Kabanata XIII
Ready
"Thank you, Ma'am. Have a nice day po!" ngiti ng driver bago ito sumakay sa motor at umalis sa harap ko.
I've been receiving gifts everyday. And it's from Winston! Nag-umpisa na ang exams namin at simula na mag-umpisa iyon ay nakakatanggap na ako ng ganito mula kay Winston.
Kinuha ko ang phone ko at agad na nagtype roon.
Ako:
You don't have to give me flowers, chocolates, or any cute stuffs, Winston. Don't waste your money.
Matapos i-send ay umupo ako sa bench na naroon sa lilim ng puno.
Uwian naman na kaya nandito na ako labas. My friends already went home, too, kaya mag-isa na lang na rin ako. Mabuti na lang nga at hindi nila ito naabutan dahil alam kong may masasabi sila o hindi naman kaya biglang tatahimik.
Deither has been acting weird lately. He became more... caring? I don't know if that's the right word pero parang ganoon na nga? O baka naman akala ko lang 'yon kahit natural lang naman sa kanya ang magtext at tanungin ako kung nakauwi na o ilibre ng pagkain?
Si Winston naman ay hindi ko alam kung ano ang naiisip niya. Mas dumalas kasi ang pagti-text niya sa akin. Laging tinatanong kung sino, saan, at anong oras ako uuwi. Idagdag mo pa ang mga pinade-deliver niya sa akin. I know that he's concerned and worried for me. I know where he's coming from pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangan pa niyang magpadeliver sa akin ng mga ganitong bagay.
Tiningnan ko ang paper bag na mayroong mga iba't ibang kulay ng ballpen. I know that I have mentioned to him that I need some colored pens and I'll be going to NBS after exams but I didn't tell him to buy it for me!
I can buy these things! I can buy it on my own so why does he have to give me such things?
Napahinga ako ng malalim at dinama ang init ng hangin na dumadampi sa aking balat bago luminga sa paligid. Nang makitang wala ang hinahanap ay muli akong napabuntong hininga.
That night when I found out that Dmitri lost someone, I felt so sorry for him. At mas lalo akong nalungkot at naawa kay Dmitri nang malaman kay Kuya Ethan na ang ina niya ang namatay.
I can remember what Rina said when we were eating. That Dmitri pour everything that he has for his family. Lahat ng hirap at pagod na pinagdadaanan ay ginagawa niya para sa pamilya niya. And to know that he lost someone he dearly loves... makes me sad.
Simula nang malaman ko ang pagkamatay ng nanay niya ay gusto ko siyang makita at kumustahin. Gusto ko na lang sana siyang i-chat tungkol doon pero mas gusto kong makausap ko siya ng personal.
Pero sa kasamaang palad ay hindi ko siya nakikita rito sa school kahit naman sinusubukan kong magtagal at magpagabi para lang maabutan siya.
Gusto ko sanang magpagabi ngayon pero hindi pwede. Kapag kasi ginawa ko iyon ay malamang sa malamang ay pagagalitan ang driver namin pati na rin ako.
At isa pa... I'm also battling with my own issues right now. Maybe I won't be much of help for him, too. Baka imbes na i-comfort ko siya ay mas lalo lang siyang ma-stress sa presensya ko.
"Ano bang meron sa phone mo at kanina ka pa nakatitig? May sagot ba r'yan?" tanong ni Benedict at sinilip ang phone ko.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtitig doon.
Last day na ng exam at hindi ko pa rin nakikita si Dmitri. On the other hand, Winston didn't stop sending me stuffs. He said that he's courting me and it's just natural to give me things. Pambawi raw dahil hindi siya makabisita sa akin araw-araw.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...