Part 14: Sign of Jealousy..?

1.8K 98 2
                                    

SA WAKAS ay pwede nang maupo si Dan. Tapos na ang party at kanina pa siya nakatayo sa suot niyang four inches na sapatos. Inilibot niya ang paningin at napansin na naroon pa ang ilang mga guests nila. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Maganda at nakakarelax kasi ang ambiance doon sa Jas Café. Hindi tulad ng ibang mga bar na maingay at madilim.

"You did a good job, Dan," wika ng nakangiting si Hunter saka inokupa ang katabi niyang bar stool.

"Salamat, Sir," nakangiting sagot ni Dan. Dapat lang na bigyan siya nito ng kaunting recognition sa ginawa niyang pag-o-organisa ng party na ito. It wasn't easy to put together this kind of party in a short time.

"'Yung tungkol sa pabor na hiningi ko sa'yo kanina."

"It's all good. I'll give you a full report on Monday." Nakangiti paring wika ni Dan. They have really come a long way since the first day that she went to work for him. Ngayon ay parang partners in crime pa sila habang pinag-uusapan ang tungkol sa pabor na hiningi nito sa kanya.

Nakangiting tinitigan muna siya ni Hunter bago tumango. "Thank you. Anyway, mukhang pagod ka na," pagkatapos ay tinapunan nito ng tingin ang kanyang mga sapatos. "Gusto mo bang magpatawag ako ng taxi para sa'yo?"

"No need."

"I would like to take you home, pero kailangan ko pang kausapin si Drei. Kung okay lang sa'yo ang maghintay—"

"Okay lang ako, Sir. May susundo sa akin ngayon."

"Oh," halatang nagulat si Hunter sa kanyang sinabi. Naramdaman din ni Dan na parang nag-iba ang timpla nito. Pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon ng magtanong dahil bigla na lang itong tumayo. "Okay, I'm gonna go talk to Drei now." Iyon lang at iniwan na siya ni Hunter.

SUNDO? Agad na nalukot ang noo ni Hunter nang maalala ang sinabing iyon ni Dan. For some reason, he didn't like the idea of some guy taking her home.

"We need to talk," seryosong wika niya nang maupo sa kinapupwestuhang table ni Drei.

"Ngayon na?"

"Oo, sayang ang oras."

Natatawang sumandal si Drei sa kinauupuan. "Can we postpone that talk until we're in the office? Nag-e-enjoy pa ako dito eh. Saka maganda ang view." Kinindatan pa siya nito. What a typical thing for his brother to say. Nagpipiyesta na ang mga mata nito sa pagtingin sa magagandang babaeng nandoon. Maya-maya pa ay bigla na lang itong pumito. "Oh yes, that's what I'm talking about."

Sinundan ng mga mata ni Hunter ang tinitignan ng kapatid. Napakunot ang kanyang noo nang makita si Dan minus ang blazer na suot nito kanina. Isang tube dress pala ang suot nito sa ilalim ng blazer na iyon. Napansin niyang hindi lang si Drei ang lalaking nagpipiyesta ang mga mata sa pagtingin dito. For some strange reason, he suddenly had the urge to run up to Dan and demand that she cover herself up. But he really couldn't do that. Kaya bumaling na lang siya kay Drei at sinita ito.

"Hey, you can look all you want just not on that direction," may kasama pa iyong malakas na tapik sa balikat.

"Man, you're getting overprotective."

Lalo lang sumampa ang mood ni Hunter sa tinuran nito. "I'm not. Nandito siya bilang assistant ko kaya responsibilidad ko siya."

"Sabi mo eh," ginantihan siya ni Drei ng tapik sa balikat. "Woah, look."

"Sabi na ngang tigilan mo na yang—"

"May boyfriend na pala si Dan?"

"Ano?" Muling lumipad ang mga mata ni Hunter sa direksiyong tinitignan ng kapatid. Namataan niya ang isang matangkad na lalaking umupo sa tabi ni Dan. He immediately decided that he didn't like the guy. Kahit pa hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito mula sa kanyang kinauupuan. Muntik na nga siyang lumapit sa mga ito kung hindi lang niya nahuli si Drei na matamang pinapanood ang reaksiyon niya.

"They look like they're close or more than close," pag-oobserba ni Drei.

"It's none of my business. And it's none of your business too." But damn it, Hunter actually wanted to make it his business.

"Paalis na yata sila."

Hindi na napigilan ni Hunter ang sarili. Lumingon siya sa direksiyon ni Dan. Nakita niyang lumapit ito kay Leigh at nagpaalam. Sandaling kinausap din ni Dan ang bartender bago bumaling sa kanya. Agad na nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang kakaibang damdamin na iyon na biglang bumalot sa kanya. All he knew was that he didn't want to look any other way even though he knew and he could feel that Drei was staring at him. To hell with his brother. He just couldn't take his eyes off of Dan.

"Sir," tila nahihiyang ngumiti si Dan nang tumigil sa tapat niya. "I'll go ahead." Itinuro pa nito ang pinto ng bar. Then Hunter saw the guy who was with her a while ago. The guy was standing a few steps behind. "Nandyan na ang sundo ko."

"Okay."

She looked like she was expecting him to say more. Pero wala namang maisip na sabihin si Hunter kaya nanatili siyang tahimik. Maya-maya pa ay bantulot na nag-iwas na ng tingin si Dan. Binalingan nito si Drei. "Sir Drei, mauuna na ako."

"Bye, Dan, see you around."

Muli siyang tinapunan ni Dan ng tingin bago tuluyang umalis kasama ang "sundo" nito. Hindi namalayan ni Hunter na pinapanood pala niya ang paglabas ni Dan. Natigilan lang siya nang marinig ang pagtikhim ni Drei. Tulad ng inaasahan niya, kakaiba na ang tinging ibinibigay sa kanya ni Drei. Kaya bago pa ito makahirit ay mabilis na tumayo na siya at iniwan ito. Nawala na siya sa mood na makipag-usap tungkol sa negosyo.

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon