Part 36: Great Minds Think Alike

1.6K 96 11
                                    

"I HAVE Dan's resignation in my hand right now." Iyon ang bumungad kay Hunter nang sagutin niya ang telepono. "Sabihin mo lang at ibabasura ko agad ito." Pagpapatuloy ng kapatid niyang si Drei.

"Pinagtri-tripan mo nanaman ba ako?" Hunter jokingly said.

Ngunit nanatiling seryoso ang tono ni Drei. "Dan submitted her resignation to me."

Sumeryoso na din si Hunter. He didn't know what to think about this current development. "She did?"

Narinig ni Hunter ang malakas na pagbuntong-hininga ng kanyang kapatid sa kabilang linya. "Katatanggap ko lang nito ngayon. Hindi ko alam na tototohanin nga niya ang sinabi niya."

"Teka, nagkausap kayo tungkol diyan?" Alam ni Hunter na concerned si Drei sa nangyayari sa kanila ni Dan pero wala siyang ideya na nagkausap pala ang mga ito.

"Yeah, well—"

"Ano'ng sinabi mo sa kanya, Drei?"

"Sinabi ko sa kanya ang totoo."

Napapikit si Hunter sa narinig. Yung sinasabi nila na bago daw mamatay ang isang tao ay nagf-flash sa isip niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya, parang ganoon ang nangyari kay Hunter ngayon. Ang ipinagkaiba lang ay hindi naman siya mamamatay physically. He just felt like dying inside. "At ano naman yung katotohanang sinabi mo sa kanya?"

"Bakit mo tinatanong, Kuya? May iba pa bang version ng katotohanan?"

"Drei..." nagbababalang tawag ni Hunter sa pangalan ng kapatid.

"I swear I was only trying to help you."

Napabuntong-hininga na lamang si Hunter. "I know." Wala na siyang mapapala kung pagsasabihan pa niya ang kapatid. The damage has already been done. "Unlike me, wala kang dahilan para hindi tanggapin ang resignation niya." He felt like dying a little more inside as he said that.

"Totoo nga talagang great minds think alike, ano?" Sa kabila ng seryosong pinag-uusapan ay nagawa pang magbiro ni Drei. "Yan din kasi ang sinabi sa akin ni Dan."

"Damn it, Drei! Ngayon ako nagsisisi na ipinaubaya ko sa'yo ang pagiging second-in-command kay Papa. I never thought I would actually need it." Muling napamura si Hunter nang matawa ng mahina si Drei. "Wala naman kasi talaga akong pakialam sa day-to-day operation ng kompanya. I'd rather help with our IT department. But damn, you could actually outrank me on this."

Malakas na natawa na si Drei sa kanyang sentimyento. "It's a proven fact now. Great minds definitely think alike."

Napamura nanaman si Hunter. "Pareho pa ba tayo ng pinag-uusapan?" may pagka-aburidong tanong niya.

"Oo naman, Kuya. I just find it amusing that that's exactly what Dan told me. Anyway, ano na ang desisyon mo? Ibabasura ko ba 'to?"

Napapailing na nag-isip si Hunter. Oo nga at ayaw niyang pumayag na magresign si Dan pero hindi naman siya ganoon ka-unreasonable para harangin ito. Alam niyang resourceful si Dan pero hindi niya inaasahang aabot pa sa ganito ang lahat. Kaya nga hindi niya nabigyan ng warning si Drei. God only knew what Drei and Dan talked about. But knowing Drei, he didn't doubt that his brother tried to help his cause. Pero kung anuman ang napag-usapan ng mga ito, mukhang mas lalo pang napagtibay niyon ang desisyon ni Dan.

Hunter wanted to shout "foul." Kumbaga sa basketball ay labas na ito sa mechanics ng laro. Dan just used underhanded tactics on him. At wala na siyang magagawa para pigilan ito sa nais na mangyari. Hindi dahil bise presidente siya at anak siya ng may-ari ng kompanya ay maaari na niyang gamitin ang kapangyarihan para masunod ang kanyang gusto. His conscience won't allow him to abuse his power for personal gains.

"Kuya, nandiyan ka pa ba?"

"Oo."

"So, what do you want me to do with Dan's resignation?"

"Just sign it."

"Ano?" halatang nagulat si Drei sa kanyang sinabi.

"Tama ang narinig mo. Pirmahan mo na 'yan at ipadala agad sa HR."

"Pero—"

"Just do it, Drei."

Hunter heard his brother scoffed. "Ewan ko sa inyong dalawa. Bahala na nga kayo sa buhay niyo." Pagkatapos ay pinutol na nito ang tawag nang hindi nagpapaalam.

****

And again, I was surprised to read that there was a reversal of roles of some sort here. To be fair sa younger writer self ko. Medyo sumasalungat pala talaga ako sa mga norms noon no? haha! So ginawa kong mas superior ang rank ni Drei kahit pa si Hunter ang mas matanda. Well, it's not really something new, pero hindi din naman iyon ang normal na setup sa mga romance novels. So yay, me! hahaha

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon