KANINA pa inaabangan ni Hunter ang pagbalik ni Dan sa opisina mula sa lunch break nito. May "urgent" nanaman kasi siyang ipapagawa dito. Pero ang totoo ay gusto lang niya itong makita at makausap.
"You're late," pagkasabi niyon ay tila slow motion na dahan-dahang humarap si Dan sa kanya. It was kind of weird because Hunter felt like sucking in his breath as he caught a glimpse of sadness in her eyes.
"I'm sorry, Sir," sagot ni Dan na nakatingin yata sa baba niya o sa suot niyang kurbata.
Hunter moved his head to try to encourage her to meet his eyes but she went on to looking somewhere else. Gusto niyang mapailing pero pinigilan niya ang sarili. "I need you in my office."
"Okay," tumango si Dan saka nagsimulang maglakad.
Hunter ordered himself to walk beside her but his body won't obey. Naestatwa na yata siya sa panonood ditong maglakad hanggang sa makalagpas ito sa kanya. Then she stopped and looked back at him. "Well?" she said sassily but her eyes were telling him a different thing.
"I'm right behind you," pormal na sagot ni Hunter pagkatapos bahagyang tumango.
Habang nakasunod kay Dan ay hindi mapigilan ni Hunter ang sarili na pag-aralan ito. Likod palang iyong tinitignan niya pero parang gusto nang sumabog ng dibdib niya. Sa totoo lang ay hindi na niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Nasa kanya na ang lahat ng dahilan para magalit dito pero hindi niya magawa. The worst part was that he realized he couldn't care less even if she was the most notorious gold-digger in the world.
Nang malapit na sila sa kanyang opisina ay tumikhim siya at saka nilampasan si Dan. Tumigil naman ito pero hindi nagsalita. Sa halip ay binigyan siya nito ng nagtatakang tingin. "It's locked," tukoy ni Hunter sa pinto. Ini-lock niya iyon kanina nang lumabas siya upang hanapin ito.
"You didn't have to."
"Ano?" nilingon ni Hunter ang dalaga mula sa pagbubukas ng pinto.
"Wala," umiiling na sagot ni Dan.
Gusto pa sanang magtanong ni Hunter pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil dumiretso na sa loob ng opisina si Dan. Habang isinasara ang pinto ay muli niyang pinag-aralan ang kabuuan ng dalaga. She still looked immaculately breathtaking. But she also had an air of gloominess around her. "Why don't you sit down."
"Madami ba tayong pag-uusapan?"
Hunter suddenly didn't know what to say. Para kasing may kakaiba sa boses ni Dan. "Not much, may mga ibibigay lang akong instruction bago ako umalis mamaya."
"Then I'm fine standing."
"Dan..." napapabuntong-hiningang hinalungkat ni Hunter ang mga folders na ipapasa niya dito. "Here are the—"
"Hindi ba may outgoing tray na tayo?" putol ni Dan sa kanyang sinasabi.
Nilingon ni Hunter ang tinutukoy nitong tray. Wala iyong laman. Nakasanayan na kasi niyang personal na ibigay dito ang mga dokumentong ipinapasa niya. And he actually preferred it that way. "I just wanted us to save some time. Mas mabuti nang personal kong ibigay sa iyo ang mga ito kasama ang instruction kaysa ilagay ko pa sa tray at mag-email sa'yo ng instruction."
"Or you simply don't trust me."
Napakunot ang noo ni Hunter sa narinig. "What the hell are you talking about?"
"Naka-lock ang pinto ng opisina mo kanina."
"So?" hindi na niya naiintindihan kung saan patungo ang sinasabi ni Dan.
"You locked your office," wika ni Dan sa salitang ingles naman na para bang makukuha na niya ang ibig sabihin niyon.
"I'm not sure I understand what this is all about, Dan."
"You really want me to spell it out? Fine," Dan even stomped her foot and put her hands on her hips. Pagkatapos ay itinuro nito ang pinto. "Ano ba ang dahilan at inila-lock ng mga tao ang pinto ng isang kuwarto? Dahil ayaw nilang may makapasok doon, hindi ba? You locked your office. Obviously, you don't want anyone coming in without your knowledge. At ngayon ay personal mo pang ipinapasa sa akin ang mga yan," itinuro nito ang mga folders. "I can take a hint, Sir. Ayaw mong pumasok ako dito nang walang pahintulot. Kung wala kang tiwala sa akin, you should just fire me."
"What?" Wala sa sariling minasahe ni Hunter ang sentido. Para kasing biglang sumakit ang ulo niya. Masyado na nga siyang maraming iniisip at inaasikaso ngayon tapos ay madadagdagan pa ng ganito. "Dan, that's not really what this means."
"Okay lang, Sir. Hindi mo kailangan pang isipin ang mararamdaman ko."
"Damn it, Dan! Stop calling me sir!"
But the woman was just so stubborn. Dire-diretsong tumitig ito sa kanyang mga mata at nagpatuloy sa pag-atake sa kanya. "Naalala ko dati na tinanong mo ako kung mapagkakatiwalaan mo ba ako. Obviously, you already know the answer to that."
"Yes, I definitely do," sinserong sagot ni Hunter. When the hurt and betrayal that he initially felt have subsided, he realized that he still trusted her. Kahit na iba ang isinasaad ng mga legal documents na ibinigay ni Gena ay mas pinipili pa rin niyang maniwala na hindi masamang tao si Dan. Matindi ang pag-asam niyang may tamang eksplanasyon ang lahat. Kaya nga niya ini-lock ang kanyang opisina dahil may mga sensitibong dokumentong ipinadala sa kanya ang kanyang kaibigang abogado na may kinalaman sa kasunduan ni Dan at ni Senator Condejas. Hindi pa niya nababasa iyon dahil inuna muna niyang tapusin ang mga trabaho.
"Great, I'll just finish all of these before sending you my resignation."
"What?" Mukhang mali yata ng intindi si Dan sa kanyang sinabi. "God damn it, you are not going to do such thing!" Napahampas pa si Hunter sa mesa ngunit agad din siyang nagsisi dahil nahulog ang ilang piraso ng mga folders na natabig niya. "I will not accept your resignation."
"I'll submit it to your father."
"Hell no! Dan—" Nagsimulang tumunog ang kanyang cell phone. Sinilip niya iyon at nakitang nagtext ang kanyang kaibigang abogado. Since Dan wasn't willing to tell him anything, he asked a favor from his lawyer friend. Kanina pa niya hinihintay ang text nito pero napaka-wrong timing naman niyon.
"Kukunin ko na ang mga ito, Sir." Hawak na ni Dan ang mga folder bago pa siya makatanggi.
"Teka lang, Dan, we still need to—" but his phone started ringing again. Hindi na iyon text message. Tumatawag na ang kanyang kaibigang abogado. Napamura nanaman si Hunter.
"Lalabas na ako, Sir," paalam ni Dan na lalo namang nagpatindi sa pagka-helpless na nararamdaman niya.
"Fine, I'll just email you my instructions."
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomanceLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...