"NABASA mo na ba?" bungad ng kaibigang abogado ni Hunter na si Attorney Luke Marasigan. Dati niya itong team mate sa college basketball team nila at isa sa pinakamalapit niyang kaibigan kaya sigurado siyang mapagkakatiwalaan niya ito.
"Hindi pa, madami pa kasi akong tinapos na trabaho," sagot ni Hunter bago sumenyas sa isang waiter upang umorder ng maiinom. Napagkasunduan nilang magkita sa Jas Cafe. For some reason, he felt comfortable at that place. Saka naisip niyang safe kung doon sila magkikita ni Luke. It would just look like they were old friends who are catching up.
"It's interesting, pare," nangingiting komento ni Luke.
"How interesting?"
"Very interesting," pagkatapos ay inilabas ni Luke ang sarili nitong kopya ng mga dokumentong ipinadala nito sa kanya. "Natatawa ako habang binabasa ko ito. Napakaparanoid pala ni Senator Condejas. But he has a very big reason to be paranoid. 'Langya," napapailing na uminom muna ito bago nagpatuloy. "Kung katulad ni Jun-jun Condejas ang anak ko ay magiging paranoid din ako."
"Bakit? Ano ang natuklasan mo tungkol sa Jun-jun na 'yun?"
"Pare, puro dropped cases of sexual harassment that started since he was as young as sixteen."
"Sixteen?" gulat na tanong ni Hunter. Ang akala niya ay naihanda na niya ang sarili sa kung anumang matatanggap na balita pero hindi pa pala sapat iyon. This was definitely not what he expected.
Tumango si Luke. "Kaya pala umabot sa ganito kakapal ang agreement na ito," itinuro nito ang napakakapal na dokumento. Halos dalawang inches yata iyon. "The senator's laywer has been revising it for the past decade."
"Decade?" Hindi makapaniwalang tinitigan ni Hunter ang makapal na agreement.
Natatawang tumango nanaman si Luke. "At sa tuwing may bagong pagbabanta, meaning may bagong babaeng alam mo na, inuunahan na agad ni Senator na kausapin at papirmahin sa isang kasunduan bago pa makapagsumbong o magdemanda."
"Really? A decade?" hindi pa rin makalagpas si Hunter sa kaalamang iyon. "He's been covering up for his son for that long?" Napailing na din siya. "Damn, Luke, kung ako ang tatay nun..." napailing nanaman siya.
"It's not really that surprising, Hunter. Mag-isang anak lang ni Senator si Jun-jun. At aware ka naman na nasa lahi na ng mga Condejas ang pagpasok sa pulitika. Mula sa kalolo-lolohan ng Jun-jun na yun ay naging parte ng politika dito sa bansa. Walang ibang magpapatuloy doon kundi si Jun-jun. I guess the Senator was just protecting their family's name and legacy."
"But damn it, Luke, at the expense of somebody else's career." Unti-unting nakaramdam si Hunter ng galit nang maalala ang nabanggit ni Gena. May magandang future daw si Dan bilang chief of staff kung hindi lang ito nangyari. "And wait, what exactly did he do to Dan?" lalo namang tumindi ang galit na nararamdaman niya nang maisip kung ano ang maaari nitong ginawa sa dalaga.
"Don't worry, wala siyang ginawa sa Danika mo." Natatawa pa si Luke habang iniaabot ang isang folder sa kanya. "Actually, si Miss Lagman ang may ginawa sa kanya."
"Ano?" agad na tumalim ang tingin ni Hunter kay Luke.
"Basahin mo na lang, pare. Siguradong matutuwa ka diyan." Iginalaw pa ng abogado ang ulo upang ituro ang hawak niya.
Napipilitang binuksan iyon ni Hunter at nagsimulang magbasa. Iyon pala ang naglalaman ng unofficial report tungkol sa naganap sa pagitan ni Dan at Jun-jun Condejas. Unofficial dahil hindi na iyon nai-file bilang opisyal na incident report. Hula niya ay agad na naharang iyon ng mga tauhan ng senador. Hindi niya alam kung paano iyon napasakamay ni Luke. Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya. Ang importante ay malaman niya kung ano ang tunay na naganap.
"Teka," muling binalikan ni Hunter ang binabasang paragraph. "Naospital si Jun-jun?" Nakangiting tumango si Luke kaya lalo pa siyang ginanahan sa pagbabasa. "That's my girl." Hindi na niya napigilang magkomento nang mabasa ang kabuuan ng report na iyon.
"Now that's the real reason kung bakit umabot ng two inches ang agreement na ito," nakangiting saad din ni Luke. "The senator was not just trying to hide his son's indiscretions. Di hamak na mas pagpi-pyestahan ng media ang insidenteng natagpuan si Jun-jun sa isang," tumikhim ito na para bang nagpipigil na matawa. "Unflattering na sitwasyon."
Napangiti na din si Hunter. Muli niyang sinulyapan ang kaakibat na litrato ng report na iyon. Kitang-kita doon ang itsura ni Jun-jun na parang ito ang na-harass sa halip na ito ang nangharass. Magulong-magulo ang suot nitong damit pati na ang buhok nito. May pangbabaeng scarf pa na nakatali sa ulo nito. Nang bumaba ang paningin niya sa may bandang tyan ay may papel na nakapatong doon. Nakalagay doon ang mga salitang "I am a pig."
"Napakaraming mga kondisyon ang idinagdag ng abogado ni Senator para sa agreement na ito with Miss Lagman. You can't really blame her if she won't tell you anything. May kaakibat na confidentiality clause ang kasunduang ito. She will be charged with serious physical injuries if she breathe even a single word of that incident. There were also a few threats concerning her family. At bilang kapalit ng kanyang pananahimik ay binayaran siya ng may kalakihang halaga. But the check was never deposited or encashed. Base sa mga personal na kondisyon na ipinadagdag ng kampo ni Miss Lagman, mukhang hindi na actually kailangan ni Senator Condejas na magbayad at manakot. Miss Lagman herself wanted to settle the matter quietly. Siya mismo ay humingi ng kondisyon na hindi dapat makakarating ito sa kanyang pamilya. They didn't add anything else with regard to the possible case against her."
Napapatango si Hunter habang nakikinig. Narealize niya na pwedeng-pwede naman sabihin ni Dan sa kanya ang lahat kung nais lang nitong linisin ang pangalan nito. But she chose to remain silent and honor the agreement. Kahit pa ang kapalit niyon ay magmukha itong masama. His admiration for the woman just went beyond the ceiling. Pero hindi pa pala tapos si Luke.
"By the looks of it all, this is one tough chic. I'm starting to admire this woman on paper," parang may kislap pa sa matang wika ni Luke. Hunter didn't like that at all.
"I didn't ask you to look into this case so you could admire a woman on paper."
Natawa naman si Luke. "Relax ka lang, pare. Sinasabi ko lang na napabilib ako nitong si Dan."
"Dan? Paano mo nalaman ang nickname niya? Kanina lang ay Danika at Miss Lagman ang tawag mo sa kanya ah."
Tuluyan nang natawa si Luke. "You really are a goner."
"What?"
"Wala, sabi ko matindi na ang tama mo. Wala nang gamot diyan."
"Ulol."
Lalo lang lumakas ang tawa ni Luke. "Anyway, pare, as you can see in the picture, Jun-jun was unconscious. Apparently, your Dan was able to render him unconscious. At hindi lang 'yon, he also ended up at the orthopedic department. According to his medical record," ipinasa nito sa kanya ang kopya ng naturang report. "Broken ribs."
"Ribs? As in plural?" tanong ni Hunter.
"And minor bone fractures in other parts of the body," Luke answered matter-of-factly.
"That's my girl, all right," napapangiting komento niya.
"Nang una mong sabihin yan naisip ko, yeah, sure, I'm just gonna go ahead and ignore the that's-my-girl comment. But wow," may kasama pang paghampas sa mesa ang pagkakasabi ni Luke ng wow. "You really had to say it again, didn't you?"
"Ano?" naguguluhang tanong ni Hunter. Hindi siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ni Luke. He wasn't one of those pople who like playing word games. Ipinapaubaya na niya iyon sa mga abogado.
"Tawagan mo na lang ako kapag ia-announce mo na ang engagement mo." Pagkasabi niyon ay tumayo na si Luke at saka sinenyasan ang isang waiter upang kunin ang kanilang bill.
"I'll take care of the bill here, Luke, but about this favor—"
"Basta imbitahan mo ako sa kasal mo, okay na ako doon," natatawang pamamaalam nito bago tuluyang umalis.
****
OH! Wow! Hahaha! I didn't realize na umextra pala dito si Luke Marasigan ng STAID. What a lovely surprise. I already forgot about this. And again, the Jas Cafe. hihi

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...