"I DON'T believe this," hindi makapaniwalang wika ni Hunter habang nakatingin kay Dan. Gustong mag-iwas ng tingin ni Dan pero hindi niya magawa. Hunter's eyes held her captive. It was like he was asking her to tell him that Gena was wrong. At hindi totoo ang nilalaman ng mga dokumentong iyon. But she couldn't speak.
"Anong you don't believe? Nandiyan na nga ang pruweba," giit ni Gena. "Mismong si Senator Condejas na ang nakapirma diyan. Saka may kopya din diyan ng cheke na ibinigay sa kanya kapalit ng pananahimik niya. Malinaw na nakasulat sa cheke ang pangalan ng babaeng 'yan," pagkatapos ay ipinakita pa nito ang kopya ng cheke. "Malaking eskandalo ito kapag nagkataon. Lalo na at planong tumakbo ni Jun-jun Condejas sa susunod na eleksiyon." Then Gena turned to Dan. "And you dared to tell me that I was the gold-digging bitch?" tumawa pa ito. "Sino ngayon sa atin ang mas deserving sa deskripsiyong iyon?"
"Enough," putol ni Hunter. "I demand to know where you got these papers, Gena. Paano ako makakasigurong totoo nga ang mga ito at hindi peke?"
"You can always call Jun-jun Condejas if you want. Inilagay ko din diyan ang contact details niya."
"Stop it!" Sa wakas ay nakapagsalita din si Dan. "Those were supposed to be confidential," aniya sa nanginginig na boses.
"So it's true?"
Dan winced when she heard the pain in Hunter's voice. "Hunter—"
"Just tell me one thing, Dan, totoo ba ang mga dokumentong ito?"
Dan faced him head on. Hindi siya mahihiya sa isang bagay na alam niyang wala siyang kasalanan. "Oo, totoo nga ang mga dokumentong yan." She watched his face harden more at her admission.
"See?" Gena even clapped her hands triumphantly. "Galing na mismo sa sarili niyang bibig na totoo nga ang mga yan."
"But the whole situation was a bit more complicated than those pieces of papers," matatag na pahayag ni Dan.
"It doesn't change the fact that between the two of us, you're the real gold-digger."
"Shut up, Gena. Pwede ka nang umalis," mahina ngunit mapanganib na wika ni Hunter.
"A-ano? Pinapaalis mo ako?" hindi makapaniwalang itinuro pa ni Gena ang sarili.
"Yes, I'm asking you to leave."
"P-pero, akala ko... I proved to you that I'm better than her. You're supposed to take me back now."
Aburidong minasahe ni Hunter ang sentido. "Hindi kasali sa mga plano ko ang makipagbalikan pa sa'yo, Gena. Isa pa, pwede bang tigilan mo na ang pagtukoy sa sarili mo na parang palagi ka na lang inaagrabyado? I'm sick and tired of all these drama."
"But you need me," giit pa rin ng babae.
"I don't know what kind of lies you put in your head but I definitely do not need you."
"Ginawa ko ang lahat ng ito para sa'yo."
"Ni minsan ay hindi ko hininging gawin mo ang mga ito, Gena. And if these documents are real and Dan was right about it being confidential, you are going to face some serious legal problems."
Gulat na napasinghap si Gena. "You won't do it. Hindi mo ako ipapahamak. Kahit nga nang maghiwalay tayo at—"
Muntik pang mapalundag si Dan sa gulat nang biglang magmura ng mahina pero malutong si Hunter. Umiiling-iling pang ibinagsak nito ang mga kamay sa mesa. "I knew I would regret that decision forever. But I won't make the same mistake again, Gena. So I'm warning you. Kapag hindi ka pa umalis, you're going to hear from my lawyer as fast as I can dial the phone."
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...