Kabanata XV
Help
"Bakit ang tagal mo naman?" tanong ni Keiffer.
Umupo ako sa tabi niya at tinaasan siya ng kilay.
"Miss mo na agad ako?" asar ko sa kanya.
Nandidiri siyang tiningnan ako. "Sa gwapo kong 'to? Asa ka naman, Eleanor," iling niya.
Natawa ako at napailing sa sinabi niya. Tiningnan ko si Deither na may kausap sa telepono.
Kadarating ko lang. Medyo na-traffic ako pero hindi naman ako gaanong late. Pinilig ko ang ulo ko nang lumipad ang isip ko sa nangyari kanina.
"Bakit naman? Nandito na kaming tatlo." nakita ko ang pagkunot niya ng noo, "The fuck you're saying? Kasama namin si Keiffer," tiim bagang na sabi ni Deither.
"Who's he talking to?" tanong ko kay Keiffer.
Silang dalawa lang ang naabutan ko rito pagdating ko. Akala ko ba ako lang ang male-late? Nasaan na sina Yvonne at Rein? Si Benedict? Na-traffic?
Pero bakit nauna pa ako sa kanila? O baka may dinaanan?
"Ben.." sabi ni Keiffer at nagtipa sa phone niya.
"Nasaan na sila?"
"Umalis na si Yvonne at Rein, e. Dunno where they're going. Sabihin na lang daw sa'yo next time na lang sila sasama,"
Ang excitement na nararamdaman ko kanina ay parang unti-unting naglaho. They're not here? Saan naman sila pupunta? Hindi ba pwedeng after na lang namin kumain?
Is it that important?
"Alright, alright. Gago," dinig kong sabi ni Deither.
Nilingon ko siya at nakita ko ang pagbaba niya ng phone ko at tipid na ngumisi sa akin.
"Benedict can't make it. It's just the three of us, Eleanor," dahan-dahan niyang sabi.
I felt a pang of sadness hearing that Benedict can't come here, too. Ngumiti ako at umiling pinilit na alisin ang naramdamang iyon. Ngayon lang naman. I understand.
"Benedict has something to do, too?" I asked.
Tumango si Deither. Umayos ng upo si Keiffer at nilapag sa lamesa ang phone niya.
"Nambababae lang 'yon kaya hindi makapunta. May pinopormahan ata na tourism student, e." tawa ni Keiffer.
Nagkibit balikat na lang ako at tiningnan na lang na ang menu na naroon.
"The meal's on me," aniko.
"For real?" tuwang-tuwang sabi ni Keiffer.
"Sigurado ka ba, Eleanor?" tanong ni Deither.
Tiningnan ko sila at tumawa. "Syempre naman. Ako ang nagyaya, e. Kayo lang ang maswerteng malilibre ko. You can pick anything you want," aniko at kinindatan silang dalawa.
Kahit hindi kami kumpleto sa gabing iyon ay nakuntento pa rin ako sa kwentuhan at presensya ng dalawa. I just really missed hanging out with them. Siguro ganon talaga kapag college, you will have lesser time to hang out with your friends lalo na't magkakaiba ang schedule namin. At ang schedule ko ang pinakaiba sa kanila.
Napuno ng tawanan at asaran ang gabing iyon. Sa sobrang dami ng in-order ni Keiffer ay hindi namin naubos iyon. Kaya naman tinake out niya na ang mga natira.
"I'll give these to street children," aniya at ngumisi sa akin.
Hinayaan ko na lang siyang kunin lahat iyon at napangiti. Keiffer loves children so much, that's what I like about him. Kahit loko-loko madalas ay hindi ko maitatangging may malambot na puso pagdating sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...