ATUBILING tinungo ni Hunter ang pinto nang marinig ang tunog ng doorbell. For the first time in his life, he didn't know how to charm his way toward this situation. Mukha kasing lalong kumakapal ang atraso niya kay Dan. Willing naman na siyang magsorry. Naiintindihan na niya ngayon kung saan siya nagkamali. At inaamin na niyang mali talaga siya. Aakuin na din niya ang kasalanan sa lahat-lahat kung ang ibig sabihin niyon ay magbabalik na sila sa dati. At this point, he was even willing to admit to being involved in the pork barrel scam if it means she would accept him.
Accept you? Para saan?
Nawalan na si Hunter kakayahang mag-isip at sagutin ang tanong na iyon nang makita niya si Dan na naghihintay sa labas. He took in her appearance. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong nakasuot ng simpleng T-shirt at jeans. And for some reason, it created the sexiest images in his mind.
"Ahm, hi," tipid ang ngiting bati ni Dan nang mapagbuksan niya ito.
Si Hunter naman ay hindi na nakapagsalita. Niluwagan lang niya ang pagkakabukas sa pinto at tahimik na pinapasok ang dalaga. He was still reeling from the unexpected response that he felt when he saw her standing there in the most ordinary clothes. And yet it she still looked gorgeous and every inch a woman.
"Ahm, heto na pala ang mga documents na kailangan mo ,Sir."
Tahimik na tinanggap ni Hunter ang mga iyon. Partly because he still can't make himself talk but mostly because he really didn't know what else to say and do. Kung nakikita lang siya ngayon ng kapatid niyang si Drei ay siguradong hindi ito mangingiming pagtawanan siya. Sa katunayan, siya mismo ay gustong pagtawanan ang sarili. Of all the experiences he had with women, he was now reduced to acting like a stupid mute in front of this very unassuming woman in front of him.
"Thanks," he managed to force himself to say that.
"Sir—"
"Dan—"
Sabay silang nagsalita at sabay ding natigilan. "You go ahead," wika niya nang mapansing hinihintay siya nitong magsalita.
"Itatanong ko lang sana kung may iba ka pang kailangan."
"Wala na," umiiling na naglakad siya patungo sa kusina at inilapag sa mesa ang mga dokumento. "Do you want anything to drink?"
NAPIPILITANG sumunod si Dan kay Hunter nang magtungo ito sa kusina. Ayaw pa naman sana niyang magpunta sila doon dahil para bang napakadaming pumapasok sa isip niya kapag naaalala ang kusina nito. Umiling lang siya nang tanungin siya nito kung may gusto ba siyang inumin. But he still went over to the fridge and took out a can of beer.
"Kumain ka na ba?"
Tumango si Dan. Hindi niya maiwasang isipin na napaka-unfair ng sitwasyon. Para kasing mas malaki ang advantage ni Hunter doon sa condo nito. She had fond memories of the place. Pakiramdam niya ay bumabait siya ngayong naiisip niya ang tungkol sa mga napagkwentuhan nila ni Hunter doon sa mismong kusinang iyon.
"Listen, Dan, I just..."
Napatitig si Dan sa mukha ni Hunter nang hindi nito ituloy ang sinasabi. "Yes?" Pinanood niya ang pagbabagu-bago ng ekspresyon sa mukha nito.
"Gusto ko lang sanang sabihin—"
Naputol ang kung ano pa mang sasabihin ni Hunter nang tumunog ang kanyang cell phone. Humihingi ng paumanhin na kinuha ni Dan iyon mula sa bulsa. Nagtext pala ang Kuya Cole niya. Tinatanong nito kung matagal pa ba siya. Nakasimangot na nagtype si Dan ng maiksing reply saka muling ibinulsa ang cell phone. Maiksi lang talaga iyon. Isang maikling 'hindi' lang ang ini-reply niya. "Sorry about that."
Muling uminom si Hunter sa hawak na canned beer at saka ngumiti. "No, I should be the one saying sorry." Nahigit ni Dan ang hininga nang marinig ang mga katagang iyon. She didn't know that she had been waiting for him to say that until that very moment. "I'm sorry I had to drag you out at this time just to bring me those documents."
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...