Part 26: Hunter vs the Brothers...?

1.7K 101 30
                                    

"NIYAYA ka ba talagang maglaro ng basketball ni Kuya Cole?" hindi na napigilang itanong ni Dan kay Hunter nang tawagin siya nito sa opisina nito nang sumunod na araw. Nagulat kasi siya nang bago siya umalis sa bahay kaninang umaga ay sinabi ng mga kuya niya na ituro daw niya kay Hunter kung paano puntahan iyong basketball court kung saan madalas maglaro ang mga ito kasama ang iba pa nilang mga pinsan na lalaki.

"Sinabi sa'yo ni Cole na niyaya niya ako?" ganting tanong ni Hunter.

"Not exactly. Ang sabi niya ay ituro ko daw sa'yo kung paano pumunta sa The Zone," tukoy ni Dan sa court na madalas puntahan ng mga kuya niya.

"'Yun lang?"

"At ipaalala ko daw na magdala ka ng madaming energy drink. Ikaw daw ang taya."

"Kailan at anong oras?"

"Hindi mo alam?" nagtatakang tanong ni Dan. Sinasabi na nga ba niya at may pinaplano ang mga kuya niya.

Nagkibit muna ng balikat si Hunter bago sumagot. "Sinabi lang niya na sumama ako next time na maglalaro sila. Hindi niya nabanggit kung kailan."

Napapabuntong-hiningang lumapit si Dan sa mesa nito. "Sigurado ka bang gusto mong makipaglaro sa mga kuya ko?" Hindi naman sa nag-iisip siya ng masama tungkol sa mga kuya niya pero nag-aalala talaga siya para kay Hunter.

"Oo naman, wala namang masama doon."

"Nakita mo naman ang mga kuya ko, 'di ba? Magkakalapit nga ang height niyo," itinuro ni Dan ang ulunan nito. "At halos magkakapareho din kayo ng laki ng katawan." Pasimpleng pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. Hindi nga ito agrabyado sa mga kuya niya kung palakihan lang naman ng katawan ng pinag-uusapan. "Pero magugulang ang mga 'yun." For some reason, she wanted to see if Hunter would be threatened.

Natawa ng mahina si Hunter. "May nagre-referee naman daw sa mga laro nila."

"Oo, meron nga. 'Yung pinsan namin na puro panggugulang din ang alam."

Tuluyan nang natawa ang binata. "Mukhang mag-e-enjoy ako sa mga laro namin ah."

"Ano? Pangarap mo bang magbakasyon sa orthopedic department ng ospital?" Gusto ngang makita ni Dan na hindi natatakot si Hunter sa mga kuya niya. Pero hindi ibig sabihin niyon na matutuwa siya sa kaalamang tila naghahanap ito ng sakit ng katawan.

"Wait a minute," napapangiting itinaas ni Hunter ang isang kamay. "Are you actually worried about me?"

Natigilan si Dan at saka nahihiyang nag-iwas ng tingin. "I—"

"'Wag kang mag-alala. I can handle myself."

"Anong you can handle yourself?" hindi na ni itinago pa ni Dan ang pag-aalala. "Alam na alam ko na ang mga style nila Kuya. Baka mapaano ka lang kapag nakipaglaro ka sa mga 'yon."

"Ano naman ang pwedeng mangyari sa akin? Maglalaro lang naman kami ng basketball."

"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Kanina ko pa sinasabi na magugulang maglaro ang mga kuya ko." Wala nang pakialam si Dan kung may pagka-hysterical na ang pagkakasabi niya niyon. She was genuinely worried about him. Naalala kasi niya ang kakaibang palitan ng tingin ng mga kuya niya kanina habang nagbibilin ang mga ito.

"Dan, it will be fine. 'Wag mo nang masyadong isipin 'yon. Laro lang naman—"

"Ha! 'Yan ang akala mo. Hindi 'yun basta laro lang. They know!" Tuluyan nang tumaas ang boses ni Dan.

"They know?" tanong naman ni Hunter habang dahan-dahang tumatayo sa kinauupuan. "What do you mean?" Umikot ito sa mesa at lumapit sa kanya. "Dan?" Masuyong hinawakan nito ang kamay niya saka siya dahan-dahang iniharap dito.

"They know," ulit ni Dan sa mas mahinang tinig.

"Alam nila ang alin?"

Napayuko siya. "Alam mo na 'yun."

Hunter chuckled then lifted her face. "Look at me." Sinunod naman ito ni Dan. "Ano ang tinutukoy mong alam nila?" Nag-iwas siya ng paningin pero agad din nitong hinuli ang kanyang mga mata. "Come on, ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?" Pero mas lalo lang siyang nahiya sa sinabi nito at muling iniiwas ang paningin. "Tell me, Dan."

"They know that we kissed."

Sa pagkagulat ni Dan ay bigla na lang tumawa ng malakas si Hunter. "Ah, 'yun ba ang inaalala mo?" Kumunot ang noo niya. "Don't worry, it's all good."

"Pero—"

"If it would make you feel better, you should know na varsity player ako noong college."

"Ows? Hindi mo 'yan sinasabi lang para tumigil na ako?"

Ngumiti si Hunter. "I can really play, though sa college team lang ako naglaro." Nang pagtaasan ito ng kilay ni Dan ay napilitan itong magpaliwanag. "Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sumali sa varsity team ng university dahil priority ko talaga ang pag-aaral noon. Kaya kung paglalaro lang naman ng basketball ang pag-uusapan," tumikhim pa ito saka puno ng kumpiyansang ngumiti. "Hindi naman ako basta-basta masasabon ng mga kuya mo."

"Yabang," pabirong inirapan ito ni Dan pero sumeryoso din siya agad. Pinakatitigan pa niya si Hunter upang arukin ang katotohanan sa mga sinabi nito. "Sabihin na nating magaling ka ngang maglaro ng basketball. But we're talking about street basketball here. How well can you keep up with playing dirty?"

Sa halip na ma-turn-off ito sa paglalaro tulad ng inaasahan ni Dan, tila lalo pang naging interesado si Hunter base sa biglaang pagkislap ng mga mata nito. "How dirty are we talking about?"

"Fine," sumusukong wika ni Dan. "Hindi na kita pipigilan."

"So, are we good?" natatawang tanong ni Hunter.

"Uh-huh," kiming tumango si Dan pagkatapos ay saka niya naalalang nasa opisina sila. "Ahm, anyway, may ipapagawa ka ba sa akin?" Then she awkwardly added, "Sir?"

"Sir?" tila naaaliw na puna ni Hunter. Pinanlakihan ito ng mga mata ni Dan na ikinatawa lang nito. "Actually, yes." Binitiwan na ni Hunter ang kanyang kamay pagkatapos ay lumapit ng husto sa kanya. "I want you to just stand there and don't talk."

"Ano'ng—"

"Sabi ko 'wag kang magsasalita, 'di ba?"

Sasagot pa sana si Dan pero hindi na siya nakaimik nang yumuko ito at sakupin ang kanyang mga labi. But unlike last night, he was kissing her like he had all the time in the world. It was so sweet and so tender that she felt like she wanted to cry.

"You have no idea how many times I replayed our kiss in my mind just so I could dream of it in my sleep." Bulong lang iyon pero damang-dama ni Dan ang bigat ng bawat salitang binitiwan nito. Siguro dahil ganoong-ganoon din ang ginawa niya nang nagdaang gabi. Napangiti siya. And Hunter must have felt it because she also felt him smile. Pagkatapos niyon ay mas lumalim na ang halik nito. His lips became more demanding. But the funny part was that they weren't even touching except for their lips. Narealize niya na ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang gilid pa rin. It was like she was too afraid to move. Baka kasi bigla siyang magising mula sa magandang panaginip na iyon kapag gumalaw siya. And for some reason, it made the kiss more exciting. Pero bigla na lang naputol iyon nang humiwalay si Hunter sa kanya.

"Damn, I want to kiss you and more." Tumitig pa ito sa kanya. "But we also need to talk."

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon