Part 40: Surprise Night Out

1.8K 104 16
                                    

NAKARATING sina Dan at ang mga kuya niya sa isang sports bar na nagngangalang The Infirmary. Noon lang siya nakapunta doon kaya naman interesadong pinag-aralan niya ang paligid. Nagkalat ang malalaking flat screen TVs sa bawat panig ng establishment. Iba-ibang mga sports channel ang ipinapalabas sa bawat isang screen. Nagulat pa siya nang makarinig ng malakas na pito. Galing pala iyon sa bartender na ngayon ay kumakaway na sa direksiyon nila.

"May kakausapin lang ako," paalam ng Kuya Cole niya bago lumapit sa bar area at kinausap ang bartender. They even did one of those weird hand shakes.

"Tara na," wika naman ng Kuya Neal nila. "Nakareserve sa atin yung isang table doon sa lounge," pagkatapos ay itinuro nito ang isang sulok na medyo nakahiwalay sa main bar.

"Susunod na lang ako, I'll get us some drinks," prisinta ng Kuya Lance niya bago humiwalay sa kanila.

Nang makaupo sina Dan ay bigla namang tumunog ang cell phone ng Kuya Neal niya. Nag-excuse ito upang sagutin iyon. Naiwan tuloy silang dalawa ng Kuya Greg niya na titig na titig sa kanya. Pinagtaasan ito ng kilay ni Dan pero nagpatuloy lang ito sa pagtitig sa kanya. "Huy, Kuya!" she even snapped her fingers in front of him. "Ano'ng nangyari sa'yo?" Umiling ito saka tipid na ngumiti pero hindi nagsalita. Nanibago siya sa inaakto nito. Hindi kasi normal na bigla na lang itong tumatahimik. "Kuya..." mahinang sinipa niya ang paa nito.

"Wag kang magulo, nagmemeditate ako." She made a face. "Saka ninanamnam ko pa ang sandaling ito."

"Ano? Ninanamnam?" natatawang umiling si Dan. "Ang weird mo ngayon." Sa halip na patulan siya ay ngumiti lang ng matamis ang Kuya Greg niya at lumipat sa tabi niya. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng isang bear hug kahit na patagilid. "Kuya!" reklamo niya habang pilit na kumakawala sa mahigpit na yakap nito. "Ano ba, Kuya Greg! Hindi na ako makahinga," exaggerated pang dugtong niya. Her brother just chuckled and let her go. "Ano ba ang nangyayari sa'yo?"

Pero hindi na ito nakasagot dahil bigla na lang nagkaingay sa paligid. Namatay kasi ang lahat ng telebisyong naroon. Ang lahat ay nagtatanong kung ano ang nangyari. Siya man ay curious na nagpalingon-lingon sa paligid. Maya-maya pa ay bigla na lang nagsipagbukas ang mga iyon. Iisa lang ang ipinapalabas sa lahat. It was a press conference by none other than Senator Condejas. Agad na napatda si Dan sa kinauupuan lalo na nang marinig niya ang pamilyar na ingay sa political press conference.

"Senator! Senator!" sabay-sabay na sigaw ng mga reporters na hindi magkamayaw sa pag-uunahan sa pagtatanong. Pati ang coverage na ipinapakita sa TV screen ay magulo at pagalaw-galaw.

Kinabahan si Dan. Ano ang nangyayari? Hindi ba sports bar ang lugar na ito? Bakit ipinapalabas dito ang press conference na yan? Muli siyang nagpalingon-lingon sa paligid. Everyone was now watching intently. Lalo pa tuloy siyang kinabahan.

"Narinig mo yon?"

Napabaling si Dan sa Kuya Greg niya nang sikuhin siya nito. "Ha?"

"Ini-announce na ni Senator Condejas ang pagsuporta niya sa ibang kandidato. Akala ko ba tatakbo yung anak niya?"

Dahil sa sinabi nito ay sinubukan ni Dan na intindihin ang mga sinasabi ng senador at totoo nga. He was endorsing a different candidate? "Senator, we all thought that your son Jun-jun will be running for the next election. What happened?"

Oo nga, ano'ng nanyari? Pagsegunda ni Dan sa tanong ng isang reporter.

Mukhang naging balisa ang senador sa tanong na iyon. Lumingon pa ito sa chief publicist nito bago sumagot. "Jun-jun will be flying to the US to pursue a different interest," paiwas na sagot ng matandang senador.

"What kind of interest are we talking about, Senator?" patuloy na pagtatanong ng isang reporter. "May kinalaman ba ito sa bali-balitang may nahalungkat daw na patong-patong na mga harrassment cases laban kay Jun-jun?"

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon