Kabanata XX

310 13 1
                                    

Kabanata XX

Ely

Nagulat ako nang maalimpungatan at makita na maliwanag na ang labas! Nakatulog ako kagabi! Agad kong hinanap ang phone ko at nakita na may message roon.

May iilang galing sa hindi kilalang numero pero ang tatlo ay galing kay Dmitri at ang dalawa ay galing kay Winston.

Dmitri:

Kararating ko lang sa trabaho. Nagpapahinga ka na ba?

Dmitri:

Pauwi na ako. Tulog ka na ba?

Dmitri:

Nakauwi na ako. Tulog ka na ata. Anong oras na rin, e. Good night, Eleanor. :)

The last text was sent midnight! Agad akong nagtipa sa phone para replyan iyon. I'm so stupid! Paano akong nakatulog non?! Alam ko pinikit ko lang ang mata ko!

Ako:

Good morning! Sorry. Nakatulog ako kagabi.

Itatabi ko na sana ang phone ko pero agad na nakaramdam ng konsensya nang maalala na may text din pala si Winston doon.

Bihira ang reply ko sa kanya at puro siya lang ang nagti-text sa akin. I sighed.

Winston:

Good morning, Eleanor!

Winston:

Nasa school na ako. Have you eaten your breakfast or you're still asleep?

Ako:

Good morning. Kagigising ko lang at bababa pa lang ako para kumain.

Pagtapos non ay iniwan ko na ang phone ko roon bago bumaba para mag-almusal. Habang kumakain ay dinalaw na naman ako ng narinig kong pag-uusap ng mga kaibigan ko.

I realized that I was not just emotional yesterday. I am truly hurt and feel betrayed. Pero hindi kagaya kahapon, I can think some of excuses and reasons why they did that. Baka hindi lang sila makatanggi kay Neri kaya napilitan sila na pumayag kahit hindi naman talaga sila pwede sa araw na iyon. Kaya niyaya na lang na rin nila ako dahil nga rin doon.

But that didn't change my decision. Medyo may tampo ako sa kanila kaya hindi pa rin ako sasama. Papalipasin ko muna siguro ang tampo na nararamdaman ko bago ako muling magyaya sa kanila. Baka naman this time ay um-oo na sila sa yaya ko.

Pagbaba ko ay si Mommy lang ang naabutan ko. Maybe Daddy already went to work and Kuya Ethan's already in school.

"Kain na, Eleanor..." sabi ni Mommy.

She's busy looking at a magazine. In front of her is a cup of tea.

Si Nena na naroon ay agad na kumilos para ihanda ang plato, baso, kubyertos at gatas na gagamitin at iinumin ko. Nagpasalamat ako pagtapos ay kumuha na ako ng toasted bread at scrambled egg na naroon.

"How's school?" biglang tanong ni Mommy habang abala pa rin sa tinitingnan na magazine.

"Fine, My.." aniko bago sumubo ng pagkain.

"Si Winston ba?" sulyap niya sa akin.

Napailing ako. Ito na naman ata siya tungkol kay Winston! Nilunok ko ang pagkain na nginuya at uminom ng gatas.

"I think he's fine, Mommy."

Akala ko ay may idudugtong pa ulit siya tungkol sa mga katanungan niya kay Winston pero nagulat ako nang wala na siyang imik pagtapos non. Malapit na ako matapos kumain ay saka lang ulit siya nagsalita.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon