Kabanata XXVIII
Mahal
Madaling araw na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Inangat ko ang palad ko at tinitigan iyon. What happened feels surreal. Pakiramdam ko ay hanggang ngayon ay lumulutang ako. Pakiramdam ko nandito pa rin at hawak hawak ni Dmitri ang kamay ko.
I closed my hand and opened it again. Nararamdaman ko pa rin ang mainit niyang kamay sa palad ko. Pakiramdam ko kanina ay nananaginip lang ako, pakiramdam ko hindi totoo ang lahat ng iyon.
And for the nth time, I tried to pinch myself using my other hand and it sting, again. Binawi ko ang kamay ko at napatigil sa higaan bago mariing mapapikit para alalahanin ang nangyaring iyon.
His hand... His words... Everything that happened under that moon is replaying over and over in my head! Parang kahit saang sulok ako tumingin at kahit anong pikit ang gawin ko ay iyon ang naaalala ko!
"Kasing ganda mo..." I repeated the same words he said to me.
Agad akong sumubsob sa unan ko at tumili roon. I screamed so much that my throat already hurts! The butterflies in my stomach won't stop from moving! Kanina pa ito! Napapadyak pa ako sa sobrang saya at kilig na nararamdaman bago umayos ng higa at muling tingnan ang aking kamay.
Parang ayaw ko nang hugasan pa ang kamay ko dahil sa tingin ko ay mabubura ang pakiramdam na paghawak ni Dmitri roon. I held my hand onto my chest trying to feel again his warm hand in mine.
Hindi ba ang mga tipo niya ay iyong mapuputi at maiikli ang buhok? And obviously I'm not one of those! Kabaliktaran ako sa tipo ng babae niya! Kaya paano? Kaya bakit? May hiwaga bang bumabalot sa gabing ito at nangyari iyon?
Ibig sabihin ba nito siguradong may namamagitan na sa amin? Sasagutin ko ba siya? Wait! Sinabi niya bang nanliligaw siya? Baka mamaya ay sabihin nitong masyado akong feeling gayong hindi naman niya intensyon na ligawan ako!Pero kailangan pa ba ng ligaw kung naghawak kamay naman na kami? Does it mean that we're already in a relationship? But he didn't say anything about that either!
Muli tuloy akong napapadyak sa aking kama at nasapo ang noo. Ang labo, ang gulo, pero masaya ako! That's what matters now. I should savor every moment of this. Saka ko na problemahin dahil hindi naman ata dapat problemahin iyon ngayon.
Hanggang sa aking panaginip ay dala ko ang pangyayaring iyon. I don't know how I fell asleep, nagising na lang ako kinabukasan nang buksan ni Mommy ang kurtina sa aking kwarto.
Tinakpan ko ang mukha ko ng unan, I'm still sleep as hell.
"Wake up, Eleanor," narinig kong sabi ni Mommy habang patuloy na binubuksan ang kurtina ng aking kwarto.
Tumalikod ako para matulog ulit. Wala namang pasok kaya hindi ko kailangan gumising agad. I just want to sleep. Sobrang late ko na nakatulog kagabi at kusang bumabagsak ang mata ko ngayon nang subukan kong dumilat.
Pero parang nawala ang antok ko nang marinig ang sunod na sinabi ni Mommy sa akin.
"Winston's waiting for you downstairs. Tumayo ka na riyan at maligo," Mommy said.
Agad na dumilat ang mata ko, gulat sa sinabi ni Mommy. What? Ganito kaaga? What the heck is he doing here?
Nakita ko ang pagsulyap ni Mommy sa akin. "It's a surprise visit I think?" she said when she saw my reaction.
Wala na akong nagawa kundi tumayo na nga sa higaan ko at mag-asikaso. Naligo muna ako bago bumaba. Winston's not in the living room. No one's in the living room. Nalaman ko na lang na nasa dining area pala sila nang marinig ko ang tawa ni Mommy mula roon.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...