Kabanata XLIV

461 16 12
                                    

Kabanata XLIV

Calculus Guy

"Uuwi ka na?"

Napalingon ako kay Dmitri nang bigla niya akong tanungin sa mahinang boses sapat na para marinig ko. Napansin ko ang pagtigil niya sa pagliligpit sa kanyang gamit dahil hinihintay ang aking pagsagot. No one noticed us dahil abala na silang magmadaling lumabas dahil umuulan sa labas.

I nodded, "Ikaw? Uuwi ka na rin?" tanong ko pabalik sa mahinang boses.

Hindi siya agad nagsalita para bang hinihintay niyang umalis ang huling estudyante roon na nagmamadlaing maglakad palabas habang may kinukuha sa loob ng bag nito.

Pinagmasdan naming dalawa ang dahan dahang pagsara ng pintuan. Bumalik ang tingin ko sa kanya nang magsalita siya.

"May kailangan pa akong tapusin sa faculty pero hindi rin naman ako magtatagal at uuwi rin pagtapos." aniya, "Naulan sa labas, may dala ka bang payong?"

Nakita ko ang payong sa bag niyang nakabukas pa rin. Nakagat ko ang labi ko at umiling.

"Susunduin ako ni Manong riyan sa baba dahil may payong naman sa sasakyan..."

He slowly nodded and smiled. "Okay.. Hmm.. Ite-text na lang kita kapag nakauwi ako..."

Dumagundong ang puso ko. So we're really back at it? Tumango ako nang dahan dahan. Titig na titig siya sa akin habang nakangiti. 'Yong ngiti niya na tulad dati.

"Sige... Ite-text din kita mamaya kapag nakauwi na ako.."

"Okay... I'll wait for it." he said.

Napahinga ako nang malalim. Nagpaalam na ako at agad na bumaba. When I got home, I immediately texted him.

Ako:

I'm home.

Medyo nagulat ako nang bigla iyong tumunog ilang segundo pagtapos kong i-send ang message na iyon.

Dmitri:

I'm just fixing my stuff pagtapos ay uuwi na rin. Kumain ka na?

Napanguso ako at nagtipa.

Ako:

Hindi na ako kakain. I ate before your class kaya busog pa ako.

Dmitri:

Sigurado ka? Pwede akong bumili ng gusto mong kainin at idaan diyan. Naglalakad naman na ako palabas ng faculty.

Nakagat ko ang labi ko at pinakiramdaman ang sarili. Totoong hindi talaga ako nagugutom. I can't think of any food since I'm not hungry. Gusto ko man lalo na't sasadyain niyang idaan dito... ayaw ko nang tumagal pa siya sa daan. I know he's tired.

Ako:

It's fine. I'm not really hungry. You should just go straight home.

Medyo tumagal ang reply niya at hinintay ko iyon. Inabot ng kulang kulang limang minuto bago siya makapagreply sa akin.

Dmitri:

Alright. Tell me if you're craving anything. Pwede kong sadyain kung nasaan ka man.

Dmitri:

I'm already in my car. I'll text you when I get home. May dadaanan lang dahil may pinapabili si Lola Lin.

Ako:

Okay! Mag-ingat ka.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako noong gabing iyon. Though, Dmitri left messages that night. At nakakainis dahil nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti habang binabasa ang mga mensahe niyang iyon.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon