Kabanata XIX
Luto
"Good morning!" bati ko habang papalapit sa dining area.
I got up from my bed earlier than usual. Kaya naman nagulat ang mga tao na naabutan ko roon sa hapag kainan.
They are eating. Napatingin sila sa akin at napatigil sa pagkain. Nginitian ko lang sila at hinila ang upuan sa tabi ni Kuya Ethan.
"Milk please..." aniko kay Nena.
Tumango siya at umalis doon para kumuha ng gatas. Nagsandok na ako sa plato na naroon at kumuha na ng ulam pagtapos.
"Ang aga mo ata ngayon?" sabi ni Mommy.
I hummed a song I know and smiled sweetly. "Maaga lang po natulog, My..."
I continued humming until Nena came holding a glass and a fresh milk. Sinalinan niya ang baso na iyon at binigay sa akin.
"Thank you," aniko at ininuman iyon.
"Maaga ba ang klase mo ngayon?" narinig kong tanong ni Daddy.
Nilapag ko ang baso at umiling. "Hindi naman po, Dy. Mamaya pa pong lunch ang klase ko,"
Tumango si Daddy, "We'll have dinner on Sunday. Your Ate Ester suggested the idea," aniya.
"She doesn't have work on that day?" tanong ni Kuya Ethan.
"Maaga raw ang tapos ng trabaho niya at pwede naman siya sa gabi ng araw na iyon," ani Daddy.
Nagtaka ako sa sinabi ni Daddy. Ate Ester never had a time for herself.. kahit ang simpleng dinner ay wala. Kaya bakit ngayon? Meron na?
"May okasyon po ba? Tuwing may selebrasyon lang umuuwi si Ate Ester, e..." puna ko.
Mommy laughed, "Aren't you happy that you'll see your sister, Eleanor?"
Agad akong umiling sa sinabi ng ina, "Hindi naman po sa ganon. It's just weird...."
She let out another laugh, "Baka naman gusto lang ng Ate niyo na magdinner tayo dahil matagal-tagal na rin noong huli tayong nakumpleto..."
But Mommy was wrong. When the day came, we expected to see and meet Ate Ester only. But we found her waiting with a man on a table reserved for our family.
Sinulyapan ko si Mommy na agad na tinitigan ang nakatalikod na lalaki na katabi ni Ate Ester. Nakita ko pa ang pagsulyap niya kay Daddy na nanlalaki ang mata at marahan itong pinalo sa dibdib nang may sinabi sa kanya.
I heard Kuya Ethan chuckled beside me, "Dinner my ass..."
I laughed at his remarks. "I told you it was weird..."
"Gusto lang ng Ate Ester niyo magdinner..." Kuya Ethan mimicked Mommy's voice.
Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa ng malakas dahil sa ginawa ni Kuya Ethan, "There's a special occasion indeed," I said nodding my head.
Tawa kami nang tawa na dalawa pero agad ding tumahimik nang tuluyan nang makalapit sa table. Ate Ester stood up when she heard Daddy's call. Sumabay din ang lalaki na katabi niya sa pagtayo at nagbigay galang kina Daddy at Mommy nang makita niya ito.
Ate Ester kissed Daddy on his cheeks and she did the same with Mommy.
Hindi ko narinig ang pagpapakilala ni Ate Ester sa kasama niya pero nakita ko ang paglahad ng kamay nito at tinaggap iyon ni Daddy.
Nang makalapit kami ni Kuya Ethan kay Ate Ester ay yumakap ako sa kanya.
"I missed you," I said as I hugged her tightly.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...