Part 7: Fashion Show sa Office

1.9K 97 0
                                    

KAHIT pa araw-araw na nagca-clash sina Hunter at Dan, hindi maitatanggi ni Dan na exciting ang pagiging assistant ni Hunter. Sa katunayan ay nasasanay na siya sa ugali ng kanyang boss. Sa maikling panahon ay natutunan na niya kung paano basahin ang mga moods nito. Alam na alam na din niya ang routine nito. And speaking of routine, she glanced at her watch and saw that it was almost nine-thirty in the morning. Ganoon ang usual na dating ni Hunter sa opisina at sigurado siyang anumang sandali ay papasok ito doon at maglalakad patungo sa opisina nito na para bang pag-aari nito ang buong mundo.

Hindi naman siya nagkamali. Wala pang limang minuto ay narinig na ni Dan ang sunod-sunod na paggalaw ng mga office chairs sa mga cubicle sa kalawakan ng opisina. Noong pangalawang araw niya sa trabaho ay nalaman niya na nakasanayan na ng mga babaeng empleyado ang panoorin si Hunter habang naglalakad na parang modelo patungo sa opisina nitong sa kabutihang palad ay doon nakapwesto sa pinakadulo. Siya man ay hindi napigilang pagmasdan ang kanyang boss. Napaka-relaxed ng postura nito at ang mga hakbang nito ay malalaki at siguradong-sigurado. Sa isang kamay ay hawak nito ang laptop bag at sa kabila naman ay ang cell phone nito. Sa nakikitang konsentrasyon sa guwapong mukha nito, sigurado siyang nagbabasa ito ng email doon.

Bakit ba kanina ka pa puring-puri sa masungit mong boss? sita ni Dan sa sarili. Oo nga naman. Bakit ba pinupuri niya ang Hunter na iyon? With that, she squinted her eyes and tried to look for something bad about him.

Hmm... masyado nang mahaba ang buhok ni Hunter. Hindi nga mawari ni Dan kung anong klaseng gupit ang ginawa doon. But damn, even with a bad haircut he still looked good enough to eat. If anything, it even added to his manly look. Iniiwas na lamang niya ang paningin at sinubukang magpakabusy sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang mesa.

"In my office, Dan."

Muntik na siyang mapatalon nang magsalita si Hunter. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanyang mesa at mabilis ding nakalagpas. Napasimangot si Dan doon. Hindi talaga niya gusto yung ugali ng boss niyang ganyan na para bang inaasahan nitong basta na lang siyang susunod dito na parang aso. But she really couldn't do anything about it. He was still her boss. Kaya kahit labag sa loob niya ay sumunod na siya dito sa loob ng opisina.

Inabutan niya ang kanyang boss na inaayos ang ilang folders sa ibabaw ng mesa nito. "Ano'ng schedule ko ngayong araw?"

Inisa-isa ni Dan ang mga naka-schedule na meeting nito.

"That's it?"

"Yes, Sir."

"Okay, call Drei and tell him to attend the meetings on my behalf." Hindi na nagtaka si Dan sa iniutos nito. Noong una pa man ay napansin na niyang hindi hilig ni Hunter ang um-attend sa mga meetings. Kapag hindi naman ganoon kaimportante ang mga iyon ay ipinapasa na lamang nito sa kapatid na si Drei. Wala naman talagang preference ang mga kliyente kung sinuman sa dalawa ang pumunta. Both of them represent the company. Isa pa ay may weekly meeting ang magkapatid na Gatchalian kasama ang ama ng mga ito kaya pareho nilang alam ang lahat ng nangyayari sa kompanya.

"Okay, Sir."

"Ano pa?"

"There's a woman who had been calling since yesterday. She said she's your girlfriend. Pero dahil sinabi mong 'wag kang aabalahin ay—"

"Good."

Napataas ang kilay ni Dan hindi lang dahil sa kakaibang tono ni Hunter kundi dahil din sa sinabi nito. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nagpahiwatig ito na may tama siyang ginawa. Hindi counted iyong pagdadala niya ng mga damit para dito dahil hindi naman talaga ganoon ang intensiyon niya. "Okay, but she left a few messages."

"Ignore them. Sa susunod na tumawag uli ang babaeng iyon, 'wag mong i-entertain."

"But she's your girlfriend."

Seryosong tumitig sa kanya si Hunter. "Mas lalong hindi mo dapat siya i-entertain."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Dan. Hindi na niya napigilang kwestyunin ang pinapagawa nito sa kanya.

"Wala pa bang nagkukwento sa'yo? Gena is not my girlfriend."

"Paano mo nalaman ang pangalan niya? Wala pa naman akong nababanggit."

Tipid na ngumiti si Hunter sa kanya. And for some reason, she felt suspicious about that smile. "I'll take that as a good sign. Ibig sabihin ay hindi ka mahilig makinig sa mga tsismis. But just so you know, Gena is my ex. And for the record, I don't have a girlfriend. Kaya sa susunod na may tumawag uli dito na nagsasabing girlfriend ko sila, 'wag mong i-e-entertain. Are we clear on that?"

Napatango na lang si Dan.

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon