"SINO 'yun?"
"Ha?" wala sa sariling napatingin si Dan sa Kuya Neal niya.
"'Yung tumawag sa'yo, sino 'yun?" paglilinaw ng Kuya Cole niya.
"Bakit niyo tinatanong?" Dan asked with a wary look. Hindi siya komportableng pag-usapan ang tungkol kay Hunter lalo na sa mga kuya niya.
"Parang bigla kasing nagbago ang mood mo pagkatapos ninyong mag-usap," sagot naman ng Kuya Lance niya.
Dan laughed nervously while thinking of a way to escape her brothers' interrogation. "Wala 'yun, Kuya."
"Uy marunong nang magblush si bunso," pambubuska ng Kuya Greg niya. Ito ang madalas na nang-aasar sa kanya. "Nagba-blush ka oh," itinuro pa nito ang kanyang mukha.
"Hindi ako nagba-blush. Kaya namumula ang ang mukha ko ay dahil naiinis ako," pagdadahilan ni Dan habang nakaturo sa sariling mukha. Kahit pa anong sabihin ng mga ito ay hinding-hindi siya aamin na nagba-blush nga siya.
"Ano nanaman ang nangyayari dito?" Nakahinga siya ng maluwag nang sumingit ang kanilang amang si Gener. "Pinagkakaisahan niyo na naman ba ang prinsesa natin?" nakangiting tumabi ito kay Dan doon sa sofa.
Napaubo ang Kuya Greg niya sa narinig na pagtawag sa kanya ng papa nila. Pinanlakihan lang ito ni Dan ng mga mata saka naglalambing na yumakap sa kanilang ama. "Pa, nang-aasar nanaman si Kuya Greg."
Ngunit bago pa makasagot ang papa nila ay naunahan na ito ng Kuya Greg niya. "Pa, alam mo bang yang prinsesa mo ay may boyfriend na?" pag-iiba nito sa usapan.
"Ano?" sabay pang napatuwid ng upo si Dan at ang papa nila.
"Oo nga, Pa," panggagatong pa ng Kuya Lance niya. "Nakikipagbulungan na sa telepono 'yang si Dan."
"Paanong hindi ako bubulong eh ang iingay niyo," pagtataray ni Dan pero ang totoo ay nagsisimula na siyang kabahan sa tinatakbo ng usapan nila.
"Saka pansinin mo, Pa, nagbablush na ngayon si Dan o," itinuro pa siya ng Kuya Cole niya.
Bigla namang napatitig kay Dan ang kanilang ama kaya lalo pa niyang pinatindi ang pagtanggi. "'Wag ka ngang naniniwala sa mga 'yan, Pa. Hindi ko boyfriend 'yung tumawag. 'Yung boss ko 'yun."
"Ano? Boyfriend mo na ang boss mo?" nakangising tanong ng Kuya Neal niya.
Dan was horrified. "Hindi no!" parang batang ipinadyak niya ang mga paa saka ipinatong ang dalawang kamay bewang. Kahit kailan talaga ay expert ang mga kuya niya sa pang-iinis sa kanya. "Hindi ko boyfriend ang boss ko. Wala akong boyfriend. At tumawag lang ang boss ko kasi hinahanap niya iyong mga dokumentong iniuwi ko." Pero mukhang kahit na anong paliwanag ni Dan ay hindi pa rin maniniwala ang mga ito. Nagpalitan pa ng mga nakakaasar na ngisi ang mga kuya niya na lalo niyang ikinainis. "Pa, pagsabihan mo nga sila kuya, oh, ayaw tumigil sa pang-aasar eh," parang batang itinuro niya ang mga kuya niya na hindi parin nabubura ang mga mapanuksong ngiti sa labi.
"Kayo," kunwa ay puna dito ng kanilang ama. "Tigilan niyo na ang bunso natin. Ganyan talaga kapag dalaga na." Pagkasabi niyon ay nangingiting bumaling ito sa kanya.
"Pa," nakangusong nagpapadyak nanaman si Dan. She loved her family but they just didn't know what it's like to be a woman. Naiinis na talaga siya sa mga ito. At alam niyang kapag ganoon ay dapat na siyang umatras. Kaya nakahalukipkip na nagsimula na siyang magmartsa patungo sa kanyang kwarto. "Pa, pahiram ng kotse mo ha?"
Biglang sumeryoso ang anyo ng kanilang ama. "Bakit? Saan ka pupunta?" pati ang boses nito ay seryoso na din. Ang akala pa naman ni Dan ay makakalusot siya dahil mukhang light lang ang mood nito kanina.
"Ahm, may gagawin lang ako sandali."
"At kailangan mo pa ng kotse para magawa 'yang kung anumang gagawin mo?"
Sumusukong muling bumalik si Dan sa kumpulan ng mga ito doon sa sala. "Kailangan ko kasing ibigay sa boss ko 'yung mga iniuwi kong documents, Pa," malambing na paliwanag niya. Umaasa siyang makukumbinsi niya ito sa ganoong paraan.
"Sabi na sa'yo, Pa, eh," biglang singit nanaman ng Kuya Greg niya. Ang Kuya Lance niya ay nakipag-high-five naman dito. Pero ang dalawa pa niyang nakatatandang kuya ay hindi na nang-aasar. Sa katunayan ay nakakunot noo na ang Kuya Neal at Kuya Cole niya.
"Urgent ba 'yan?" seryoso ang mukhang tanong ng Kuya Neal niya.
"Eh," bigla ay parang naputulan ng dila si Dan. Hindi niya masabi na hindi naman talaga iyon urgent. Ang totoo ay hindi din niya alam kung bakit atat na atat si Hunter na ipadala iyon sa kanya. "Medyo, Kuya," pagsisinungaling niya.
"'Wag mong sabihing nasa opisina pa rin ang boss mong 'yun hanggang ngayon? Lagpas alas otso na ng gabi ah." Nakahalukipkip naman na wika ng Kuya Cole niya.
"Well, I'm supposed to bring it to his condo."
"Ano?" tila iisang taong sabay-sabay na tanong na ng papa niya at ng apat na mga kuya niya. Napangiwi si Dan sa itsura ng mga ito.
"Teka, sinsabi mo bang pupunta ka doon sa condo ng boss mo nang mag-isa?" seryoso na ding tanong ng Kuya Lance niya.
"Ang tanong eh, alam mo kung nasaan ang condo niya?" dagdag pa ng Kuya Greg niya.
"Hindi ka pwedeng lumabas. Gabi na," nangibabaw ang maawtoridad na tinig ng kanilang ama.
"Pero, Pa, kailangan na ni Hunter—"
"Hunter?" lalo namang kumunot ang noo ng Kuya Neal niya. "You call your boss by his first name."
Sumusukong nagpakawala ng malalim na hininga si Dan at saka isa-isang tiningnan ang mga pinaka-importanteng lalaki sa buhay niya. She immediately concluded that it was a losing argument. Kahit pa ano'ng sabihin niya ay siguradong hindi siya papayagan ng mga ito na umalis ng mag-isa. Then she finally saw Cole's face soften a little.
"Kung urgent 'yan, ihahatid na lang kita," prisinta ng Kuya Cole niya na agad na inilabas ang susi ng kotse.
Parang gustong magdabog ni Dan nang mga oras na iyon. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit siya nagsolo sa isang apartment dati. She badly needed to have some room to breathe. Kahit yata kumulubot na ang balat niya at pumuti ang mga buhok niya ay hindi parin maiintindihan ng mga kuya at papa niya na kaya na niyang maging independent. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga ito. They all had similar expressions on their faces. Makikita doon ang katigasan ng ulo at pagiging protective ng mga ito. Alam niyang mahal lang talaga siya ng mga ito kaya sila ganyan ka-overprotective. That's when she finally nodded with a sigh.

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...