PALABAS na sina Hunter at Dan sa restaurant nang may tumawag sa pangalan ni Hunter. It was a woman.
"Hi Hunter, I didn't expect to see you here." Napataas ang kilay ni Dan nang lumapit nang husto sa kanila ang babae. Pero bago iyon ay narinig pa niya ang tila naiinis na pag-ungol ni Hunter sa kanyang tabi.
"Hello, Gena."
Agad na naging alerto ang si Dan nang marinig ang pangalan ng babae. Lumipad sa mukha ni Hunter ang kanyang mga mata. Sinabi ba nitong Gena? As in 'yung ex-girlfriend nitong Gena? Napatunganga siya nang salubungin ni Hunter ang kanyang tingin at saka bahagyang tumango na para bang nababasa nito sa kanyang mukha ang itinatanong niya sa isip.
"I've missed you!" Naputol ang kanilang silent communication nang lumapit pa ng husto ang babae na parang gusto pang bigyan ng halik sa pisngi si Hunter. Ngunit maagap na dumistansiya dito ang binata. "It's so great to see you, Hunter," masayang wika parin ni Gena kahit na halata namang nag-iisa ito sa sentimyentong iyon. "You're looking great."
Literal na kinailangang pigilan ni Dan ang pag-ikot ng mga mata dahil doon. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng Gena na iyon na hindi pansinin ang kalamigan ni Hunter o talagang insensitive lang ito.
"Thanks."
"What are you doing here?"
It didn't take a rocket scientist to figure out that Hunter and Gena's breakup was not a good one. Pero sa tono ng pagsasalita ng Gena na iyon ay para bang nakikipag-usap ito sa isang malapit na kaibigan. Hindi tuloy napigilan ni Dan ang sarili na bigyan ng nagtatanong na tingin si Hunter. Sinagot naman nito iyon ng naiirita at tila tinatamad na tingin. Nakatingin pa rin ito sa kanya nang sagutin ang tanong ni Gena. "Kumain, obviously."
Sa wakas ay tila nakaramdam naman ang babae. Bahagyang nabawasan ang ngiti nito saka pasimpleng tumingin sa kanya. "Teka, hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo?" Nakangiti ito pero hindi niya maipagkakamali ang talim ng tinging ibinibigay nito sa kanya.
Sa pagkagulat ni Dan ay bigla na lang ipatong ni Hunter ang kamay sa kanyang likod. "Forgive my manners, this is Danika, my date." Pagkatapos ay lalo pa itong lumapit sa kanya. It was not very close but close enough to imply a hint of intimacy.
Agad namang naintindihan ni Dan ang ginagawa nito. Kaya ngumiti din siya ng malapad at sumunod sa sinimulan nitong palabas. "Hi, you're Gena, right?"
"Yeah, hi," lalo pang nabawasan ang ngiti nito nang tanggapin ang kanyang kamay.
Gena's grip was gentle but firm. Para bang may ipinararating itong mensahe sa pakikipagkamay nitong iyon. Idagdag pa ang lalong pagtalim ng mga mata nito nang maglakbay pababa ang tingin nito patungo sa kanyang bewang. Dan immediately tensed when she realized that Hunter had put his hand on her waist. At kitang-kita iyon ni Gena.
"Anyway, may lakad pa kami. We'll go ahead." Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong magsalita dahil mabilis na inakay na siya si Hunter palayo.
Nang tuluyan na silang makalabas sa restaurant ay tahimik na dumistansya kay Dan si Hunter. Wala namang maisip na sabihin si Dan kaya nanatili lang din siyang tahimik. Nang marating nila ang kinapaparadahan ng kotse nito ay saka lang siya nagkalakas ng loob na magsalita. "Ahm, magco-commute na lang ako pauwi, Sir."
Pinakatitigan siya nito ng matagal bago sumagot. "Gabi na, Dan. Delikado na ang magcommute ng mag-isa sa ganitong oras."
"Magta-taxi na lang ako."
"Baka mahirapan ka lang sa pag-aabang ng taxi."
"But—"
"No, I'll take you home," he said with finality. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa siko upang alalayan papasok sa kotse.
Pero ayaw parin talaga niyang magpatalo kaya kunwa ay nakasimangot na sumagot siya ng, "Fine," which he just answered with a chuckle.

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...