Part 12: Basketball Talk

1.7K 130 14
                                    

"BAKIT nandito ka pa?" Napaangat ang ulo ni Dan mula sa ginagawang trabaho nang marinig ang iritadong boses ni Hunter. "Kanina pa oras ng uwian."

"Because my boss is a workaholic monster," bulong niya sa sarili.

"Ano'ng sabi mo?"

"Ang sabi ko hindi ka pa rin naman umuuwi ah."

"I'm serious, Dan. Masyado nang late. Umuwi ka na. That's an order."

"But, Sir—"

"Umuwi ka na, Dan."

"Alright, I'm just finalizing a few details about the party tomorrow. Sandali na lang ito."

Tumango na lamang ito saka muling bumalik sa opisina. Si Dan naman ay muling itinutok ang atensiyon sa ginagawa. Malapit na siyang matapos nang muling lumabas si Hunter at nagsalita sa malakas na tinig. "What the hell are you still doing here? Akala ko nakauwi ka na kanina pa?"

Sa halip na maasar ay ngumiti na lang si Dan. "Don't worry, Sir, I'm already done."

"Ang sabi mo kanina ay sandali lang 'yan. That was two hours ago, Dan. It's almost nine in the evening now," madilim ang mukhang pahayag ni Hunter.

"Ano?" agad na lumipad ang mga mata ni Dan sa orasan. It was really nine in the evening already. Paanong nangyari na lumipad ang halos dalawang oras nang hindi niya namamalayan?

"Sandali lang pala ha?" sarkastikong wika ni Hunter bago humalukipkip sa harapan niya. "Come on, I'll take you home." Isinenyas pa nito ang hintuturo nito para tumayo siya.

"No need, kaya ko namang umuwi mag-isa."

"I already said I'll take you home, so I'll take you home." Iyon lang at nagpatiuna na ito sa paglabas.

SA HALIP na ihatid agad ni Hunter si Dan ay nakarating sila sa isang 24-hour grocery store. "Ano'ng ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ni Dan nang iparada ni Hunter ang kotse.

"May bibilhin lang tayo sandali, halika na," yaya nito saka nagpatiunang lumabas ng kotse. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang sumunod na lang. Ilang minuto pa lang silang naroon ay punong-puno na agad ang kanilang tray ng kung anu-anong pagkain.

"Sana sinabi mo kanina na mamimili pala tayo ng grocery para nakagawa ako ng matinong listahan," wika ni Dan nang makabalik na sila sa kotse.

"Listahan?" natatawang tanong ni Hunter. "Kailangan pa bang maglista? When I see something I want, I usually just get it."

"Men!" pinaikot muna niya ang mga mata bago umiling. Noon na napansin ni Dan na iba ang direksiyong dinadaanan nila. "Teka, hindi dito ang daan papunta sa amin."

"Alam ko. Hindi pa tayo pupunta sa inyo. Samahan mo muna akong kumain. I'm sure gutom ka na din." Nang bigyan siya ni Hunter ng matamis na ngiti ay umurong na ang pagpo-protesta niya. Dan realized that she enjoyed spending time with him when he wasn't acting like her grumpy boss.

NAKARATING sina Dan at Hunter sa condo ng huli. Nangingiti na lang siya habang tinutulungan itong iligpit ang kanilang mga pinamili. For some strange reason, she was actually picturing the two of them as an old married couple who would go to the grocery store together. Pagkatapos ay magkatulong silang magluluto habang nagkukwentuhan. Which was exactly what they were doing at that very moment. Actually, siya lang ang nagluluto at ito ay nakaupo sa isang stool habang umiinom ng canned beer.

"Ano'ng paborito mong sport?" maya-maya ay biglang tanong ni Hunter.

Nagulat si Dan sa tanong nito pero sumagot pa rin siya. "Basketball."

Napakunot ang noo ni Hunter sa kanyang sagot. "That's a man's sport."

"Yeah, so?"

"Don't tell me naging paborito mo ang basketball dahil sa mga kuya mo? Oo nga pala, sinabi mo nga pala na pangarap ng papa mo na magkaroon ng basketball team," natatawang komento nito bago uminom sa hawak na lata ng beer.

Umiling-iling si Dan bago sumagot. "Mali, hindi 'yan ang dahilan."

"Hindi?"

Tumango siya. "Ang totoo ay ayaw na ayaw ko ng basketball noong una. Naiinis nga ako sa mga kuya ko at pati na kay papa dahil parang wala na silang ibang alam na channel sa TV kundi ang sports channel. It didn't matter if it was NBA, PBA, or college basketball league. Basta basketball, papanoorin nila. Kahit nga 'yung mga paliga sa baranggay ay hindi nila pinapalampas."

Malakas na natawa na si Hunter doon. "I can only imagine your reaction."

"Siyempre palagi na lang akong outnumbered. Hindi ako makasingit sa panonood ng mga palabas na gusto kong panoorin."

"So you learned to love the sport?"

"That's not exactly how it happened," napangiti pa si Dan nang maalala kung paano siya nagsimulang mahilig sa basketball. "Hindi ko naman talaga hate ang basketball. I actually like it. Bata pa lang ako ay alam ko na ang mechanics ng laro. But too much of anything is bad, right? Hindi ko talaga gusto iyong bawat minuto ng bawat araw ay basketball ang pinag-uusapan. Kaya ang ginawa ko ay naghanap na lang ako ng ibang bagay na pwede kong pansinin."

"Tulad ng?"

"Tulad ng kung gaano kaguwapo ang mga players," wika niya saka ngumisi. "Kapag nagsimula nang magkwentuhan sila Kuya at Papa tungkol sa kung gaano kagaling ang isang player, bigla kong isisingit ang tungkol sa kung gaano naman ito kaguwapo," nagpakawala pa si Dan ng malakas ng tawa pagkasabi niyon. "Imagine-in mo na lang kung ano'ng naging reaksiyon nilang lahat."

"I bet they were all horrified," nangingiting komento ni Hunter.

Tumango-tango siya. "Hanggang sa sila Kuya at Papa na mismo ang ayaw manood dahil bawat player na lang na daw nakaka-three points ay nagiging guwapo. Eh guwapo naman talaga sila. Lalo na 'yung kahit na pawis na pawis sa paglalaro ay mukha paring mabango," tila kinikilig na ngumiti pa si Dan pagkasabi niyon.

"You know, I also play basketball sometimes."

"Ha?"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Wala lang, I just want you to know."

Napataas naman ang kilay ni Dan sa tinuran nitong iyon. So, what exactly was Hunter trying to say? Na guwapo din ito? Sus, matagal na niyang alam 'yon.


***

Dahil hindi ako nakapagpost ng update kahapon, here's an early update. :)

Don't forget to vote and share this to your friends!

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon