Part 8: Dinner and Apology...?

2K 97 0
                                    

BINABALIKAN pa rin ni Dan sa isip ang naging pag-uusap nila ni Hunter tungkol sa ex-girlfriend nito nang magtungo siya sa restroom. Hindi niya kasi mapigilan ang sariling ma-curious dahil sa reaksiyon nito.

"Hi," nakangiting bati ng receptionist nila na naabutan niyang nananalamin sa loob ng restroom. Sandaling hindi malaman ni Dan ang gagawin dahil ito ang unang beses na binati at nginitian siya nito. Mabuti na lang at nagsalita itong muli. "Ako nga pala si Leigh."

Awtomatiko ang naging ngiti niya. "I'm Dan."

"Dan? Hindi ba Danika ang pangalan mo?"

"Dan ang nickname ko."

"Ah," tumango-tango ito. "Anyway, kumusta naman ang pagiging assistant ni Sir Hunter?" tanong nito na para bang close na close na sila.

Sandaling pinagmasdan ni Dan ang itsura ni Leigh. Para kasing pinapahiwatig ang tanong nitong iyon. "It's getting better, I think."

"I'm glad to hear that. Since nakatagal ka na ng lagpas isang buwan bilang assistant ni Sir Hunter at sa tingin ko ay magtatagal ka pa dito, pwede na siguro kitang kaibiganin."

Now she was sure that there's an underlying meaning behind those comments. Pinagtaasan niya ito ng kilay bilang tanong.

"Iyon kasing mga nauna sa'yo ay hindi tumatagal ng isang linggo. Actually, may ilan nga na nagquit agad wala pa yatang isang araw," natatawang paliwanag ni Leigh. "Kaya congratulations. Isang malaking achievement na ang makatagal ng isang linggo, lalo pa ang isang buwan."

Hindi malaman ni Dan kung compliment ba yun. Para kasing hindi naman. Malay ba niya kung ang ibig sabihin ni Leigh ay makapal ang balat niya dahil hindi siya naaapektuhan ng malakas na topak at matinding kasungitan ng boss niya. Pero ngumiti na din siya at nagpasalamat. "Thanks."

"You're welcome," masayahing sagot ni Leigh kaya naisip niyang hindi naman siguro insulto ang mga sinabi nito.

She really looked friendly. Kaya siguro kahit hindi mahilig makipagtsismisan si Dan ay natagpuan na lang niya ang sariling nagtatanong sa babae. "So matagal na bang walang permanenteng assistant si Sir Hunter?"

Sandaling nag-isip si Leigh. "Mga isang taon na siguro."

"What happened to his old assistant?"

"Ahm," sandaling nag-isip nanaman ito bago nagsimulang mag-enumerate habang isa-isang itinuturo ang mga daliri. "Nabaliw, naging war freak, nasilaw sa pera. Take your pick."

"Ha?"

Kasunod niyon ay biglang tumunog ang cell phone ni Leigh. Sinilip nito iyon at mabilis na iniligpit na ang dalang kikay kit. "Ay next time na natin pagkwentuhan ang tungkol doon kailangan ko nang bumalik sa pwesto ko."

"Teka lang, Leigh," pigil niya dito nang magsimula itong lumakad palabas.

"Don't worry, ikukwento ko sa'yo ang lahat ng chika sa ibang pagkakataon."

"Pero—"

"Sige, Dan, see you around." Wala nang nagawa si Dan nang tuluyan itong lumabas at iniwan siya.

LAGPAS alas siyete na ng gabi nang matapos ni Dan ang mga dapat niyang tapusin para sa araw na iyon. Madilim na ang kabuuan ng opisina. Hindi kasi uso sa AVA ang pag-o-overtime. Siya at si Hunter lang yata ang mahilig mag-OT. Naghanda na siya sa pag-uwi pagkatapos ay tinungo niya ang opisina ni Hunter para magpaalam dito.

"Bakit nandito ka pa? Kanina pa tapos ang office hours," nakakunot ang noong wika ni Hunter pagsungaw pa lang niya sa pinto.

"Hindi ka ba napapagod sa pagsusungit?" hindi na napigilang itanong ni Dan. "I'm tired and hungry. And I don't want to argue with you anymore."

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon