NANANAKIT na ang mga paa ni Dan nang makarating siya sa opisina. Idagdag pa ang pangagawit ng mga kamay niya dahil sa dalang mga damit. Hindi niya maintindihan kung bakit napaka-traffic nang oras na iyon. Kaya sa halip na hintayin na umandar ang mga sasakyan ay nagpasya na siyang bumaba sa taksing sinasakyan. Tutal ay tatlong kanto na lang naman ang layo ng building kung saan naroon ang AVA. Madali lang naman sanang lakarin iyon kung hindi siya nakasuot ng sapatos na may three inches na takong. She silently cursed herself for choosing to wear high-heeled pumps at work.
"Finally, akala ko ay kailangan ko nang magpatawag ng search party para sa'yo," sarkastikong wika ni Hunter nang makapasok si Dan sa opisina nito. As usual, tutok na tutok nanaman ang atensiyon nito sa computer. But unlike before, she didn't take it as an insult. Nalaman kasi niya na personal itong tumutulong sa kanilang IT team.
Pero dahil sadyang mainit na ang ulo niya ay mabilis na lumabas ang kanyang katarayan. "I know I'm supposed to say sorry, but I won't," wika niya na nakapagpalingon kay Hunter.
"Why not?" he gave her an assessing look.
"I'm sure alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin, Sir," naghahamon ang tinging sagot ni Dan.
Painosenteng nagkibit lang ng balikat ang kanyang boss at saka bahagyang umangat ang isang sulok ng labi. Ngayon ay sigurado na talaga siyang sinadya siya nitong pahirapan sa paghahanap sa closet nito. Halatang-halata naman sa kapilyuhang pilit na itinatago nito sa ekspresyon ng mukha.
"And if you must know, the traffic was heavy. Nilakad ko na nga ang tatlong blocks para lang makabalik ako agad dito."
That seemed to wipe out the cocky look on Hunter's face. Dahan-dahang pinasadahan siya nito ng tingin na para bang minememorya nito ang kanyang kabuuan. Bigla tuloy nagsisi si Dan na hinubad niya ang suot na blazer kanina dahil pinagpawisan na siya sa paglalakad. Nakaka-conscious kasi ang paraan ng pagsusuri nito. Mabuti na lang at tumigil din ito nang mapadako sa kanyang sapatos.
"You walked in those shoes?" he asked with a frown.
"Of course," she answered proudly.
Lalo naman iyong ikinakunot ng noo nito. "Pakilagay mo na lang ang mga damit sa rack na iyon," pormal na ang boses na wika nito habang itinuturo ang isang coat hanger.
Ang inaasahan ni Dan ay babalikan na nitong muli ang ginagawa pero nagulat siya nang pag-ikot niya ay mahuli niya itong nakatingin pa rin sa kanya. Tila napakalalim ng iniisip nito. Tumikhim siya, "Sir, is there anything else you need me to do?"
"Wala na," umiling si Hunter at saka muling hinarap ang computer. She took it as a sign that she was being dismissed. Kaya naman tinungo na niya ang pinto. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay muli itong nagsalita. "Thanks, Dan."
Hindi inaasahan ni Dan ang pagpapasalamat ni Hunter kaya hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti habang palabas sa opisina.

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...