Part 38: Truth about Gena

1.7K 103 11
                                    

ILANG araw pa lang na naglalagi si Dan sa bahay nila nang makatanggap siya ng mga hindi inaasahang panauhin. It was Leigh, Maxine, and Devyn.

"Sino ang nagpapunta sa inyo dito?" agad na tanong ni Dan nang mabungaran ang mga ito sa kanilang sala.

"Wow," exaggerated na wika ni Maxine. "Nag-effort pa kaming magpunta dito sa bahay niyo tapos wala man lang hello?"

"Sorry," napapangiwing naupo na din si Dan. "Hindi ko lang inaasahan na pupunta kayo dito."

"Hindi ka nagpaalam sa amin," may pag-aakusang wika ni Leigh. Sa kanilang tatlo ay ito ang pinakamalapit sa kanya. Well, iyon ay kung makokonsidera bang kalapit ang isang taong madalas na inaasar at kinukulit lang siya. But to her defense, Dan never had any close female friends before. Other girls saw her as a competition. Pero si Leigh, ito pa mismo ang madalas na lumalapit at kumakausap sa kanya. Minsan nga ay tila natutuwa pa ito kahit tinatarayan niya ito.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Devyn. "Akala namin ay absent ka lang."

"Kung hindi ko pa chinika yung isang HR personnel ay hindi pa namin malalaman na nagresign ka na pala," dugtong naman ni Maxine.

"Saka walang nagpapunta sa amin dito," wika uli ni Devyn. "Kusa kaming nagdesisyon na puntahan ka at kumustahin."

"Bakit?" Hindi alam ni Dan kung guni-guni lang niya iyon pero parang pagalit ang pagkakasabi doon ni Leigh.

"Anong bakit?" nagtatakang tanong ni Dan. Hindi talaga siya sanay sa tinatawag na "girl talk."

"Bakit ka biglang umalis?" seryosong ang anyong paglilinaw ni Leigh sa tanong nito.

"Hindi ako biglang umalis. Matagal ko na itong pinag-iisipan."

"At hindi mo man lang naisipang i-share sa amin?" singit ni Maxine.

"It was... personal," pabulong na lang ang pagkakasabi ni Dan sa huling salita. Nag-iwas din siya ng tingin nang makita ang hinanakit sa mukha ng tatlo.

"I thought we were friends," may pagtatampong wika na din ni Devyn.

"We are."

"Friends tell each other personal things," hayan nanaman ang may pag-aakusang sagot ni Leigh. Dahil doon ay tuluyan na siyang tinablan ng konsiyensya.

Nagpalingon-lingon si Dan sa paligid. Alam niyang nandoon ang papa niya dahil ito ang nagsabi sa kanya tungkol sa pagdating ng tatlo. Ang hindi niya sigurado ay kung naroon ba ang mga kuya niya. Her four brothers own and operate their own businesses so they don't keep normal working hours. Minsan ay pasulpot-sulpot na lang ang mga iyon sa bahay nila kahit pa may kanya-kanya nang condo at townhouse ang mga ito.

"I'm sorry, okay? I'm not good at being a female friend." Nagsipagsimangot lang ang tatlo pero halata namang tanggap na nila ang eksplanasyon niyang iyon. "Tara na lang doon sa kuwarto ko para maikwento ko sa inyo ang nangyari." Tila magic words ang mga sinabi niya dahil napakabilis na nagsitayo ang mga ito.

"ALAM mo, Dan, ang gulo mo," maarteng wika ni Maxine kay Dan. Matagal na niyang natapos ikwento sa mga ito ang nangyari at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw maintindihan ng mga ito ang kanyang reasoning. Hindi talaga nila maiintindihan dahil hindi kasali sa mga kinwento ni Dan yung part na tungkol kay Senator Condejas at sa anak nitong si Jun-jun.

"Ganoon talaga si Cruella De Vil," wika naman ni Leigh. "Hindi ka dapat magpatalo at magpaapekto."

Tumango si Devyn bilang pagsang-ayon. "Just expect the unexpected. Alam mo na, mahirap talagang intindihin ang mga baliw. Hindi natin alam kung ano ang umiikot sa utak ng mga ganoong klase ng tao."

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon