WHEN Hunter asked Dan if he could take her out and talk to her, she didn't think that he would be taking her to his condo.
"Bakit tayo nandito?" agad na tanong ni Dan nang pumarada ito sa basement parking ng condominium building. Binigyan din niya si Hunter ng nagdududang tingin.
"Para mag-usap. Halika na sa loob."
"Pero—"
"Don't worry, mag-uusap lang talaga tayo." Nang hindi parin siya gumalaw ay napapabuntong-hiningang tinitigan siya ni Hunter. "I promise, Dan."
"Hindi ba pwedeng sa ibang lugar na lang tayo mag-usap?" It's not like Dan thought that Hunter would do something to her. Hindi lang talaga mapapayagan ng kanyang istriktong work ethics na magpupunta siya sa condo ng kanyang boss na wala namang kinalaman sa trabaho.
"We can't risk public exposure."
"Why?"
"Mahirap ipaliwanag. Just trust me, please. Wala akong gagawing masama sa'yo."
"Alam ko."
"Then what's the problem?"
Dan started to open her mouth to explain. Pero iniisip pa lang niya kung gaano kahaba ang kailangan niyang ipaliwanag ay tinatamad na siya. Isa pa ay wala namang kasiguraduhan na papayag si Hunter kahit pa ipaliwanag niya ang tungkol sa lahat ng personal rules and work ethics na sinusunod niya. So she just sighed at shook her head.
Tila iyon lang naman ang hinihintay ni Hunter bago ito bumaba sa kotse at umikot sa passenger side upang pagbuksan siya ng pinto. Ilang minuto pa ay naroon na sila sa condo unit nito. Tahimik na sumunod siya dito nang magtungo ito sa kusina. Pasimpleng inilibot niya ang paningin sa paligid.
Then Hunter went over to the fridge and took out a canned beer. "Want some?"
"No, thanks. I don't like beer."
Tumango ito. "Ano'ng gusto mong kainin?"
"Ano ba ang laman ng ref mo?"
"Actually, I was thinking of calling for a delivery. But you're free to see for yourself." Itinuro nito ang refrigerator na mabilis naman niyang nilapitan.
Nalukot ang mukha ni Dan nang makita ang laman ng ref ni Hunter. "No wonder kailangan mo ng tagabili ng grocery." Naalala niya ang listahan ng task na una nitong ibinigay sa kanya. "Wala namang edible dito eh. Do you mind?" itinuro niya ang mga cabinet upang humingi ng permiso na buksan ang mga iyon.
"Be my guest," tila bale-wala namang sagot nito kaya nagsimula na siyang maghalungkat. May natagpuan siyang ingredients para sa spaghetti.
"Okay lang bang lutuin ko ito?" Nagkibit lang ng balikat si Hunter matapos pumwesto sa isang stool. Dan took it as a yes, so she started cooking. Pero bago iyon ay sinigurado muna niyang hindi pa expired ang mga ingredients.
Tahimik lang si Hunter habang pinapanood siya nito sa ginagawa. Mukhang may malalim itong iniisip. Dan wanted to wait for him to start the conversation. Pero ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay hindi na siya nakatiis. "Akala ko ba mag-uusap tayo kaya mo ako dinala dito?"
Pero hindi pinansin ni Hunter ang kanyang sinabi. "Marunong ka palang magluto."
She studied him a moment before deciding to answer. "Yeah, nagcooking lessons ako dati."
"Talaga?"
Tumango si Dan. "Yup, kaya kong gawin ang lahat ng gawaing pambahay. You name it, I can do it."
"Wow, you're very domesticated."
"Don't laugh. Kasalanan ito ng pagkaparanoid ng papa ko."
"What do you mean?"

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...