"EXCUSE me, what?" hindi napigilang itanong ni Dan habang maang na nakatingin sa kanyang boss na si Hunter. Bigla kasi siya nitong pinapunta doon sa opisina nito upang bigyan ng instruction. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya pero parang inuutusan siya nitong magpunta sa condo unit nito.
"I need some clothes," walang kaemo-emosyong wika ng binata. "The keys are color-coded," dugtong nito sabay abot sa kanya ng isang keychain.
Tinitigan lang ni Dan ang mga iyon. Hindi pa rin niya naiintindihan o mas tama yatang sabihin na ayaw niyang intindihin kung ano ang pinapagawa nito.
"Well?" tila naiinip na untag ni Hunter.
"Well, what?"
Lumapit ito ng husto sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay pagkatapos ay ito na mismo ang nagpatong doon ng mga susi. "Silver for the door knob, black for the deadbolt at the top, and red for the other lock below the door knob. And this," ipinatong nito sa ibabaw ng keychain ang nakatuping papel. "Is my address. Nakuha mo ba?" Nakakunot ang noong tumango si Dan. "May emergency meeting ako mamayang hapon."
Napataas ang kilay ni Dan doon. Memorized na niya ang schedule nito para sa buong linggo at sigurado siyang wala itong meeting.
"It's personal," wika nito na tila nababasa ang kanyang iniisip. "Anyway, I need to wear something less casual."
Dahil sa sinabi ng binata ay awtomatikong naglakbay ang paningin ni Dan sa kabuuan nito. He definitely needed clothes. Kahit pa nakasuot naman ito ng long sleeves na button-down shirt ay hindi ito mukhang marketing at advertising executive sa suot na dark jeans na mukhang pinaglaruan ng adik na may blade at Chuck Taylor sneakers na mukhang ginamit sa pagtakbo ng marathon. Pero dahil hindi parin ito lumalayo ay may iba pa siyang napansin na walang kinalaman sa suot nitong damit. Now that he was standing close to her, she could literally feel how tall he really was. Nakaangat kasi ang ulo niya dito na hindi madalas mangyari kapag ibang tao ang kausap niya. Lalo na at palaging nadadagdagan ang taas niyang five-five ng tatlo pang inches dahil sa suot niyang sapatos.
Dan was still studying him when he suddenly stepped back and folded his arms in front of him. Napansin tuloy niya na toned pala ang mga muscles sa braso nito. "Nakuha mo ba o kailangan ko pang ulitin?"
Napapahiyang umiwas siya ng tingin. Bakit ba ngayon pa niya napagtuunan ng pansin ang mga muscle sa braso ng masungit niyang boss? Panandaliang nawala tuloy siya sa sarili. "I got it," Dan answered stiffly before heading out as fast as her high-heeled shoes could allow.
Nang makalabas siya ay nagtatakang pinakiramdaman niya ang sarili. Bakit parang may kakaiba sa eksena nila ng boss niya kani-kanina lang? At kailan pa siya naging interesado sa mga biceps at triceps nito? It was weird. She didn't even like her boss.
PAGPASOK ni Dan sa condo unit ni Hunter ay agad na humanga siya sa interior niyon. It was sophisticated and neat. Gusto pa sana niyang i-explore ang buong unit pero pinigilan niya ang sarili. She didn't go there to snoop around. Mabilis na hinanap na niya ang kuwarto nito at tinungo ang closet.
Mayroon siyang apat na kapatid na lalaki kaya naman hindi na bago sa kanya ang itsura ng closet ng isang lalaki. Puno iyon ng mga T-shirt at jeans. Napakunot ang noo niya nang mabuksan ang closet ni Hunter. Puro T-shirt at jeans lang din ang laman niyon. Mabilis na inilabas niya ang kanyang cell phone at tinawagan ang direct line ng kanyang boss.
"Sir, where do you keep your less casual clothes? Wala akong nakikita kahit isang semi-formal man lang na damit dito sa closet mo." Iyon agad ang ibinungad ni Dan nang sagutin ni Hunter ang telepono.
"Which closet are you talking about?"
"Ha?" wala sa sariling inilibot niya ang paningin sa paligid. "You mean you have more than one closet?"
"Nevermind, just grab any clothes."
"Wala ka bang preference kung anong mga damit ang gusto mong dalhin ko?"
"Wala, basta kumuha ka ng medyo pormal."
"Pero, Sir—"
"Look, wala akong oras para isa-isahin sa'yo ang bawat piraso ng damit na gusto kong dalhin mo. Ikaw na ang bahala. And anyway, damit ko naman ang lahat ng 'yan. They'll fit, don't worry." Iyon lang at pinutol na nito ang linya.
Nakasimangot na muling inilibot ni Dan ang paningin sa mga nilalaman ng closet na iyon. Hindi na niya kailangan pang maghalungkat upang masigurong wala siyang matatagpuang pormal o kahit medyo pormal na damit doon.
"Nasaan pa kaya ang isa niyang closet?" malakas na tanong ni Dan sa sarili habang inililibot ang paningin sa paligid.
Nang lumipas ang sampung minuto at hindi pa rin niya iyon nakikita ay nagsimula na siyang mainis at mag-isip na malamang ay sinadya nitong hindi iyon sabihin sa kanya upang pahirapan siya sa paghahanap. "Damn it, nasaan ka bang closet ka?"
Muntik ng sumuko si Dan at tawagang muli si Hunter nang mapatingin siya sa sariling repleksiyon sa isang full length mirror. It didn't look like a normal mirror. Lumapit siya doon at dahan-dahang hinawakan at pinindot ang kuwadradong bakal na nakadikit sa isang gilid niyon. Napaatras pa siya nang makarinig ng click.
"Thank goodness!" madamdaming pahayag ni Dan nang subukan niya iyong galawin at tuluyan nang bumukas. Agad na napatunganga siya sa closet na tumambad sa harapan niya. It was like her dream closet but bigger and better. Naroon ang mga klase ng damit na pinapakuha ni Hunter sa kanya. Ngayon ay sigurado na siyang sinadya nga nitong hindi sabihin ang tungkol sa closet na iyon. Pero kung inaakala nitong naisahan na siya nito, puwes nagkakamali ito. Nagsimula na siya sa pagtingin sa mga damit habang binubuo sa isip ang kanyang plano para makaganti dito.
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...