Part 21: Impertinent Assistant Coming Through

1.6K 108 8
                                    

KANINA pa inaabangan ni Dan ang pagpatak ng alas singko y medya ng hapon. She didn't want to stay in the office any longer. Natapos na niya ang kanyang mga urgent tasks. And all she wanted to do now was go home, eat, and sleep for long hours. Iyon ay kung magagawa nga niyang matulog. Nitong mga nakaraang gabi kasi ay palagi na lang siyang hindi makatulog gayong pagod na pagod siya sa buong maghapon.

Hindi ka talaga makakatulog kung palagi mo na lang iisipin ang napakamoody mong boss, kastigo ng kanyang isip.

Kasalanan ko pa ngayon? Ako ba ang bigla na lang nagsusungit ng walang dahilan at nagagalit dahil lang sa maliit na bagay?

And then Dan caught herself actually talking to her reflection in her compact mirror. O crap! Masisiraan pa yata ako ng ulo dahil sa boss kong 'yan.

Humugot siya ng malalim na hininga at saka dahan-dahang pinakawalan iyon. Kailangan lang niyang kumalma at magiging ayos din ang lahat. Kaunting minuto na lang at pwede na siyang umalis. She just needed to endure a few more—

"Damn!" wala sa sariling napamura si Dan nang marinig ang pagtunog ng kanyang private line. Iisang tao lang ang constant na tumatawag sa kanya doon. At kahit pa gusto niyang umiwas ay hindi pwede. "Yes, Sir?" agad na bungad niya nang ilapit sa tenga ang telephone receiver.

"Good, you're still there. There's something I need you to do before you go."

Dan had to bite her lip to keep herself from throwing back a sarcastic remark. "Okay, Sir."

"Please come inside my office."

"Bakit?" nasabi na niya iyon bago pa niya mapigilan ang sarili.

"Just come here, Dan."

"URGENT ba ang mga ito, Sir?" Dan had to bite back a smile as she saw the confusion that registered on Hunter's handsome face.

"Not really."

"So okay lang na bukas ko na ito tapusin?"

Kumunot ang noo ni Hunter ngunit nanatiling kalmado ang pagsasalita. "Yeah, it's fine," he said with a dismissive wave of his hand. Halatang hindi ito sanay na sumasagot siya ng ganoon. Ni minsan kasi ay wala siyang ipinagpabukas na trabaho. Ngayon lang.

"Okay, uunahin ko agad ang mga ito bukas."

"It's okay, Dan. It's not really that urgent. Makapaghihintay pa iyan hanggang sa isang araw."

Si Dan naman ang napakunot ang noo doon. "Kung makapaghihintay naman pala ito hanggang sa isang araw, bakit kailangan mo pa akong papuntahin dito para ibigay sa akin ang mga ito ngayon? Pwede namang bukas mo na ito ibigay sa akin." Pagkasabi niyon ay agad na napadasal siya sa isip na sana ay hindi nito pansinin ang ginawa niyang pagsagot.

"Katatapos ko lang kasing basahin ang mga 'yan at naisipan kong ipasa na agad sa iyo bago ko pa makalimutan. I don't know why I'm explaining to you," ibinalik na ni Hunter ang atensiyon sa trabaho. "And why are you even questioning me?" iritadong tanong nito.

"I was just—"

"It's not like I'm asking you to stay and work overtime. Kung nagmamadali ka ngayon, then you may go. Bukas mo na gawin ang mga 'yan." Iyon lang at tuluyan na siyang hindi pinansin ni Hunter.

Lalong tumindi ang awkwardness na nararamdaman ni Dan kaya dahan-dahang lumabas na siya sa opisina ni Hunter. Muli siyang napatingin sa mga hawak na dokumento. She didn't have to pretend that she didn't know why Hunter called her a while ago. Obvious naman sa reaksiyon nito kanina na inaasahan nitong sasamahan niya itong mag-overtime. It seemed that Hunter was trying to act like everything was back to normal between them. Pero hindi naman yata siya makakapayag na basta na lang kalimutan ang pagsusungit nito sa kanya. She was still not in the mood to forget about how bad he made her feel. Pero nakokonsiyensya talaga siya sa gagawing pag-iwan dito kaya naman napagdesisyunan niyang iuwi na lamang ang mga dokumentong ibinigay nito sa kanya at gawin sa bahay ang mga iyon.

ISANG oras na ang lumipas mula nang lumabas si Dan sa opisina ni Hunter. Ibig sabihin ay isang oras nang pinipilit ni Hunter ang sariling magtrabaho at isang oras na din siyang hindi nagtatagumpay. Una sa lahat ay wala na talaga sa trabaho ang kanyang konsentrasyon at pangalawa ay wala naman na talaga siyang kailangan gawin. He was done for the day. Sa katunayan ay tapos na din niya ang halos lahat ng trabaho niyang nakalaan para sa susunod na araw. Kaya nga iyong ibinigay niya kay Dan kanina ay para sa isang araw na.

Muli niyang sinilip ang kanyang relo. It's only quarter to seven. Kapag umuwi siya ngayon ay wala naman siyang ibang gagawin. He preferred going home when he was too tired to linger around in his condo. Kapag naroon kasi siya ay parang lalo lang siyang nakokonsiyensya sa mga pinaggagawa niya kay Dan. He didn't want to admit, but it was getting harder and harder to deny that he missed her. And staying inside his condo unit with a lot of time to spare would just make him miss her more. Lalo pa at napapansin niyang palagi na niya itong naaalala sa tuwing naroon siya. He couldn't walk into his kitchen or go to the terrace without remembering the comfortable companionship that they had.

Siya na lang kaya ang gumawa ng revision para doon sa mga dokumentong ibinigay niya kay Dan kanina? Tama, 'yun na lang ang gagawin niya.

Ngunit pagdating niya sa desk nito ay wala doon ang mga dokumento. He fought the urge to immediately call Dan. Ganoon naman ang palaging nangyayari simula nang hayaan niyang makapasok ito sa kanyang propesyonal at pribadong buhay. Lately, he had been finding himself losing every battle when it comes to her. And this was just one of the many. Nakahawak na kasi agad ang kamay niya sa telepono kahit pa tumatanggi ang kanyang utak.


***

PS, wag tularan si Dan. hahaha! Habang binabasa ko to medyo napapa-WTF ako. Pero konti lang naman. Kasi medyo grabe din ang katarayan nitong si Dan no? At bilib din ako sa pasensiya at consideration nitong si Hunter. Kung sa tunay na buhay siguro ito eh matagal nang nareprimand itong si Dan sa kakasagot sa boss niya. haha! But hey, this is romance fiction. Sa mundong ito nakakakilig ang sagutan nilang dalawa. hahahaha


My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon