TUTOK na tutok si Dan sa ginagawa nang biglang tawagin ni Hunter ang kanyang pangalan. Kasalukuyan silang nasa conference room na karugtong ng opisina nito. Pinag-aaralan nila ang mga kontrata at dokumentong may kinalaman sa pagkuha ng mga investors para sa bagong proyekto ni Hunter.
"Would it be too much if I ask you to buy a sofa?"
Biglang napaangat ang paningin ni Dan dahil doon. "You want me to buy a sofa?"
Nagkibit ng mga balikat si Hunter at saka nilaro-laro ang hawak na ball pen. "Yeah, is there a problem with that?"
"Bakit gusto mong bumili ng sofa?" nagtatakang tanong ni Dan. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang mga trip ni Hunter.
"Are you questioning me?" nakakunot naman ang noong balik tanong ni Hunter.
"I'm just asking for a reasonable explanation."
"You are questioning me."
Hunter sounded like a kid having tantrums but he looked cute doing that so Dan just smiled. "Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?"
Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga bago tila tinatamad na sumandal sa kinauupuan. "Nabo-bore na ako. I can't work like this." Then he waved his hand toward the papers in front of them.
"Like what?"
"Like this," muling itinuro ni Hunter ang paligid nila. "It's too boring. Hindi ko kayang magtrabaho sa ganitong environment."
"Ganyan din ang sinabi mo kaninang nandoon tayo sa opisina mo. Kaya nga tayo lumipat dito, 'di ba?"
"Well, akala ko ay mag-iiba ang mood ko kapag lumipat tayo dito pero hindi pala."
"'Yan lang ang dahilan kaya gusto mong bumili ng sofa?" may pagdududang tanong ni Dan.
"Yeah, I want a sofa," balewalang sagot uli ni Hunter.
Hindi malaman ni Dan kung matatawa siya sa pagpapacute ni Hunter. "Sir, you know you can't just go and buy a sofa anytime you want."
"Okay, let me rephrase that. I need a sofa," tinitigan pa siya ni Hunter. Lalo lang tuloy naguluhan si Dan at hindi niya malaman kung trip lang ba nito iyon o talagang seryoso nga ito.
Sa huli ay tumango siya at saka nakipagsukatan dito ng tingin. "Paano kung bumili tayo ng sofa tapos marealize mo na hindi din pala effective iyon para gumanda ang mood mong magtrabaho?" naghahamong tanong ni Dan.
"That's not going to happen."
Ang paraan ng pagkakasabi nito niyon ay parang siguradong-sigurado na ito kaya napataas ang kilay niya. "Paano ka nakakasiguro?"
"You're questioning me again."
"And you're asking me to buy a sofa, which is way beyond my call of duty as your assistant. I think I'm entitled to a few questions."
"Nagiging bossy ka nanaman."
Napangiti na lang si Dan doon. "Sir, if I agree to buy a sofa—"
"Anong if? There's no if about it. You will buy a sofa."
Biglang naisip ni Dan na hindi na cute ang tinatakbo ng usapang ito. Hunter was asking her to buy a sofa, for Pete's sake! "Okay, ganito na lang, ano ang maibibigay mong guarantee na kapag nakabili na ako ng sofa ay hindi mo bigla na lang ipapabalik iyon?"
"Well, I'm used to working on a sofa?"
"Ha?" Sa dinami-dami ng pumasok sa isip niyang maaaring idahilan ni Hunter, hindi kasama doon ang mga salitang iyon. "What do you mean?"
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...