She didn't know how long Hunter kissed her before she realized what was happening. "W-wait, kailangan kong i-check ang cell phone ko."
"Really? Nagagawa mo pang isipin ang tungkol sa cell phone mo?" Pagkatapos ay tumawa ng pagak si Hunter. "I must not be doing it right."
"Hindi mo naiintindihan—" pero muli nang sinakop ni Hunter ang kanyang mga labi. Naramdaman pa ni Dan ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. Then his hand lingered at the back of her ear until it settled on her nape.
Damn! Nagsitayuan yata ang lahat ng balahibo ni Dan sa katawan. Parang bigla ding nanuyo ang kanyang lalamunan lalo na nang gumapang ang mga labi nito pababa sa kanyang baba. "Hunter..." Nahindik siya nang marinig ang sariling boses. Siya ba talaga 'yong nagsalita? Bakit parang bagong gising ang dating ng boses niya? Medyo namamaos pa at parang... nang-aakit? Lalo pang nadagdagan ang nerbiyos niya sa naisip. Wala pa siyang inaakit na lalaki kahit minsan. Malakas lang ang loob niyang makipagsabayan ng asaran sa mga lalaki pero hanggang doon lang iyon. Sinubukan niyang muling lumayo pero maagap na napigilan siya nito.
"You are not going any farther away from me. As a matter of fact, you are going to stay exactly where I want you to stay." Then Hunter lazily massaged her back while looking at her intently.
"I am?" Noon narealize ni Dan na nakakabobo pala ang matitigan ng ganoon. 'Yun bang parang kaya siya nitong lamunin ng buo.
"Yes, any objections?" Ninakawan pa siya nito ng isang mabilis na halik sa mga labi.
Bigla ay gustong sumigaw ni Dan ng malakas na "unfair!" Dahil unfair naman talaga. Paano kasi ay parang na-hypnotize na siya nito. Ni hindi na siya gumagalaw at kung hindi lang involuntary action ang paghinga ay baka kinalimutan na din niya iyon.
"Dan, do you have any objections?" ulit ni Hunter.
Pati ang pakikinig ay hindi na din yata alam ni Dan kung paano gawin. Ni hindi nga niya naiintindihan kung ano ba ang tinatanong nito. Objection ba saan 'yun?
"Can you just shake your head, babe?"
Shit! Shake daw! Eh di, shake. Umiling naman si Dan at naipagpasalamat niyang alam pa niya kung paano gawin iyon dahil bigla na lamang nagliwanag ng husto ang mukha ni Hunter. What a very handsome face, she thought.
"Good," bulong ni Hunter sa tapat ng kanyang mukha. Kung plano nitong makipagpalitan ng oxygen sa kanya ay walang dudang nagtagumpay na ito. "Hindi ko gustong nagtetext ka pa kung kani-kanino kahit na kasama mo ako. Ayoko na uling gagawin mo iyon, okay?" Wala sa sariling tumango si Dan. "Good, now where were we?" She caught a glimpse of a naughty smile before her whole world turned upside down again.
Ang nanginginig na mga kamay ni Dan ay bigla na lang napahawak sa balikat ni Hunter nang walang sere-seremonyang binuhat siya nito at iniupo sa counter. Sa isang iglap ay pumaikot ang kamay nito sa kanyang likuran at saka siya hinila patungo sa dulo ng counter. Awtomatiko ang naging pagbuka ng mga binti niya para hindi niya ito masaktan. Sa gitna ng napakabilis na pangyayaring iyon ay napangiti siya dahil minsan na niyang narinig na pinag-uusapan ng mga kuya niya ang tungkol sa nangyayaring eksena sa kanila ni Hunter ngayon. May technique daw kasi ang "move" na iyon. Sumingit pa nga siya sa mga ito at ipinagpilitan na kung ayaw talaga ng babae ay hindi nito ibubuka ang binti niya. Pero mali siya. May technique pala talaga iyon.
"Bakit ka nakangiti?"
Ibinuka ni Dan ang bibig upang sumagot. But Hunter just took advantage of it and claimed her lips. Muli ay gusto niyang mapangiti. Tama nga ang mga kuya niya. May technique talaga.
But all her thoughts about the "technique" vanished when Hunter started kissing her hungrily. Noon nalaman ni Dan na yung halik pala na ibinigay nito sa kanya kanina ay preview pa lang. Kumbaga sa pelikula, trailer pa lang iyon. He was now kissing her like there's no tomorrow. Na para bang nakadepende doon ang susunod nitong hininga. Sa buong panahon na kasama niya ito sa trabaho ay nakita niya mismo kung gaano ito kafocus kapag gusto nito. And right now, he was giving the same focus and concentration on the kiss they were sharing.
"Dan?"
She wanted to protest when he stopped kissing her for a moment. Pero sandali lang naman iyon. Muli din nitong sinakop ang kanyang mga labi kaya isang "Hmm?" na lang ang naisagot niya.
"I'm really sorry." Then Hunter went back to kissing her.
Ilang minuto pa yata ang lumipas bago nagawang sumagot ni Dan. "For what?"
"You know." Then Hunter moved to kissing her jaw.
"I don't know." Wala na talaga siyang kakayahang sumagot ng maayos. Not while Hunter was kissing her behind her ears. Naramdaman pa ni Dan na napangiti ito.
"I'm sorry for being a jerk these past days."
"Hmm," then she tilted her head to the side to give him better access.
"Am I forgiven?"
Dan could only answer with another "hmm."
***
HUUYYYY! Naeeskandalo na ako sa ginagawa ng dalawang to ha. hahahaha! Carry on. :)))
May susunod na chapter pa ito! Bukas uli 😁
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...