Kabanata XXVII

301 15 0
                                    

Kabanata XXVII

Moon

Dmitri's POV

"Ganadong-ganado ka ata, apo?" puna ni Lola Lin nang makita ang ngiti ko habang nagluluto ng almusal.

Ala syete pa lang ng umaga. Gan'to ako araw-araw. Minsan mas maaga pa dahil may alas otso akong pasok.

"Gan'to naman po ako lagi, La..." tawa ko.

My mother died because of an unfortunate accident. Kaarawan non ni Eleanor at naimbita ako. Papunta pa lang kami non nang mabalitaan kong hindi makahinga ng maayos ang Lolo Ben. Kaya agad akong umuwi para isugod siya sa hospital. Pero sa gabing ding iyon naaksidente si Mama at binawian ng buhay.

"Asus... Ben! Halika nga rito at parang may nobya na ata itong apo mo ayaw lang sabihin sa akin," tawag niya kay Lolo na lumalabas ng kwarto.

Walang second floor ang bahay namin para hindi mahirapan sina Lolo Ben at Lola Lin sa pag-akyat at pagbaba. Sakto lang ang kwarto namin para sa amin pero ngayong wala na si Mama ay bakante na ang kwarto niya.

"Wala nga po, La..." tawa ko.

Pagtapos kong magluto ay agad nang inihain iyon sa hapag. Agad kong pinigilan si Lola nang makita na tatayo rin siya para tulungan ako. Inilingin ko siya para pigilan na tumayo.

Matagal nang patay ang Papa ko. Maliit pa lang ako noon. Tulad ni Mama ay naaksidente rin siya at binawian ng buhay. Pero naaksidente siya mismo noong nagta-trabaho siya sa site. Contractor ang Papa kaya naman palagi siyang naroon para bantayan ang lahat. At natyempuhan na sa kung nasaan siya nakatayo, roon nahulog ang hollowblocks na ginagamit mula sa taas na ginagawa. He was in the hospital for a few days. Pero hindi niya kinaya at binawian din ng buhay.

It was hard to live without a father... but it was harder to live without them both. Mabuti na lang at nandito pa sina Lolo at Lola.

"Baka naman nanliligaw pa lang, Lin.." tawa ni Lolo.

I chuckled and finished everything. Nang matapos ay agad na akong umupo. Nagdasal muna kami bago magsimula nang kumain.

"Sino ba iyang nililigawan mo, Ven? Bakit hindi mo ipakilala sa amin?" si Lola nang matapos ang pagdadasala.

Akala ko ay titigil na sila pagtapos non pero hindi pala. Ang hirap pala talaga kapag ganito at may kasamang matatanda. Medyo makulit at mapilit.

Napangisi ako. Sa totoo lang... hindi ko alam kung alam ba ni Eleanor ang ginagawa kong iyon. Masyado siyang inosente sa mga ganong bagay. I heard she haven't had a boyfriend before. But I bet she's got a lot of suitors lining for her.

"Sa susunod kapag pwede na, La..." ngisi ko bago sumubo ng pagkain.

Nagtawanan ang dalawang matanda at tinukso ako roon. Tumawa na lang ako mga tukso nila habang napapailing.

Lola Lin and Lolo Ben are my father's parents. My mother was an orphan because her parents died when she was still an infant, at ang meron lang siya ay si Papa at kami.

"Baka bukas pa po ako makapagbayad ng kuryente at tubig. Mamaya ko pa lang po makukuha ang sahod ko sa part time job ko," aniko.

"Sabi ko naman sa'yo, Ven, meron naman kaming kinikita rito sa pagtitinda ng ulam at pupwedeng idagdag sa mga gastusin dito sa bahay." sabi ni Lola.

Agad akong umiling, "Sabi ko naman sa inyo, La, Lo, na huwag na kayong magtinda para hindi na kayo mapagod. Malapit naman na ako grumaduate at magta-trabaho na agad ako. Ako na ang bahala sa mga gastusin,"

"Hindi ba't may exam ka pa pagtapos mong grumaduate, Dmitri?" tanong ni Lolo.

Tumango ako.

"Oh, bakit ka magta-trabaho agad? Baka bumagsak ka pa kung magtrabaho ka. Magreview ka muna at kami na ang bahala sa mga gastusin dito. Iyon na lang ang tanging matutulong namin ng Lola Lin mo sa'yo," parangal ni Lolo Ben.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon