ILANG minuto pa lang na nakakaupo si Dan sa sarili niyang desk nang matanggap niya ang e-mail ni Hunter. Kung kanina ay nagawa pa niyang maging sibilisado sa pakikitungo dito, ngayon ay hindi na siya sigurado kung kaya pa niya. Mabilis na iprinint niya ang laman ng e-mail at dire-diretsong pumasok sa opisina ni Hunter nang hindi kumakatok. Wala na siyang pakialam kung bigla na lang siyang mawalan ng trabaho ngayon mismo. She would not let anyone, especially a man, treat her like this.
Naabutan niya ang kanyang boss na nakatingin sa suot na relo. "That was fast," tila naaaliw na wika nito. "Three minutes lang mula nang ipadala ko ang e-mail bago ka sumugod dito. You just beat the record."
"Ano?" maang na tinitigan ni Dan ang kanyang boss. Hindi kaya may saltik ang Hunter Gatchalian na ito? "Are you playing games with me, Sir?"
Painosenteng umiling ang kanyang boss. "No, of course not. Bakit mo naman iisipin 'yon?"
"Heto," ibinagsak ni Dan sa mesa ang printed copy ng mga 'tasks' niya. "Ano ang mga 'to?" nagpipigil ng inis na tanong niya.
"Those are your tasks," Hunter answered smugly. May tipid na ngiti pa sa mga labi nito na lalong ikinainit ng kanyang ulo.
"Niloloko mo ba ako, Sir?" Dan tried hard not to sound sarcastic but she couldn't. "Pick up your laundry? Take your car to the car wash? Buy your groceries? Walk your dog?" Hindi na niya napigilang ipakita ang pagkadisgusto sa nilalaman ng listahang iyon.
"Wait, I forgot something. Wala pala akong aso. You'll have to buy me one as well." Then Hunter smiled so innocently that she suddenly felt a strong urge to smack the paper right in his face.
"Are you crazy?"
Isang naghahamong tingin ang pumalit sa inosenteng ekspresyon nito kanina. "Do you want this job or not?"
Noon niya unti-unting naintindihan ang "larong" sinimulan nito. It seemed that her new boss was trying to challenge her and make her quit. If that's the case, then he's in for a big disappointment. Dahil wala sa dugo ni Dan ang basta-basta na lang sumusuko at umuurong sa kahit na anumang hamon. So she raised her head and looked straight into his eyes. Mabuti nang malaman nito sa umpisa pa lang na hindi siya nito basta-basta mabu-bully. Ang with a calm voice, she said, "Of course, I want this job, Sir." Ngumiti pa siya ng matamis na bahagyang ikinagulat nito. "As a matter of fact, I am going to start on my tasks right this very second." Then she gave him a look that says 'bring it on' before turning and walking out of his office.
NASA kalagitnaan ng pagbabasa ng santambak na reports si Hunter nang pumasok si Dan sa kanyang opisina pagkatapos kumatok ng mahina. Hindi siya nag-angat ng paningin pero pinapakiramdaman niya ang bawat kilos nito. She was silently walking toward the side of his desk.
"Sir?"
Napilitan siyang bumaling dito nang tuluyan na itong pumwesto sa mismong gilid ng kanyang mesa. Pero hindi parin siya nagsalita. Iritadong pinagmasdan lamang niya ito.
"Pwede ba tayong gumamit nito?" Noon lang napansin ni Hunter ang may kalakihang tray na hawak ni Dan.
"What the hell is that?"
Bago magsalita ay iniharap muna nito sa kanya ang label ng tray. Nakasulat doon ang salitang 'outgoing.' "It will be your outgoing tray."
Kumunot ang noo ni Hunter dahil sa may pagkasarkastikong sagot ng dalaga. Ayaw man niyang aminin pero unti-unti na siyang nai-impress kay Dan. Mag-iisang linggo na ito bilang assistant niya. And it was a testament to her strong personality. Halatang kayang-kaya nitong sumabay sa kanya. "Yeah, I can read the label."
"Naisip ko lang naman, Sir, na mas madali at maayos ang turn-over natin ng mga trabaho kung gagamit tayo nito," sagot nito saka itinuro ang tray. "Ilalagay mo lang dito ang mga documents na kailangan mong ipasa sa akin. Ako naman ay iche-check ito from time to time."
Sandaling pinag-isipan ni Hunter ang mga sinabi nito. Hindi maikakailang maganda ang suhestiyon nito kaya naman tumango siya. "Okay." Iyon lang at muli na niyang niyuko ang trabaho.
"Okay?"
Once again, he looked directly on her face. "Hindi mo ba ako narinig?" hindi man niya sinasadya pero lumabas na magaspang ang pagkakasabi niya niyon.
Sandaling tila nataranta si Dan pero agad ding nakabawi. "Narinig ko, Sir. Hindi lang ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. I guess I finally did something right."
Pabulong ang pagkakasabi ni Dan sa huling pangungusap na iyon pero narinig pa rin ni Hunter. Gusto niyang mapangisi dahil doon. He was starting to warm up to Dan. Sa lahat ng assistants na dumaan sa kanya ay ito lang ang natatanging nakakapagmaintain pa rin ng poise sa kabila ng paninindak at pagsusungit niya. Ito lang din ang tanging kakikitaan ng confidence sa lahat ng ginagawa kahit pa pinapagalitan niya ito o pinupuna niya ang trabaho nito. She accepted the criticisms with grace and she never lost her cool. "I already said it's okay. Kaya pwede mo nang iwan 'yan."
"Ahm, Sir, saan ko ba pwedeng...? Nevermind." Pagkatapos ay nagsimula na ito sa pagsosort sa mga magkakahalong dokumento na nasa mababang file cabinet.
Hindi na ito muling binigyan ng pansin ni Hunter hanggang sa makarinig siya ng tunog ng mga nahuhulog na papel.
"Stupid papers!" Nakarating sa kanyang mga tenga ang mahina ngunit madamdaming daing ni Dan. Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang sariling panoorin ito sa ginagawang pagpulot ng mga papel.
That's how Hunter found himself checking out Dan's legs. Oh crap! He mentally smacked himself for checking out her legs. But damn it, the woman had a pair of really amazing legs. Weakness pa naman niya 'yung mga chinita na may magagandang legs. Lalo na 'yung mga legs na mukhang firm at may kaunting muscle na mala-Anna Kournikova ang dating. Napakunot na ang noo niya nang hindi pa rin niya mailayo ang mga mata sa legs nito lalo na nang magsimula ito sa pagsosort ng mga dokumentong nasa pinakababang bahagi ng cabinet. Double crap! Ipinatong na lamang niya ang isang kamay sa gilid ng mukha upang literal na pigilan ang sarili sa panonood sa ginagawa nito.

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...