Dan tried to compose herself as best as she could. "Yes, let's do that." Tumikhim siya dahil pumipiyok na ang boses niya. "I mean, yeah, we need to talk."
Dahan-dahang tumango si Hunter bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ay bigla na lang ito dumistansya sa kanya. Hindi iyong normal na distansiya. He literally went to the other side of the room. Doon sa parte ng opisina nito na siyang pinakamalayo sa kinapupwestuhan niya.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Dan.
"Hindi ba mag-uusap tayo?"
"Oo nga, pero kailangan bang pumunta ka talaga diyan?"
"Yes," seryosong sagot ni Hunter "Believe me, kailangan talagang magpunta ako dito."
"Bakit?"
"Because!" exasperated na ibinagsak pa ni Hunter ang mga kamay. "Because I really want to kiss you. So hindi ko maipapangako na mapipigilan ko ang sarili kong halikan ka habang nag-uusap tayo. No, wait, hindi ko talaga ipapangako. Because I freaking want to kiss you every damned second of every damned day."
Napasinghap si Dan sa tindi ng intensidad ng pagkakasabi ni Hunter doon. Napapalunok na sinalubong niya ang mga mata nito. At habang magkahinang ang kanilang mga mata, narealize niya na pareho lang sila ng nararamdaman. She freaking want to kiss him too, but this wasn't the right place. "Ahm, are you sure we're supposed to be discussing this here in the office? Pwede bang ibang topic na muna ang pag-usapan natin habang office hours?"
"Wala nang ibang topic."
"How about we talk about work? Wala ka bang mga urgent na ipapagawa sa akin?"
"Wala, advance nga tayo, hindi ba? The only thing I want to discuss right now is my unexplainable need to kiss you every god-damned hour," may pagkahelpless na wika pa ni Hunter.
Napapikit si Dan dahil hindi na niya matagalan ang mabigat na titig ni Hunter. "P-pero—"
"We can talk about something else if you come here and give me a kiss. So what's it gonna be, Dan? Pag-uusapan na ba natin ito ngayon o bibigyan mo ako ng halik?"
Agad na napadilat si Dan at pinagtaasan ng kilay si Hunter nang mahimigan niya ang challenge sa boses nito. "Tumigil ka nga, Hunter. Ginu-good time mo ba ako? Baka nakakalimutan mo na pwede kitang pagbintangan ng sexual harassment." Pero tinawanan lang siya ng binata. "You're my boss. You're not supposed to talk to me like that."
"I'm glad to know that you haven't forgotten that I'm your boss." Then Hunter smiled that sinfully gorgeous smile that he was so good at. Kung hindi lang dahil may biglang kumatok ay malamang na tinakbo na ni Dan ang kinatatayuan nito at sinunod ang iniuutos nito kanina.
Pinakatitigan muna siya ni Hunter pagkatapos ay ito na mismo ang nagtungo sa pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok. "Gena?"
Dan's head immediately snapped toward the door. Kitang-kita niya nang lagpasan ni Gena si Hunter upang makapasok sa opisina. "Well, well, well," Gena said in perfect imitation of a telenovela villain. "What do we have here?" nakataas ang kilay na humalukipkip pa ito habang nakatingin sa kanya.
Pinilit ni Dan ang sariling wag sumimangot. But it was so hard to do so she just settled with a formal expression.
"Ano nanaman ang ginagawa mo dito?" tanong dito ni Hunter. "If this is another one of your—"
"Don't worry, Hunter. Sigurado akong magiging interesado ka sa mga sasabihin ko. Importante ang pakay ko sa'yo ngayong araw." Then Gena gave Dan a very sinister look. Yung klase ng tingin na binibigay ng mga kontrabida sa telenobela.
Para tuloy biglang kinilabutan si Dan. Hindi din niya maiwasang makaramdam ng kaba. Hindi normal iyon. She was a confident woman. Hindi siya basta-basta napapaatras ng isang tingin lang. Pero iba talaga ang dating sa kanya ng may pagkamalisyosong tingin ni Gena.
"Fine, why don't you start talking para matapos na 'to," narinig niyang wika ni Hunter.
Pero sa halip na magsalita agad ay tumitig muna sa kanya si Gena. Dan took it as a sign that she wanted her to go. Kaya bumaling siya kay Hunter para magpaalam. "I'll be right outside if—"
"No need," putol ni Gena na pareho nilang ikinagulat ni Hunter. "You can stay. Tutal ay may kinalaman naman sa iyo ang mga sasabihin ko."
Nagkatinginan sila ni Hunter.
"Mas gusto ko talagang nandito ka," pagpapatuloy ni Gena. "I'm dying to hear what you have to say for yourself when I prove to both of you that between the two of us, you're the real gold-digging bitch."
"Watch your language, Gena," mapanganib ang boses na babala ni Hunter.
"Cute," sarkastikong ngumiti si Gena. "Pero magagawa mo pa kayang ipagtanggol ang babaeng 'yan kapag nabasa mo na ang mga ito?"
Noon lang napansin ni Dan ang mga folder na hawak ni Gena. "Ano 'yan?"
"This is proof that you are really a lying and gold-digging bitch."
"That's it, Gena. I'm not going to tolerate that kind of language in my office. So unless you want me to throw you out of the building and ban you once and for all, you are going to speak respectfully to me and to Dan. Is that understood?"
Hindi makapaniwalang pinanood ni Dan ang pagta-transform ng itsura ni Gena. Hindi parin maitatanggi na maganda at sopistikada ito. But until that moment, she didn't know that it was really possible for a physically beautiful woman to look so ugly and rotten.
"Paano mo nasasabi yan sa akin, Hunter? Ang gusto ko lang naman ay tulungan ka." The woman looked crazy. "I wanted to protect you. Kaya nga ginawa ko ang lahat para makuha ito." Then she slammed the folder on his desk. Dahil doon ay hindi sinasadyang lumabas ang ilang piraso ng papel na laman niyon.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Dan nang makilala ang letterhead sa itaas ng isang papel. Nang mismong oras na iyon ay nalaman niya na posible pala talagang manigas sa kinatatayuan ang isang tao. Yun bang parang hirap na hirap ka nang huminga at kahit na anong utos ang gawin ng isip mo ay hindi naman magawang sumunod ng katawan mo. Yup, it's possible all right. Ganoong-ganoon kasi ang nararamdaman niya ngayon.
"Ano ang mga ito?" pagalit na tanong ni Hunter. Mahihimigan sa boses nitong curious ito sa mga iyon. Pero hanga pa rin siya sa ipinakikita nitong pagtitimpi dahil sinulyapan lang nito ang folder. Hindi maiwasang ipagdasal ni Dan na sana ay wag na nitong buklatin at basahin iyon.
Mukhang nainip na si Gena kaya ito na mismo ang nagbuklat ng folder na nasa harap ni Hunter. Pagkatapos niyon ay isa-isa nitong inilabas ang mga papel na naroon at saka inihelera sa harap ng binata. "This is the proof that I'm right. That bitch is a liar and a gold-digger." The way Gena said those words were full of hatred and contempt. "Kaya pala umalis sa dati niyang trabaho ang babaeng 'yan ay dahil s-in-educe niya ang anak ng boss niya."
Nilabanan ni Dan ang pagnanais na tumakbo palayo doon. No, she wouldn't let this woman belittle her like this. Nang tumingin siya kay Hunter ay nakakunot na ang noong pinapasadahan nito ng tingin ang bawat pahina ng dokumentong ibinigay ni Gena. Parang utni-unting nadurog ang kanyang puso nang tumigas ang anyo ni Hunter.
"Saan mo nakuha ang mga ito?" Matalim ang boses na tanong ni Hunter kay Gena.
"It doesn't matter. Ang importante ay naipakita ko na sa'yo ang tunay na katauhan ng Dan na yan. Naging staff siya ni Senator Condejas sa loob ng limang taon. Balita ko ay may potensiyal daw siyang maging future chief of staff. Kaya lang ay nagmamadali yata siyang ma-promote. So she seduced Jun-jun Condejas, the senator's son."
Nahigit ni Dan ang hininga. Alam na alam na niya ang nilalaman ng mga iyon. At ganoon pala kasakit na marinig iyon mula sa ibang tao. Pero teka, paano nalaman ni Gena ang tungkol doon? Or better yet, how did she get a copy of those papers?
![](https://img.wattpad.com/cover/253542691-288-k617214.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy Assistant - COMPLETED (Published under PHR)
RomansaLahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na. First and foremost, he specifically didn't want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname "Dan," exudes femininity. Naka-develo...