then she heard a soft click. Isinara lang pala nito ang pinto.
"You were saying?" Cool na cool na wika ni Hunter pagkatapos lumayong muli sa kanya.
Parang biglang umakyat ang lahat ng dugo ni Dan sa ulo. Gusto niyang mainis na hindi niya maintindihan. Naiinis siya kay Hunter dahil ganoon lang ang reaksiyon nito sa sinabi niya. At naiinis din siya sa sarili dahil nag-e-expect pa siya ng ibang reaksiyon mula dito. Itinikom na lamang niya ang bibig at saka iniabot dito ang kanyang resignation letter bago pa siya may masabing bagay na maaari niyang pagsisihan.
TAHIMIK na binasa ni Hunter ang resignation letter ni Dan. Ang totoo ay hindi na siya nagulat na tinotoo nga nito ang banta nitong pagreresign. Ikinatuwa pa nga niya iyon. Not that he really wanted her to resign. Napatunayan lang kasi niyon na tama ang pagkakakilala niya dito at tama ang desisyon niyang pagkatiwalaan ito.
Ang gusto talagang gawin ni Hunter ay pigilan si Dan pero sa halip na gawin iyon, ang nasabi niya ay, "Sigurado ka na ba dito?"
Hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pag-aalangan ni Dan bago sumagot. "Yes, Sir."
He winced when he heard her call him sir. "Sabi mo dito sa resignation letter mo, you decided that this company is no longer the place where you want to establish your professional career."
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...