ILANG araw na parang robot si Dan. Papasok siya sa opisina at sisimulang gawin ang mga iniuutos ni Hunter na ipinadadaan lang nito sa e-mail. Ni hindi siya nakikipag-usap sa ibang kasamahan sa trabaho. Umiiwas siya sa tuwing nagyayayang maglunch si Leigh. Nagbabaon na lamang siya ng pagkain na hindi din naman niya nakakain dahil palagi siyang walang gana.
"I'm here to see Hunter."
Gulat na napaangat ang paningin ni Dan nang marinig ang mga salitang iyon. Lalo pa siyang nagulat nang makita si Gena na nakatayo sa harap ng desk niya. Bakit ba hindi niya ito namalayan? Mabilis na pinagana niya ang isip. "I'll just confirm with Hun—Sir Hunter." Sa pagkagulat niya ay tahimik na tumango lamang si Gena. Muntik pa siyang magkamali sa pagdial ng private line ni Hunter dahil doon.
"Yes?" pormal na sagot ni Hunter sa telepono.
"Sir," tumikhim si Dan. "Nandito si Gena at gusto ka daw niyang—"
"Send her in," putol ni Hunter na tumalo sa pagkagulat na nadama niya kanina. Kumbaga yung pagkagulat ni Dan sa pagiging tahimik ni Gena ay baby pa lang. Because the shock that Hunter's response gave her was like the mother of it all.
"I... what?"
"Just send her in." Iyon lang at ibinaba na ni Hunter ang telepono.
Gusto pa sanang matulala ni Dan pero pinilit niya ang sariling harapin ng pormal si Gena. "He's already expecting you," aniya rito at saka itinuro ang direksiyon ng opisina ni Hunter. Kulang na lang ay magdabog siya habang nagtatrabaho nang tuluyan nang makapasok doon si Gena. Ano ang nangyari? Bakit bigla na lang ay welcome na uli si Gena sa opisina ni Hunter?
Pero hindi naman nagtagal si Gena sa loob. Makalipas lang yata ang sampung minuto ay lumabas din ito kasunod si Hunter. Napapatungangang pinanood ni Dan ang pag-alalay ng binata kay Gena hanggang sa tumigil ang mga ito sa tapat niya. "I'll be out the whole morning."
"The whole morning?" halos magbara ang lalamunan ni Dan habang nakatingin sa dalawa. Shit! Ano ba yun? Bakit ang sikip-sikip ng dibdib niya?
"Oo," pormal na sagot ni Hunter bago itinuro si Gena. "May importante kaming lakad ni Gena. Anyway, may ine-expect akong tawag galing sa isang kliyente ngayong araw. I'm not sure what time he'll call. Pero kung tatawag siya habang wala pa ako ay ipasa mo na lang 'yon kay Drei."
"Okay," tumatangong sagot ni Dan sa mahinang tinig. Hindi na niya makontrol ang panginginig ng boses kaya hindi niya magawang lakasan iyon.
"And Dan," pahabol pa ni Hunter bago tuluyang tumalikod. Bakit ba parang hindi man lang ito apektado? Damn him!
"Y-yes?"
"Ini-email ko na sa'yo 'yung instructions ko para sa pinapa-edit kong contract."
Tumango si Dan. "'Yun lang ba, Sir?"
Sandaling tinitigan siya ni Hunter na parang may gusto pa itong sabihin. Nakikita din ni Dan sa mga mata nito na mayroon talaga itong nais idagdag. Hindi tuloy niya maiwasang umasa. But all her hopes came crushing down when he just said, "That would be all." Pagkatapos ay iginiya na nito palabas si Gena na noon lang niya napansing kanina pa pala tahimik.
Medyo ipinagtaka ni Dan ang pagiging tahimik ni Gena. Pero agad din iyong nawala sa isip niya nang makitang pinagbuksan ito ni Hunter ng pinto. Nahuli pa niya ang pag-alalay dito ng binata. Dahil sa nasaksihan ay parang lalong tumindi ang kakaibang kirot na kanina pa nararamdaman ni Dan. Nakatingin pa rin siya sa mga ito nang lumingon sa direksiyon niya si Hunter. Inutusan niya ang sariling mag-iwas ng tingin. Pero mukhang huli na dahil nakita na niya ang kuryosidad sa mukha ni Hunter bago niya tuluyang nailayo ang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/253542691-288-k617214.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...