Part 13: The Men's Room Scene :))

1.8K 95 3
                                    

KANINA pa patingin-tingin si Dan sa kanyang relo. Malapit na kasing magsidatingan ang mga inimbitahan nila para sa party nang gabing iyon pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang boss niyang si Hunter. Muli niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng Jas Café upang masigurong nasa ayos na ang lahat. It was the only resto bar that was willing to accommodate them on such a short notice.

"Leigh, thank you sa tulong mo ha?" nginitian ni Dan ang kanilang receptionist nang lumapit ito sa kanya. Ito ang inatasan niyang maging usherette.

"Don't mention it. 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na gusto ko ang mga ganitong gig? It gives me a reason to dress up."

Nakangiting tinanguan niya ito. "Sige, ikaw na ang bahala sa mga dadating na bisita. Ido-double check ko lang ang mga pagkain at inumin pati na yung sounds at video presentation. Tawagan mo ako sa cell phone kapag nagkaroon ng problema."

"Got it."

Tumalikod na si Dan pero muli ding bumalik nang may maalala. "Oo nga pala, pwede bang sabihin mo kay Sir Hunter na puntahan agad niya ako kapag dumating siya? He's already late. Ang usapan namin ay dapat na nandiyo na siya one hour before the time pero wala parin siya."

"Sure, no problem."

Kausap ni Dan ang bartender ng Jas Café na nagngangalang Melanie nang may tumawag sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag nang mamataan si Hunter na papalapit sa kanila. She didn't realize how stressed she was until she saw him. Sino ba naman kasi ang hindi mai-stress gayong ni-rush lang niya ang paghahanda para sa party na iyon? At ang damuho niyang boss ay late pang dumating. Well, he wasn't really late. But they agreed to arrive early to make sure that everything is set before their guests arrive.

Naputol ang pag-iisip ni Dan nang sumipol ang bartender sa kanyang tabi. "Nice," dugtong pa nito.

Nakakunot ang noong bumaling siya kay Melanie. Hindi na niya kailangan pang sundan ng tingin ang direksiyong tinitingnan nito upang malaman na si Hunter ang tinutukoy nito. "Nice?"

"I mean, cute. He's cute."

Nakakunot na ang noo ni Dan. "Cute?"

Pero ngumiti lang si Melanie pagkatapos ay bahagyang umiling. "Ay mali, hindi pala bagay sa kanya ang cute. Cute is for boys, and that," iginalaw nito ang ulo upang ituro ang direksiyon ni Hunter. "That is a man." Lalo pang umawang ang mga labi ni Dan nang harap-harapang pasadahan ng tingin ni Melanie si Hunter na para bang sumusuri ito ng karne sa palengke. "Yup, definitely not a boy." Pagkasabi niyon ay balewalang bumaling na ito sa kanya na para bang wala itong inoobserbahang lalaki kani-kanina lang. "Don't worry, your boyfriend is safe with me." Pagkatapos ay itinaas nito ang kamay at itinapat sa kanyang mukha. Hindi maipagkakamali ang kumikinang na engagement ring nito. Parang kumislap pa nga iyon sa kanyang mukha.

Noon na tuluyang natauhan si Dan. Tinapunan niya ng tingin ang naglalakad na si Hunter at saka nagsalita. "Hindi ko boyfriend 'yan."

"Ha? Bakit hindi?"

"Anong bakit hindi?"

"Bakit hindi mo pa ginagawang boyfriend?"

"He's my boss."

"Oh, the hunky boss and the sexy secretary," tuwang-tuwang pinagsalikop pa ni Melanie ang mga kamay. "My favorite romantic movie plot."

"What?"

Pero hindi na nakasagot pa si Melanie dahil bigla na lang tumikhim si Hunter mula sa kanyang likuran. "Hinahanap mo daw ako?"

Napipilitang humarap dito si Dan. "You're late, Sir. Hindi ba napag-usapan nating dapat ay nandito na tayo isang oras bago ang scheduled time?"

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon