"GALIT ka ba sa akin, Sir?" tanong ni Dan habang iniaabot kay Hunter ang mga kopya ng dokumentong pinaulit nitong ipa-type sa kanya. Ilang araw na kasi siya nitong hindi kinakausap. Well, nag-uusap naman sila pero hindi tulad ng dati na nakikipagbiruan pa ito sa kanya.
Nag-angat ng paningin ang kanyang boss at saka nakakunot ang noong tinanggap ang folder. "Galit?"
"Oo," sagot niya. "Galit ka ba sa akin?"
"Hindi, bakit naman ako magagalit sa'yo?" tila bale-walang tanong ni Hunter habang chine-check ang mga ibinigay niyang dokumento.
Nagkibit ng mga balikat si Dan. "I don't know, you tell me."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito saka tumitig sa kanya. For a moment there, Dan thought her knees would give in. Para kasing may kakaibang intensidad sa mga mata nito. Napahawak pa siya sa dulo ng mesa para masigurong hindi siya bigla-biglang matutumba.
"No, Dan, hindi ako galit," Hunter said with a bored expression on his face.
"Okay," pagsang-ayon na lamang ni Dan kahit na gusto pa sana niya itong kulitin. Mukha kasing wala talaga ito sa mood eh.
"Is there anything else?"
"W-wala na." Iyon lang at nagmamadali na siyang lumabas ng opisina nito. Ngunit nang makaupo siya sa kanyang desk ay hindi naman siya mapakali. Dan was never wrong about these kinds of things before. Sigurado siyang may tampo sa kanya si Hunter.
There's only one way to find out, Dan, wika niya sa isip habang nag-iipon ng sapat na lakas ng loob upang bumalik sa opisina nito. Ah, bahala na nga!
ISANG nakakunot-noong Hunter ang sumalubong kay Dan pagsilip niya sa loob ng opisina sa pangalawang pagkakataon. "Yes?" tila aburidong tanong ng binata. "What was so urgent that you even forgot to knock?" mahihimigan ang sarkasmo sa boses nito.
So Dan summoned all her poise and closed the door before slowly walking toward Hunter's desk. And for a moment she thought she saw a flicker of admiration dance in his eyes. Pero mabilis din iyong nawala kaya hindi siya sigurado kung guni-guni lang ba niya iyon.
"What is it, Dan?" Hunter asked with that intimidating look and voice that he used when they first met.
"I just need to say something."
"Okay," sabi ng kanyang boss habang titig na titig pa rin sa kanya. Sumandal pa ito sa kinauupuan at pinagsalikop ang mga kamay.
Kilala na ni Dan ang gesture na iyon at pati na ang facial expression nito ngayon. Ganoon ito kapag nais nitong mang-intimidate. Kaya kahit na tinatablan na siya ay hindi pa rin niya iyon ipinahalata. "I think you're mad at me." Hindi sumagot si Hunter. Napilitan tuloy siyang magsalita uli. "Kung galit ka sa akin, I would appreciate it if you would just tell me instead of letting me guess."
"Dan, I'm not mad at you," sagot nito sa kalmadong tinig na ikinainis ni Dan.
How could he be so calm when she was feeling all sort of weird emotions just because he was acting like he was mad at her? At ang pinakanakakainis sa lahat ay hindi niya alam kung ano ang ipinagkakaganoon nito. "Kung ganoon bakit ipinaulit mo pa sa akin ang mga kontratang kahapon ko pa natapos?"
"Dahil may mga gusto pa akong idagdag sa mga iyon."
"Okay," tumango si Dan at nag-isip ng iba pang dahilan. "Bakit hindi mo pa ginagamit ang sofa hanggang ngayon?" It had been days since her brothers delivered the sofa in his office. At ganoon katagal na din niyang nararamdaman na para bang galit ito sa kanya.
"You're not always here inside my office. How can you be sure that I'm not using it?" Hindi na nakasagot si Dan. Tama naman kasi ito. "Well? May sasabihin ka pa ba? Because as you can see, I'm a little busy here," ikinumpas pa nito ang isang kamay upang ituro ang ibabaw ng desk nito na puno ng trabaho. "Nasasayang lang ang oras natin dito—"
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomansLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...