Part 41: Grand Gesture...?

1.9K 85 8
                                    

NAGUGULUHANG nagpalipat-lipat ang tingin ni Dan sa mga Kuya niya at kay Hunter. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Pero wala ni isa man ang sumagot sa kanya. Mukha ngang walang balak na magsalita ang mga kuya niya.

And then Hunter was suddenly in front of her. "Hello, Dan."

Hindi sumagot si Dan. Sa halip ay binigyan lang niya ito ng nagdududang tingin. Then she turned to her brothers who were now trying to act busy and occupied. "Kuya..." Hindi talaga siya pinansin ng mga ito.

Nang tumikhim si Hunter ay napilitan na si Dan na harapin ito at ginawa ang natatanging bagay na kaya niyang gawin nang oras na iyon—ang magtaray. "Did my brothers put you up to this?"

"Ano?"

"May kinalaman ba ang mga kuya ko dito?" Napalakas yata ang pagkakasabi ni Dan doon dahil bigla na lang nagsitikhim ang mga Kuya Lance at Kuya Greg niya na siyang pinakamalapit sa kanila.

"Of course not," umiiling na kaila ni Hunter. "Bakit mo naman naisip yan?"

Dan let out an unwomanly snort. Pero ang totoo ay tinatambol na ng bongga ang kanyang dibdib. "Bakit hindi ko maiisip eh bigla na lang akong isinama nila kuya sa paglabas samantalang dati ay halos magmakaawa pa ako para lang bumuntot sa lakad nila? At saka ano yung nakita kong batian niyo ni Kuya Neal kanina?"

Hunter just smiled and motioned for her to sit down. "Maupo ka muna, Dan."

Heto nanaman si Hunter sa hilig nitong pagpapaupo sa kanya. "Ayokong maupo." Nagmamatigas na ipinadyak pa ni Dan ang isang paa.

"Come on, Dan, just sit down," malumanay at nakangiting wika ni Hunter. Mukhang naka-on ang charming mode nito ngayon. Come to think of it, he looked fresh and clean-shaven. Bigla tuloy siyang na-conscious sa itsura. Nang itulak siya kanina ng mga kuya niya para magbihis ay hindi man lang niya pinagtuunan ng pansin ang damit na pinili. Basta na lang niyang isinuot ang pinakaunang damit na nakuha.

Nang muli siyang alalayan ni Hunter para maupo ay pumiksi na siya. "Ayoko ngang maupo eh. Bakit ba gustong-gusto mong pinapaupo ako? Noong nandoon tayo sa opisina mo, palagi mo na lang akong pinapaupo. Hanggang dito ba naman fetish mo pa rin yan?" mataray na paglilitanya ni Dan na ikinangiti lang nito ng malapad.

Damn it! This is unfair!

Ilang linggo ding na-miss at inasam-asam ni Dan na makitang muli ang ngiting yan ni Hunter. Kaya hindi ito dapat ngumingiti ng ganyan ngayon. Baka kasi hindi niya mapangatawanan ang mga pinakaiingatan niyang prinsipyo at pananaw sa buhay.

"Dan—"

"And don't tell me that was also your doing?" Kunwa ay may pagdududang itinuro ni Dan ang direksiyon ng isang TV screen. Ang totoo ay hindi naman talaga niya iyon naisip. Sinabi lang niya iyon dahil wala na siyang iba pang masabi. Kaya lang ay bahagyang tumabingi ang ngiti ni Hunter. Nagkaroon tuloy siya ng masamang kutob. "Wait, that was really your doing?"

"Well..." Hunter looked a little uncomfortable now.

"Hunter—"

"Dan, maupo ka muna. Then we'll talk about this."

"No," umiiling na tanggi ni Dan. "Ipaliwanag mo sa akin ngayon din kung ano ang ibig sabihin niyon," itinuro niya ang pinakamalapit na TV screen. "At ng lahat ng ito," then she gestured a hand around the place.

Tuluyan nang pumalya ang ngiti ni Hunter. Tila nauubusan ng pasensiya na nagpakawala ito ng malalim na hininga at saka lumampas ang tingin patungo sa kanyang likuran. "Ganito ba talaga itong prinsesa niyo?"

Paglingon ni Dan sa kanyang likod ay nakita niyang nagthumbs-up ang Kuya Lance niya. Sabay na tumango naman ang Kuya Cole at Kuya Neal niya na nakalapit na palang muli sa kanila. Tanging ang Kuya Greg lang niya ang tuwang-tuwang nagsalita. "Anong prinsesa namin? Baka ang ibig mong sabihin ay prinsesa mo."

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon