Part 39: Brotherly Advice

1.6K 94 29
                                    

"ANO, bunso? Payag ka na ba?" Ang excited na mukha ng Kuya Greg niya ang humarang sa view ng TV.

"Ha?" nagtatakang bumaling dito si Dan.

"Tinatanong ni Greg kung okay na ba sa'yo ang bali sa isang binti at dalawang kamay," sagot ng Kuya Lance niya.

"I still vote for broken ribs," her brother Neal said matter-of-factly.

"Pwede bang lahat na lang ng buto sa katawan?" singit naman ng Kuya Cole niya.

"Teka, ano ba ang pinag-uusapan dito?" naguguluhang pinaglipat-lipat ni Dan ang tingin sa mga kuya niya. Kaya naman kitang-kita niya nang halos magkakasabay na tumingin sa kanya ang mga ito. Pagkatapos ay agad ding nagbawi ng tingin at nagsimulang magsenyasan.

Biglang tumikhim ang Kuya Cole niya saka itinuro ang pinakabata niyang kuya na si Greg. "Ikaw na ang magsabi tutal ideya mo naman ito."

"Bakit ako? Ikaw na lang." Siniko ng Kuya Greg niya ang Kuya Lance niya.

"Anong ako? Pinapasa mo nanaman sa akin ang mga kalokohan mo," pagkatapos ay tila balewalang itinutok na ng Kuya Lance niya ang atensiyon sa pinapanood na basketball game.

Nang tumingin ang Kuya Greg niya sa Kuya Neal niya ay agad na nagsalita ito. "Don't even think about it, Greg." Pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa kusina at iniwan sila.

"Eh kasi, bunso—"

"Kuya Greg, naman, ilang beses ko bang kailangan sabihin na tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng bunso," nakasimangot na reklamo ni Dan na sinagot lang ng kuya niya ng ngisi.

"Okay, Dan," tumabi sa kanya ang Kuya Greg niya at inakbayan siya. "Nag-aalala na kasi kami sa'yo. Bigla ka na lang nagresign tapos ayaw mo pang ikwento kung ano ang nangyari."

"Kanina pa nakaka-three points ang paborito mong player pero hindi ka man lang nagrereact," dugtong pa ng Kuya Lance niya.

"Hindi ka din daw lumalabas sabi ni papa," nakakunot naman ang noong wika ng Kuya Cole niya.

"Saka hindi ka na nagluluto," reklamo ng Kuya Neal niyang kababalik lang galing sa kusina.

"So?" pinagtaasan ni Dan ng kilay ang mga ito. "Ano ang kinalaman ng mga yan sa pinag-uusapan niyo kanina?"

"I was just wondering kung pwede na ba naming balian ng buto yung boyfriend mong hilaw?" sagot ng Kuya Greg niya.

"Boyfriend kong hilaw?"

"Yung boss mo," sagot ng Kuya Lance niya.

"Anong kinalaman ni Hunter dito?" mataray na tanong ni Dan. She hoped that they wouldn't notice the different tone in her voice when she mentioned Hunter's name. Pero masyado na siyang kilala ng mga kuya niya. Idagdag pa na extra attentive ang mga ito sa kanya ngayon.

At hindi nga siya nagkamali. Pasimpleng nagpalitan ang mga ito ng tingin pero nahuli pa rin niya iyon. "Dan—"

"I don't want to talk about it," putol ni Dan sa sasabihin ng Kuya Cole niya.

"Ayaw mong pag-usapan?" nananantyang tanong ng Kuya Greg niya. "Kung ganoon kami na ang bahala sa kanya."

"Kuya naman eh."

"Eh ayaw mong magsalita. Ano'ng gusto mong gawin namin? Panoorin ka na lang sa pagmumukmok mo diyan?" pagdadahilan ng Kuya Cole niya.

Umiiling na yumuko si Dan.

"Nag-aalala na talaga kami sa'yo, Dan," wika ng pinakamatanda sa kanila na si Neal.

"Kung ano man ang nangyari, ako ang may kasalanan," sumusukong wika ni Dan. Alam kasi niyang hindi titigil ang mga ito hangga't wala siyang sinasabi. "Ako yung nagpumilit na magresign at lumayo. Kaya tigilan niyo na ang pagpaplano kung aling buto sa katawan niya ang babaliin niyo. Ang totoo ay ilang beses pa nga niya akong pinigilan na magresign."

"Eh bakit ka nga ba nagpumilit na magresign?" tanong ng Kuya Lance niya na biglang naging interesado sa usapan.

"Basta, it's complicated."

Cole snorted. "Yung calculus, yun complicated yun." May galit ang kuya niya sa subject na iyon dahil muntikan na itong bumagsak doon noong college.

"Tama," sang-ayon naman ng Kuya Neal niya. "Complicated din ang pagbabudget ng baon na one hundred pesos per day kung college ka na at may nililigawan pa." Sa tuwing may magrereklamo sa kanila na masyadong maliit ang baon nila ay palagi na lang nitong isisingit iyon. Kaya tuloy hindi nadadagdagan ang mga baon nila.

"Pati ang paggawa ng relyenong bangus, complicated din yun," may halong reklamong wika ng Kuya Lance niya. Paborito kasi nito ang relyenong bangus pero lagi siyang nagrereklamo kapag nagpapagawa ito sa kanya dahil matrabaho ang paggawa niyon.

"Lalo naman ang pasikot-sikot sa Greenbelt, yun talaga ang complicated," dagdag naman ng Kuya Greg niya. Minsan kasi nilang napagkasunduang magkakapatid na manood ng sine sa Greenbelt. May pinuntahan ito noon kaya sumunod lang ito sa kanila. Ang nangyari tuloy ay mahigit thirty minutes yata bago ito nakarating sa meeting place nila mula sa pinagparkingan nito ng kotse.

"Yung mga binanggit namin, yun ang matatawag na complicated. Pero yang nararamdaman mo at pinagdadaanan ngayon?" Umiling-iling pa ang Kuya Cole niya. "Hindi yan basta complicated lang, bunso."

"Tama," muntikan pang mabulunan ang Kuya Lance niya nang bigla itong magsalita pagkatapos sumubo ng napakaraming popcorn. Napakatakaw talaga nito kahit kailan. "Masyadong mild ang salitang complicated para i-describe yan."

"I-describe ang alin?" painosenteng tanong ni Dan pero ang totoo ay hindi na siya komportable sa pinag-uusapan nila.

"Yan ngang pinagdadaanan mo," ang tono ng pagsasalita ng Kuya Greg niya ay parang nauubusan na ito ng pasensya.

Sasagot pa sana si Dan pero hindi na niya nagawa nang maupo sa kabilang gilid niya ang Kuya Neal niya pagkatapos ay ito naman ang umakbay sa kanya. "Just because we stay away from love, it doesn't mean that we don't know how it looks like," pagkatapos ay makahulugang tumitig ito sa kanya.

"Ako, ito lang ang masasabi ko, Dan," seryoso na din ang tono ng Kuya Cole ni Dan kaya napatingin siya dito. "Kahit na magmukmok ka pa at magtago ng isang dekada, wala ka ng mababago diyan," itinuro nito ang direksiyon ng kanyang puso. "Hindi na yan mawawala."

"Kuya, ang lalalim ng mga sinabi niyo ah," biglang singit ng Kuya Lance niya.

"Parang may pinaghuhugutan yata kayo," dugtong pa ng Kuya Greg niya.

"Ulol!" May kasabay na batok pa sa Kuya Greg niya ang sinabing iyon ng Kuya Cole niya.

Ang Kuya Neal naman niya ay biglang inagaw ang bowl ng popcorn na hawak ng Kuya Lance niya. "Tama na nga ang usapang ito." Pagkatapos ay bigla na lang ito tumayo at nagmura ng mahina. "Para naman tayong mga babae nito eh. Labas na lang tayo." Then he tapped her head and smiled. "Tumayo ka na diyan, Dan, at sasama ka sa amin."

Pinagtaasan ito ni Dan ng kilay na parang hindi naniniwala. Still, she couldn't help but feel touched. Hindi talaga mushy ang mga kuya niya pero ipinapakita naman ng mga ito ang concern sa kanya sa sarili nilang paraan.

Hinila na siya ng Kuya Cole niya sa kamay at saka itinulak patungo sa direksiyon ng kanyang kuwarto. "Sige na, magbihis ka na."

Pero bago pa tuluyang makalayo si Dan ay nagkomento pa ang Kuya Greg niya. "Sigurado kang isasama natin yan, Kuya?"

"Mukhang depressed na nga tapos iiwan pa natin."

Naiinis na nilingon uli ni Dan ang mga ito. "Ano 'yun, Kuya Lance? May sinasabi ka?"

"Magbihis ka na lang, Dan. Wag mo nang pansinin ang dalawang 'to," itinuro ng Kuya Cole niya ang Kuya Lance at Kuya Greg niya. "Bilisan mo na at wala kaming tyagang maghintay."

***

HAHAHAH! To be fair, stand out din ang mga characters nitong mga kuya ni Dan ha. Nakakatuwa silang basahin. I remember nagplano ako noon na igawa sila ng kanya-kanya nilang kwento. Balikan ko kaya yung plan na yun? hmm...

My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon