Kabanata XLV
Compass
"You cannot divide this with this one. Medyo nakakalito but once you memorize the formula, madadalian na rin kayo.."
I couldn't digest the lesson properly. Kanina pa ako titig na titig sa kanya. Lahat ng ginagawa niya ay pinagmamasdan ko. And my eyes will always end up looking at his lips moving.
I still remember his soft lips on mine. That fleeting moment. I still can remember it. The details of the night is vivid on my mind.
Pumangalumbaba ako habang pinagmasdan siyang magdiscuss sa harap. I couldn't just take my eyes off of him. Parang may magnet na sa kanya lang talaga nakatuon at hindi malingon ang mga ka-block na sumusulyap sulyap sa akin.
"Do you all know how to input these in your calculators to get the answer?" tanong niya at sa akin napatingin.
I suppressed my smile. Tumaas ang kilay niya para bang pinipigilan ding ngumiti sa akin dahil nasa klase siya at nagtuturo. Inalis niya ang mata sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko kung paano mabilis na pumilig ang ulo niya bago magpatuloy sa ituturo sa calculator.
Hinawakan ko ang calculator at sinundan ang sinabi niya. Nang matapos ay tinitigan kong muli siya. May mga ka-block akong hindi nakasunod sa sinabi niya kaya naman inulit niya ang sinabi kanina. Ngayon ay sinulat niya na rin sa board para matandaan ng iba ang pagkakasunod.
Sinundan ko ng tingin ang paggalaw niya. Kahit ang bawat pagsulat niya sa board ay pinagmasdan ko.
"You can copy this so you'll remember how..." he said and his eyes landed on me.
Napangisi ako. And I saw how his lips rose up a little bit! Agad siyang umiwas ng tingin sa akin at nilibot na ang paningin sa klase. I chuckled softly. Napatingin ang mga malapit sa akin pero hindi ko sila pinansin. Siguro ay naiisip nilang nababaliw na ako dahil tumatawa ako rito mag-isa. Little did they know it's because of the person they're looking at.
Yumuko ako at sinubukang hindi na siya tingnan. Pero hindi ko mapigilan nang muli siyang magsalita at mag-explain. Napanguso ako at muling nangalumbaba bago siya titigan.
"Pareho lang ito sa kanina. The only difference is that hindi lang multiplication ang gagawin. Since may denominator na..." aniya at napatingin sa akin. "You have to multiply this to the numericals..."
I suppressed my laugh. He encircled the denominator and yet he's telling us to multiply it. Mukhang napagtanto ni Dmitri ang sinabi niya kaya agad na bumawi at umiwas ng tingin sa akin.
"Or rather you have to divide this to the numbers presented...." bawi niya at medyo seryoso akong tiningnan.
I wanted to laugh so badly. Was he distracted by me? Wala naman akong ginagawa! I was just looking at him. Siya itong tingin din nang tingin sa akin! It's his fault. Gusto ko na tuloy mag-uwian. I want to tease him about what happened. Hindi naman kasi siya nagkakamali ng sinasabi o sinusulat. Ngayon lang.
Nakita ko pa ang pagpilig ng kanyang ulo nang umiwas sa akin. Yumuko ako at kinagat ang labi para pigilan ang sarili na tumawa at tumigil na sa kakangiti.
Sinubukang kong magsulat na lang at kopyahin ang bagong mga sinulat ni Dmitri sa board. It's really hard to avoid looking at him lalo na't konting usog lang ng aking mata, siya na agad ang makikita. He's explaining the new problem. Halos pareho lang kanina. Hindi ko mapakinggan dahil ang naikot sa isip ko ay ang nangyari kahit pa nagsusulat ako.
Pero agad akong napatingin sa kanya nang bigla niya akong tawagin! Medyo nagulat ako kaya nanlaki ang mata ko.
"Please answer this, Miss Fortes. Hindi naman ito naiba masyado sa ibang problem kaya..." he said and shrugged.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...