DAN wanted to shout "success" as she handed Hunter her two-week notice. But she didn't feel like a winner. Lalo na nang walang ka-emo-emosyong tinanggap iyon ni Hunter at binasa.
"So you're giving me two weeks?" tanong ni Hunter habang patuloy parin sa pagbabasa.
"Yes."
"Hmm..." pagkatapos ay nag-angat ito ng paningin sa kanya. "Two weeks is fine." And then Hunter signed her fate. Parang slow motion na pinanood ni Dan ang pagpirma nito na nangangahulugang dalawang linggo na lang ang itatagal niya sa AVA.
"That's it?" may pagdududang tanong ni Dan nang iabot nito sa kanya ang kanyang two-week notice.
"Kailangan mo pa itong i-submit sa HR para masimulan na nila ang clearance mo."
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."
Pinagsalikop ni Hunter ang mga kamay at saka tumitig sa kanya. "Yes? What else do you mean?"
"I..." naguguluhang tinitigan din ni Dan si Hunter. Hindi niya inaasahan ang magandang pagtanggap nito sa kanyang two-week notice. "You're okay with it?"
Tumango ang kanyang boss. "Actually, nagulat nga ako at binibigyan mo pa ako ng dalawang linggo. Base sa mga huling pag-uusap natin tungkol dito, I always assumed that you prefer an immediate resignation."
Dan was taken aback by what Hunter said. Kahit minsan ay hindi sumagi sa isip niya na basta na lang itong iwan sa ere. "I wouldn't do that. May mga pending na trabaho—"
"Kaya ko nang i-handle ang mga iyon. Nagawa ko naman ang lahat ng trabaho ng mag-isa noong wala ka pa. I can still get things done on my own."
Dan felt an unexpected stab in her chest. Hindi man sinabi ni Hunter ng direkta, nakuha naman niya ang ibig nitong sabihin. It was like he was indirectly telling her that he didn't need her help anymore. He was even encouraging her to submit an immediate resignation. "A-Are you sure?"
"Absolutely," ngumiti pa si Hunter na tila balewala lang dito ang gagawin niyang pag-alis.
Ano na ang nangyari sa matinding pagtanggi nito sa pagreresign niya? Napakabilis naman yatang nagbago ng isip nito. But it's not like Dan really wanted him to stop her. Hindi lang siguro niya inaasahan na ito pa mismo ang magsa-suggest na magfile siya ng immediate resignation. Ibig sabihin ay maaaring makawala na siya sa kanyang kontrata sa kompanya bukas na bukas din mismo. That realization made her want to rethink her decision. Ito ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ang tuluyang mawala si Hunter sa buhay niya ng ganoon kabilis?
"I see." But the truth was Dan couldn't really see. Hindi niya ma-imagine ang bukas na hindi na niya makikita pa at makakasama si Hunter.
Muling ngumiti si Hunter na lalo pang dumagdag sa kalungkutang unti-unting bumabalot sa kanyang puso. She was going to miss that smile. "Akin na 'yan," inilahad nito ang kamay upang kunin ang kanyang two-week notice. "I'm just going to write the changes here para hindi mo na kailangan pang magprint ng bago." Then he started writing on the letter. Pagkatapos ay pumirma ito sa tabi niyon bilang patibay na ito talaga ang nagsulat. "Just sign beside my signature before you submit it to HR."
Isang tango lang ang nagawang isagot ni Dan.
"Great," nakangiting sinilip ni Hunter ang orasan. "I'm giving you the rest of the day to sort everything out. Kung anuman ang mga maiiwan mong trabaho, ilista mo na lang ang mga iyon at ibigay sa akin bago ka umalis. Ang HR na ang magbibigay ng instruction sa iyo tungkol sa pagsurrender mo ng mga susi pati na ang pagsuspend ng mga biometric pass at keycodes mo."
Napapatango lang si Dan habang nagsasalita si Hunter. She couldn't believe this was really happening. Talagang hahayaan na lang siya ni Hunter na umalis. And he was even smiling while he did it.
"In case you encounter any problems, just let me know," nakangiting pagtatapos ni Hunter.
"I-I will, thank you."
Hindi na sumagot pa si Hunter. Sa halip ay tumayo ito at umikot sa mesa saka lumapit sa kanya. Dan could feel the anticipation building up inside her. Lalo na nang hawakan siya ng binata sa kamay at alalayang tumayo. Gusto niyang mapapikit nang masuyong haplusin nito ang kamay niya. But she couldn't do that while Hunter was looking at her like he was trying to communicate something to her. Parang may gustong iparating ang mga mata nito na hindi nito magawang isatinig. She recognized the look because that's exactly how she felt too. Napakarami niyang gustong sabihin na hindi pwede. So she just settled with getting lost in the eyes of the man whom she had unknowingly fallen in love with. Napapasinghap na nagbaba siya ng tingin. She really fell in love, damn it! And she just screwed it all up.
Maya-maya pa ay binitiwan na ni Hunter ang kanyang kamay. He must have misunderstood why she looked away. Nang tumingin kasi siya dito ay napakalungkot na ng mga mata nito. Pero sinubukan parin nitong ngumiti. Ewan ba niya kung bakit nagpupumilit na bumangon ang pag-asa sa kanyang puso gayong alam naman niyang hindi happy ending ang kalalabasan ng lahat. But still, Dan couldn't stop herself from hoping to see the tenderness and care one last time. Lalo na nang haplusin ng isang kamay nito ang kanyang pisngi.
But it all went crashing down when Hunter spoke, "I'm done fighting, Dan. I hope this makes you happy." Pagkatapos ay tila hirap na hirap na idinugtong nito, "God knows how much I want you to be happy."
****
Why is this so dramatic? I mean, seriously. Walang iyakan, walang sumbatan. Pero nadama ko yung bigat ng sitwasyon nila. But hey, I'm kinda glad that the story is moving forward. Ang hirap i-explain. Basta. Alam niyo yun? Like hindi sila naka-confine lang sa pagiging mag-amo all the way. Ah ewan. Maybe it's just me. haha!
BTW, habang tumatagal, natatawa ako sa mga reactions/comments ko na parang hindi ako nagsulat nito. hahaha

BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...